Chapter 9: Mads

63 0 0
                                    

Rence' Point Of View.

"Dude, sorry." sabi ko kay Eric. Talagang galit pa rin sya sa ginawa ko kay Mine.

"Eh kasi dude naman eh. Bakit hindi ka kasi naghintay? Oo. Aaminin ko, play girl ako. Lagi akong nagpapalit ng babae pero hindi naman ako nagpapanggap na mahal ko sila. Maayos akong nakikipagbreak at hindi ako ng iiwan sa ere!"

"Dude, tama na. Wag mo ng ipamukha ang nagawa kong kasalanan."

"Kung di lang kita kaibigan, matagal na kitang sinuntok jan sa kinauupuan mo!"

"Eric anong gagawin ko? Wala akong mukhang mahaharap na mukha kay M kung sya si Cece."

"Bahala ka sa buhay mo! Pero dont worry. May isa pa namang suspek." nilabas nya ang huling litratong hawak nya.

Ang litratong nagpasakit sa puso ko.

"Madisson?" tumulo sa mata ko ang mga luha.

--

>>[Flashback]<<

"Ow Mads? Bakit ka umiiyak?" tanong ko kay Madisson. Nakaupo ako ngayon dito sa bench ng bigla syang dumating.

"Hindi ako crush ng crush ko!" at humagugol sya ng iyak sa balikat ko. Hinampas nya ako ng hinampas.

Ang sakit.

Ang sakit hindi dahil sa mga hampas kung hindi dahil, umiiyak ang mahal ko.

Opo. Mahal ko po si Madisson. Sya ang kababata ko mula 5 yrs old.

Dati, naguguluhan ako kung bakit ayoko syang nakikipaglaro sa iba. Ayokong nasasaktan sya. Yun bang gusto kong lagi syang nasa tabi ko.

Pero ngayon, naliwanagan na ako. Mahal ko ang kababata ko!

"O-okay lang yan. Hindi ka naman nya deserve." masakit pala no? Yung nagmamahal ka pero hindi mo masabi?

Duwag na kung duwag basta ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Ayokong lumayo sya sa akin. Ayokong maging awkward ang pakikitungo nya sa akin. Kaya ito ako, kunyari malungkot pero masaya ako dahil wala na syang crush! Buti nalang takot sa akin yung lalaki na yun XD

"T-talaga?" tumitig sya sa mga mata ko. Bakit ganoon? Kahit puro sipon sya, ang ganda nya pa rin.

"Oo naman. Sa ganda mo na yan? Sa bait mo? Sa mga ngiti mo? Sigurado may ibang magkakagusto sa iyo at mamahalin ka." hinawakan ko ang kamay nya. Ang sarap sa feeling.

"Whaaa! Kaya kita mahal na mahal eh! Salamat lawrence. Tama ka! Maghahanap ako ng mamahalin ako." inakap nya ako. >//<

"D-diba sabi ko Rence na lang?"

"Gusto ko Lawrence eh! Ayaw mo nun? Bestfriend mo lang ang tumatawag sa iyo nun? Eto oh. Yakee." inabot nya sa akin ang Yakee! Sarap!

"Nga pala, sabi ni Papa unta ka daw sa amin mamaya." dahil kababata nga kami, magkakilala na ako ng papa nya.

Pinagkakatiwalaan nya ako para bantayan ang anak nya sa mga lalaking manloloko na nagtatangkang manligaw sa kanya.

Kahit naman hindi ako utusan, talagang poprotekrahan ko ang Mads ko no! Ayokong umiyak sya.

"Ha? Bakit daw?"

"Ewan ko eh. Basta sabi nila pumunta ka daw. May paguusapan kayo."

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon