Rence Point Of View.
"Happy Aniversary ^^" bati ko kay Sugar Cake, ang loves ko habang may box ng necklace sa likod. Regalo ko sa kanya. 1st Anniversary namin ngayon.
"Rence." parang walang gana nyang sabi. Umupo sya sa table kung saan puno ng candles.
"Oh? Anong problema? Napapansin kong lagi kang balisa nitong mga nakaraang araw ah. Ayaw mo ba nitong hinanda ko?" tanong ko kay Allison. Girlfriend ko. At syempre, ang mahal na mahal ko. Nandito kami ngayon sa rooftop ng school. Naghanda talaga ako para masurprise sya sa 1st anniversary namin.
"Walang madaling paraan para sabihin to, kaya sasabihin ko na. Rence, break na tayo." diretso nyang sabi ng hindi man lang nakatingin sa akin.
Gusto na sanang maglaslas ng puso pero naisip ko ..
"N-nice joke. Sugar Cakes. P-pero w-wag naman ganyan. Nakakakaba eh." stay positive. Talaga kasing likas na palabiro ang Sugar Cakes ko. Kaya nga ako na inlove eh.
"No. Im serious. We should break up." hindi ako umimik. Hinihintay kong sabihin niyang 'uy. Joke lang. I love you.' Pero wala eh. S-seryoso ba sya? Hindi man lang ba nya babawiin?
"O-oy. W-wala bang halong joke yan?" pagtatanong ko. Nanginginig na ako. Hindi ko na mahawakan ng matino ang regalo ko.
"Panakip butas lang kita Rence!, Hindi kita minahal!." kasabay ng pagpatak ng luha ko ang paghalik ng tuhod ko sa lupa.
"Hindi kita mahal Rence kaya kailangan na nating magbreak para na rin sa ating dalawa." hinihintay ko na pumatak din ang luha nya. Pero wala. Kahit isang patak lang. Wala.
Hindi man lang ba sya nagsisi? Nagsisi na ginamit nya lang ako.
"B-bakit? P-papaano," sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko. Ang buong alala ko, lalaki lang ang nanloloko pero mali ako.
"Sya talaga ang mahal ko simula pa noong una. Sya lang ang tanging lalaking minahal ko. Pero meron na syang iba. Ang sabi ng ilan, ibuhos na lang daw ang pagmamahal ko sa iba. Isang taong magmamahal sa akin. Sinubukan ko Rence. Maniwala ka. Mula pa noong nanligaw ka sa akin. Pero hindi ko talaga sya mawala sa isip ko. Hanggang sa isang araw, nagtapat sya sa akin at gustong makipagbalikan. Siguro, tama na ito. Tama ng itigil na natin ito para makahanap ka na ng iba at makabalik na ako sa mahal ko." tama? Allison alam mo ba ang tama?
Tama ba ang gamitin mo ang isang tao para gawing pampalipas oras?
Ang sakit. Kaya ba ako nabuhay? Para gamitin mo?
"S-sabihin mong hindi mo na ako mahal. At aalis n-na a-ako." wag. Wag mong sabihin.
"Tangna naman Rence! Sabi ngang hindi kita minahal! Wag mo nga pahirapan ang mga sarili natin!!" kinuha na nya ang bag nya at lumabas.
Ito ba? Ito ba ang kapalit ng pagmamahal ko? Ang masaktan?
Hi. Ako nga pala si Mark Lawrence Sy. And yes, I need to move on.
---
Hello po :)
Salamat po sa pagbasa ng story na to. Sana tapusin nyo. Pagpasensyahan na kung medyo mabagal mag update si ako ha? Mahirap maging 4th year. Kabikabilaang mga activities!
Whaha. Yun langs :) Salamat sa lahat.
Tsaka try nyo din basahin yung isa ko pang story entitled Bagay pa na tayo??"
Have A Good Day :)
-MyThunder09
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...