Chapter 2: My Number.

92 0 0
                                    

Rence Point Of View.

"Dude! Bakit namamaga ang mata mo?" bati sa akin ni Eric. Bestfriend ko.

"Bro, gaguhan?" sagot ko. Eh kasi naman kinuwento ka na sakanya ang nangyari, magtatanong pa ng ganoon.

"Hehe. Sorry naman. Nagjojoke lang ako eh."

"Bro, di nakakatuwa. Alam mo namang may pinagdadaanan ako eh." seryoso kong pakiusap.

One week na ang nakalipas mula ng makipagbreak sa akin si Allison at ipagtapat na wala akong halaga sa kaniya.

Bakit ganoon? Bakit habang tumatagal lalong sumasakit?

"Dude naman. Maiyak ka pa jan. Move on na." pagche-cheer nya sa akin.

"Kung madali lang dude, bakit hindi? Tangna. Ang sakit kasi!" nakita ko sya noong isang araw, may bago na sya. Iyon siguro ang timutukoy nya mahal na mahal nya.

"Rence, pogi ka naman. Mabait, maaalalahanin, mapagmahal. Saksi ang buong school sa pagpupursige mo noong nililigawan mo si Allison. Kaya siguradong makakahanap ka ng iba jan." tama naman si Eric eh. Bago maging kami ni Allison, heartrob ako dito sa school. Ang daming babae ang nagkakagusto sa akin. Halos lahat handang magpakamatay para mangitian ko lang. Pero nabihag ako kay Allison eh. Simula ng ipagutos ko na wala ng babae ang lalapit sa akin, wala ng babae ang nagtangkang 'manligaw' kay Mark Lawrence.

"Pero Eric, si Allison pa rin ang mahal ko eh." giit ko.

"Nako dude, ayan ang problema sa pagibig eh. Nakakatanga! Alam mo ng ginamit ka lang, ayaw mo pa ring tumigil." panenermon nya.

"Ewan ba, pagdating sa kanya tanga ako eh."

"Haaay. Ewan ba sayo. Ayaw mo ba doon kay Jane?"

Si Jane ang school crush. Lahat ng lalaki nagkakagusto sa kanya dahil na din siguro sa pagiging mahinhin nya at elegant. Last summer, nagtapat sya sa akin ng pag-ibig but tumanggi ako. Nililigawan ko na kasi si Allison nung mga panahon na yun.

"Bro naman. Baka nakamove on na yan sa akin. Tska parang ang sama naman ata noon kung gagamitin ko sya bilang panakip butas." totoo naman eh. Di kaya ng kunensya ko.

"Tulad ng ginawa sa iyo ni Allison?" pumatak na naman ang luha ko. Para nang twing naririnig ko ang panakip butas nasasaktan ako.

"O-oy! Pasensya na. Joke lang yun. Wag ka ng umiyak. Para kang bakla!" hindi na ako nagsalita. Palibhasang hindi pa ito naiinlove dahil pinaglalaruan nya lang ang mga babae.

"Eh kay Cece?" si Cece ang first love ko. Sya ang nililigawan ko hanggang sa dumating sa buhay ko si Allison. Simula noon, nakalimutan ko na si Cece at binuhos ang atensyon kay Allison. Wala na nga akong balita sa kanya eh.

"Past is past na." sabi ko.

"Haaay nako! Eh kung si Madison? Last na yan ha?! Wala na akong maisip!" si Madison? Sya ang unang babaeng iniyakan ko. Naging kami noong highschool. Sya ang unang babaeng minahal ko ng totoo. Pero umalis sila at nagpunta ng America kaya nagkahiwalay din kami. Last week, balita ko bumalik na ulit sya rito.

"Ewan ko! Wala ng pumapasok sa isip ko!" sabi ko sabay dukdok. Bakit ba ganito ang pag-ibig?

"Gusto mong maka-move on? Pengeng 100." tumingala ako at tinginan ko sya ng tarantado-ka-dude look. Pineperahan pa ako!

"Oy! Wag kang ganyan! Nakuha ko na ang allowance ko! Ilibre pa kita eh." binigyan ko na sya ng pera. Ano naman kayang gagawin nito?

Kumuha sya ng ballpen at sinulatan ang pera! Hoyy! Paano kung makulong kami?

"Number mo?" tanong nya.

"Aanhin mo?"

"Basta! Ibigay mo na!"

"0909******* aanhin mo ba?" tanong ko. Pinakita nya sa akin ang pera at nakita ko ang number ko!

Hindi na ako nakapagsalita dahil kumaripas na sya ng takbo! Dumukdok nalang ulit ako at nag emo.

"Haist. I love you. Allison. Sana bumalik ka pa rin sa akin" mahina kong bulong.

__________

Hello :)

Musta kayow guys? Ano tingin nyo sa story? Maganda ba? Pangit? Let me know naman if you have suggestions.

Yun Lang XD

Vote, Comment, LOVE.

                             -MyThunder09

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon