Chapter 11: Ms. PMS, Mr. Assuming

58 0 0
                                    

Eric's Point of View.

Boom! Sa wakas! Nagkaroon na din ng importansya sa istorya na to!

Una sa lahat, wag po kayong maniniwala sa mga pinagsasabi sa akin ni Rence. Hindi totoo yun. Naninira lang yun dahil mas pogi ako sa kanya. XD

Pangalawa, hindi ako play boy! Sadyang gwapo lang ako. Sila kaya yung lumalapit sa akin!

At pangatlo, hindi po ako masamang tao. Haha. Kaya ko lang naman po nagawa ang imbentong laro kong "Catch Me" ay para manahimik na ang loob ni Rence at magkaroon sya ng tamang closure for every girl in his life.

Knowing Rence, duwag yan. Di sya makikipag ayos dahil nahihiya sya.

Kaya ito, to the rescue si Best Friend Pogi :D

"O ano? Nakulong nyo na?" tanong ko sa nga nanghuli.

"Oo! Nandun na sya mag isa sa gym."

"Good. Haha. Next person I want you to Catch is .." suspense kunyari. Haha.

"Cece Clemente!" tinginan lahat kay Cece. Grabe! Nakakatuwa twing sinasabi ko na ang mga huhuliin eh. Kung maka tingin ang mga tao parang papatayin.

"Ayun! Si Cece! Huliin natin!" nagtangkang tumakbo si Cece pero wala na eh. Haha uubra ba sya sa mga taong nagnanasa ng IPhone?

Buti na lang talaga, mayaman kami :D

"Kyaaa! Bitiwan nyo-- Kyaaa! Eric! Ano ba? Ayoko! May gagawin p-- Kyaaa! Ako!" kunyari pa pero alam ko namang umiiwas sya kay Rence. Wala na syang magagawa!

Mwahaha! Sarap talaga pag birthday mo.

Kinulong na nila si Cece. Siguradong papatayin ako ni Rence nito. Ang masaya lang, ako ang makapangyarihan ngayon! Mwahaha! Gamit ang kapangyarihan ng IPhone kaya kong sakupin ang buong mundo! Haha joke.

Kaya ko lang pa lang inisin si Rence.

"Next Person I want you guys to luck up to the gym is .." suspense ulit.

"My very close friend. Madisson King!" as usual, tinginan lahat kay Mads.

"What?!" sigaw nya. Masyado ng mabilis ang pangyayari. Dinamba na ata sya ng mga tao. Whaha.

"E-eric! W-what's this? P-please! Wag mo muna kaming pagharapin. Hindi pa ako handa!" kung hindi ka pa ready ngayon, kelan ka pa magiging handa diba?

Mas mabuting magkaayos na silang lahat ngayong lahat sa birthday ko.

"Ready na para sa susunod? The next person is .. Jane Valdez!" hinanap sya ng mga tao pero hindi nila makita. Diba pumubta sya dito kanina?

"She's here! Nagtatago lang sya!" sigaw nung isa at pinasok sya sa pinagtataguan nito.

"E-eric! Wag naman o! A-ayoko muna syang makita!"

"Im sorry baby. Pero kung hindi ngayon, kelan pa diba? Ikulong nyo na yan doon!" at hinatak na nga nila si Jane papasok ng gym.

Haist. Lawrence. Wag maging tanga. Ayusin mo na lahat ng kamalian mo.

--

"Layuan nyo ang girlfriend ko!" pageeskandalo nung David. Bigla ko kasing naisip na isama si Allison. After all, naging part din naman sya ng life nito.

Ang problema nga lang, ang tarantadong boyfriend nito.

"Dude, ang KJ mo! Mag uusap lang naman sila doon ah."

"Kanino? Kay Rence? Asa! Di na makikipag balikan sa kaniya si Bhabes dahil akin na sya."

"Asa mo mukha mo! Aanhin yan ni Rence? Wag assuming. Edi magsama kayong dalawa! Sige ikulong nyo na yan doon. Madrama eh!"

"Pagbabayaran mo to Eric!" sigaw ni David. Aish! Kung yung girlfriend nya nga hindi nagrereklamo, tapos sya may pasigaw sigaw pa.

"Assuming ka dude!" huling sigaw ko.

Haist. Pasesnsya Lawrence. May nasama na asungot. Wag mo na lang sigurong pansinin. Nagpapapansin lang yan.

--

"Thankyou guys for cooperating with me. Just claim your price here. Sige. Enjoy the party." at bumababa na ako ng stage.

Salamat naman at tapos na. All I want to do is sit back and relax. Let my Lawrence do the work.

Sana ..

Hindi sya matorpe. XD

--

"Hello Eric? Can I join you?" sabi ng stranger na babae. Hot sya pero di ko type.

"Nah."

"B-but"

"I said NO!" ewan ba kung bakit. Pang 27 na babae na ata yan na lumapit sa akin pero I turn them down.

Ewan ba kung ano ang nagyayari sa akin. Hindi ito ang normal na si Eric.

"Uhm Excuse m--"

"I said NO right? So could you stop annoying me? Youre not my type so leave me alone!" sigaw ko pero napansin kong ibang babae na pala ito.

"Excuse me Mister! Youre not my type either! Kaya lang naman ako lumapit para hiramin ang upuan na ito. The hell I care for you! And besides, who wants to be your girl?! Kaya please, wag kang assuming!" at umalis na sya.

Bigla akong napanganga sa nangyari! First time akong sungitan ng babae! Sheet! Parang pakiramdam ko tuloy nayurakan ang pagka lalaki ko!

"H-hey Miss!" sigaw ko at lumingon naman sya. Taray mode sya.

"PMS? Ang taray mo ah!"

"Wha-- WHAT?! Sinong hindi magtataray sa gaya mong lalaki?!"

"Posive. Pms nga to."

"Haist. Whatever. Bakit nga ba ako nakikipag usap sayo."

"Bakit ka nakikipag usap sa akin? Ako lang naman si Eric John Lazaro. Ang pinaka pogi at sikat na lalaki sa school. You are considered blessed kasi kinakausap kita ngayon." taas noon kong sabi.

"Really?" lumapit sya at hinaplos ang mukha ko.

"See? Edi napogian ka din sa akin."

*toink!*

"Aray!!" pinitik ba naman ako sa noo!

"The hell I care!" at umalis na sya.

Sheet! First time ko lang ata maka encounter ng ganun ah! Isang babaeng ayaw sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nachallenge ako :D

"Psst. Miss PMS. See ya around."

"I hope not. Mr. Assuming. :P"

--

Hey?

Salamat sa bumasa. Haha.

Vote, Comment, LOVE. XD

                                           -MyThunder

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon