Chapter 4: Thoughts On Finding Her

68 0 0
                                    

Rence Point Of View.

*1 message recieved*

M: Good Morning.

Nagising ulit ako sa text nya. 2 araw ng ganito. Makakatulog ako na sya ang katext ko at magigising sa text nya.

Isang bagong araw na naman. Makikita ko ulit si Allison sa school kasama ng 'mahal' nya.

Rence: Good morning din.

M: Bumangon kana. May pasok ka diba?

Rence: Ayoko pumasok. Makikita ko lang si Allison na masaya sa piling ng iba.

M: Ayan ka na naman. Tumayo ka jan! Wag mong ipakita na affected ka pa din. Kailangan nyang makita na wala ka nang paki-alam sa kanya.

Tama sya! I need to show her that I moved on na. Kahit hindi pa.

__________

M: Haha. Sarap sabunutan eh!

Napangiti ako. Haha. Ipagtatanggol nya daw ako kay Allison kahit anong mangyari. Nandito na ako sa school.

"Ayun yun eh! Ngumingiti na sya!" pangiinis sa akin ni Eric. Sumimangot na ulit ako.

"Ano ba? Bigla bigla kang sumusulpot!"

"Haha. Hinuli lang kita. Ayiii! Sino yang katext mo? Himala at napangiti ka ulit." sabay kiliti sa akin.

"Oi! Bakla ka ba? Kung kiligin ka jan ah! Wala lang ito!" sabi ko sabay tago ng cellphone ko.

"Haha. Eto naman. Masama bang matuwa dahil nagmukha na ulit tao ang bestfriend nya?" mukha naman akong tao ah! Pogi ko pa.

"Ewan ko sayo! Mas mukha pa nga akong tao sayo no!"

"Joke lang. Adik to. Eh sino nga yan?" sasabihin ko ba? Na may katext akong stranger?

"Wala! Nagpadala lang ng joke ang smart!"

"Gago! Sinong niloko mo? Akin na nga!" sabi nya sabay agaw ng cellphone ko. D*mn!

"M. Sino si M?"

"Akin na nga yan! Matay ng mangealam eh!" binawi ko na ulit ang cellphone ko.

"Sino nga yan? Ayiii! Syota mo no?" nagulat naman ako doon.

"Syota agad? Hindi noh!" sabay suntok sa braso nya.

"Nako! Eh bakit nagba-blush ka?"

"D-di naman ako nagba-blush ah! Tarantado ka talaga!"

"Sino na nga?!" no choice na ako. Kilala ko tong si Eric, wala kang malilihim dito!

"Di ko sya kilala okay!" sabi ko sakanya

"Anong hindi mo kilala? Pwede ba yun?" umupo na sya sa desk ko at talagang nakikinig.

"Ewan ba! Basta nagtext nalang sya sa akin at tinanong ang status ko."

"Naks! Instant text mate! Nanlo-load ba? Ibigay mo sa akin yung number!" sabay labas ng cellphone nya.

"Gago ka talaga no? Hindi sya nanloload! Kaya wag mo ng kuhanin yung number!"

"Eh bakit parang pinagdadamot mo? Aminin na kasi. Crush mo yan no?"

"Anong crush? Hindi ah! Nakakatext ko lang sya. Sinasabihan ko lang sya ng problema. Tulad ng kay Allison." paliwanag ko.

"Grabe ka naman! Parang pinapamukha mo sa aking wala na akong kwenta sa iyo ah!" kunyaring umiiyak na sabi ni Eric.

"O.A mo dude! Eh basta para bang ang gaan ng loob ko sa kanya? Kahit ba sa text ko lang sya nakakasama, para bang kilala ko sya at kilalang kilala nya ako. Kanina nga tinanong nya kung kumakain pa din ako ng Yakee!" favorite ko kasi yun. Haha. Yung maaaim na bubble gum ^^.

"Talaga? Akala ko ako lang ang nakakaalam nun. So kung kilala ka ng katext mo, siguradong kilala mo sya sa personal."

"Tingin mo din? Alam nya ga kung gaano ako nagpakahirap nung niligawan ko si Allison eh."

"Siguro nga, kilalang-kilala ka nga nya. And if alam nya kung paano mo niligawan si Allison, dito rin sya sa school natin nag-aaral?" sabi ni Eric sabay tangkang kuhanin ang cellphone ko. Ayoko nga! Baka makita nya ang conversation namin ni M eh.

"Tingin mo din? Naisip ko rin yan dati eh. Na dito sya sa s hool nag-aaral. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ayaw nyang magpakilala?" -ako.

"Baka pangit sya. Haha. Joke. Eh malay mo, nahihiya lang sayo kasi crush ka. Kita mo tinutulungan lang mag-move on?" Oo nga noh! Baka crush ako nito kaya tinutulungan ako nito.

Pero kahit ano ang dahipan nya kung bakit nya ako tinutulungan, nagpapasalamat ako sa kanya.

Kasi sa kabila ng paghihirap ko, mayroon parin akong dahilan para tumawa.

"Gusto mo hanapin natin?" bigla akong napatigil sa sinabi ni Eric.

Hanapin si M? Parang bigla akong napaisip dun. Ano kaya itsura nya?

---

Hello!

Musta na guys? Salamat sa pagbasa ng chapter 4 :) Sana talaga tapusin nyo hanggang dulo.

Sorry din sa mga late update. Sobrang daming gawain sa school eh.

Hm. Yun lang :)

-MyThunder09

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon