Chapter 25: Baliw

32 2 0
                                    

Madisson's Point Of View.

"Hey. Girl .. Are you okay? Umalis na si Rence." tinapik ako ni Sandra mula sa pagkakadukdok ko. Haist. Ewan ba. Hindi pa ako handang humarap kay Rence ngayon. Kaya nagkunwari muna akong may sakit.

"Thanks a lot Sandra." sabi ko sabay ngiti.

"Wala yun. Pero ano ka ba girl? Ano bang problema mo? Hinahanap ka ng lalaking mahal na mahal mo pero ang tanging ginawa mo lang ay mag sakit sakitan?" okay, pinapangaralan na ako. Pero sa tingin ko, iyan talaga ang papel ng mga bestfriends.

"Hey! Diba I told you that dont say it loud?" bawal ko kay Sandra.

"Alin? Na mahal mo pa si Renc--" hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil tinakpan ko ang bibig nya. (>_<) Baka may makarinig.

"Pwee! Ano ba? Wala namang masama dun ah! Kapag mahal, mahal." pinagsasabi talaga ng babaeng to. -_-

"Ang lalim mo mag salita ngayon ha? Ayan ba yung epekto sayo ni Eric? Ayiii!" sabay kiniliti ko sya para maiba ang topic.

"Duhhh! No way! Were just friends. And you know naman na may mahal na ako diba?" ay oo nga pala. Itong babae nato, mukha lang mataray pero ang totoo ay tanga pag dating sa pag ibig. Hindi pa rin maka move on sa lalaking nang iwan sa kanya. Twice. Haist. Siguro nga nagsasama sama ang magkaparehong tao.

"Im worried about Rence." sambit ko.

"Nagaalala ako kasi hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ni Melissa para lang mapakanya si Eric." patuloy ko.

"Hmm. Talaga bang masama ang budhi ng babaeng yan?" napahampas sya sa desk sa pagtatanong.

"Well, hindi naman totally na masama. Talagang gagawin nya lang ang lahat para makuha ang gusto nya." -Ako.

>>[Flashback]<<

Time Setting: Bago maging si Mads at Rence.

"Hello Rence." bati ko kay Rence. Whaa! Kinikilig ako. Ang gwapo gwapo nya talaga. Ang kaso, hindi kami pwede kasi magbestfriend kami. At ayaw ko naman masira yun.

"H-hi Mads." bati nya pabalik. Hm. Bakit kaya lagi syang nagi-stutter pag kausap nya ako?

"Hey guys! Ahem! Nag dedate na naman kayo jan." bati ni Eric na kadarating lang. >_<

"G-gago ka talaga Eric. Bestfriend lang kami ni Mads." dafense ni Rence <|3

"Teka! Akala ko ba ako ang bestfriend mo?" -Eric.

"Hindi ako sumasama sa babaero. Dapat ang mga babae, nirerespeto." napatingin ako kay Rence. Haist. Kaya lalo akong naiinlove sayo eh. Napaka gentleman mo.

"Hindi na uso yun! Pero by the way, may bagong humahabol sa akin na babae. Melissa yung pangalan." pagyayabang nya sa amin.

"O? Paki alam ko?" -Rence. Natawa nalang ako.

"Ang hard nyo sakin! Syempre as a friend, I want to get your opinion. Ano sa tingin nyo?"

"Well, if you like, pakilala mo sya sa amin. Hindi pa naman kayo right?" tanong ko sa kanya. Kahit naman papaano may care kami sa babaerong ito.

"Of course not! Hm. Kasi medyo may doubt ako sa kanya eh." napakamot sya ng ulo.

"Edi wag mong pormahan para wala ng gulo at di kami naaabala!" sabi ni Rence. Siniko ko naman sya. Problema nito?

"Ang gustong sabihin ni Rence ay ano ba yung problema sa kanya? May di ka ba nagustuhan sa kanya?" sabi ko.

"Eh kasi pakiramdam ko, baliw sya." pinitik ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon