Chapter 6: Crushed Heart

66 1 0
                                    

Lawrence Point Of View.

Pagkatapos ituro ni Eric si Allison na may dalang pagkain at naghahanap ng mauupuan ..

Saka ko napansin na ito nalang pala ang bakanteng lamesa!! Anong gagawin ko?! Kaylangan kong magtago!! Saan ako magtatago?! Papunta na ako sa ilalim ng mesa ng pigilan ako ni Eric.

"Act natural. As if you moved on." sabay hatak sa akin pabalik sa upuan.

"Hello Eric? Hello uhm.. Rence" bati sa amin ni Allison. Parang lumundag ang puso ko! Tinawag nya ulit ako sa pangalan ko! Ewan ba kung normal pa ang tawag dito pero masaya ako.

"David nga pala dude. Boyfriend ni Allison" pero biglang nawasak ang kaligayahan ko.

David pala ang pagalan ng gagong to! Ang lalaking nangiwan kay Allison. Nakikipagshake hands sya sa amin ni Eric kaya inabot ko ang kamay nya. Broken hearted ako pero hindi ako bastos.

"Rence pare." palstik kong ngiti.

"Salamat nga pala sa pag-alaga mo kay Bhabe habang wala ako." alaga?! Mukha ba akong caregiver? Dude hindi ko inalagaan, Minahal ko sya!! At bhabe? Laos na yun ay! Mas maganda pa ang sugar cakes namin!

"A-ah.. E-eh.. W-wala yun pare."

"Magkakilala na kami ni Bhabes simula pa noong bata pa kami. Kaya siguro mahal na mahal namin ang isa't isa. Nakakatawa nga kung paano naging kami eh. Nagtapat ako sa sinehan." kwento ni David sabay halik kay Allison. Biglang kirot ng puso ko. Tangna! Anong paki-alam ko!!

Habang pinagpapatuloy nya ang kwento ng lovestory nila, lalo akong napipikon! Tahimik lang si Allison at nakatingin lang sa pagkain.

Hindi rin nagsasalita si Eric. Pero kilala ko ito. Lokohan kung lokohan, tawanan kung tawanan, pero iba ito magalit. Siguro ay alam nyang nasasaktan ako. Nakita ko ang mga kamao nyang handa ng sumuntok.

"Haha. Nagkamali nga ako noong pinagpalit ko itong Bhabes ko eh. Buti nalang at nung binalikan ko sya, ikaw ang boyfriend nya, alam kong wala kang laban sa akin kaya nakuha ko kaagad sya pa balik." nandilim qng paningin ko! Susuntukin ko na sana sya pero naunahan ako ni Eric!

"Eh tarantado ka pala eh!" sigaw ni Eric matapos nyang pabagsakin yung David.

"Kung wala ang gagong ito, tangina, walang lolokohin ang girlfriend mo!" pagkatapos bitiwan ni Eric ang mga salitang ito ay lumabas na sya.

Nakita kong nilapitan ni Allison si David na puno ng pag-aalala.

"Bhabe okay ka lang? Hoy Rence! Pagsabihan mo ang bestfriend mo ha!! Tignan mo ang ginawa?!" lalong nadagdagan ang galit ko. Si Eric pa ang may kasalanan?!

"Alam mo, kung hindi lang ako naunahan ni Eric, ako mismo ang wawasak sa mukha ng boyfriend mo! Nakakalalaki n--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sinampal ako ni Allison.

"You have no right!" pagkasabi nya noon, inalalayan nya yung David at lumabas na ng canteen. Naiwan ako dito na pinagtitinginan ng iba.

Bakla na kung bakla pero tumutulo na naman ang luha ko. Ang sakit! Grabe!

*1 message recieved*

M: Okay ka lang? Ang yabang ng David ah!! Okay lang yan. Mas may asal ka naman doon!

Napangiti ako ng mabasa ko ang text ni M. Baliw na siguro ako. Umiiyak na ngumingiti. Pero hindi ko talaga maiwasan eh.

Siguro I need to move on na. And this time, I wont mistakes.

M. I will find you.

___________

Hi?

Salamat sa pagbasa ng chapter 6 Naisingit sa schedule eh ^^

Vote, Comment and Follow :D

Follow me on twitter @MyThunder09

-MyThunder09

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon