Rence Point Of View.
"Okay, may tatlo tayong suspek na pwedeng maging si M. Si Anna, Karen at Nina." biro ni Eric. Haay! Itong tao talaga na ito. Nandito kami ngayon sa condo ko. Pinag-uusapan namin kung sino ba talaga ang pwedeng maging M.
"Hoy?! May utak ka pa ba? Para kang tanga ay!"
"Chill lang dude. Nagbibiro lang ako. Badtrip na naman eh." sino ba naman ang hindi mababadtrip sa nangyari?
Pinamukha lang naman sayo ng boyfriend ng ex mo na mas minahal sya nito keysa sayo. Tapos, kinampihan pa rin sya ng ex mo. Sakit!
"Pero dude salamat nung isang araw ha? Kung wala ka doon, baka basak na ang mukha noon!" sabi ko.
"Nako! Pasalamat nga sya nakapagtimpi pa ako eh! Kung hindi, hahalik sya sa lupa! Bakit? Sino ba sya? Sya lang naman ang lecheng dahilan kung bakit naging kailangan kang gawing rebound ni Allison." nakatikom na ulit ang kamao nito.
"O tama dude! Tinalo mo pa ako ah! Chill lang. Siguro nga wake-up call na sa akin ang nangyari. Na hindi talaga ako minahal ni Allison at hindi na nya ako mamahalin. I need to move on pre. And I think M is the one who can help me."
*1 message recieved*
M: Okay ka na ba? Lintik na Allison yun! Pag nakita ko sasabunutan ko!
Rence: Haha. Wag. Okay lang ako no. Ako ata si Rence.
M: Oo nga pala. Ikaw si Rence. Ang pinaka matapang na nakilala ko.
Parang may sumipa sa puso ko. Anyare?
Rence: Kilala mo ba ako?
M: Oo naman. Ikaw si Mark Lawrence Sy. Short temper, seryoso magmahal at mahilig sa gum na Yakee :D
Rence: Bakit ba kasi ayaw mo magpakilala?
M: Hindi naman ako importante. Ikaw. Basta masaya naman ako kung matutulungan kitang mag-move on.
Rence: Salamat ha? Wag kang mag-alala. Malapit na.
"Hoy! Tigil muna sa landi! Balik sa trabaho. Kailangan pa natin mahanap yan." pigil sa akin ni Eric. Psh. Panira ay.
"K fine! Sino na ba kasi?" tinago ko na ang cellphone ko.
"Okay. Dahil seryoso ka na kamo sa pagmomove on mo, seryoso na rin ako. May tatlo tayong suspek na pwedeng maging princess charming mo." at naglabas sya ng mga picture. Mga picture na nagpasakit sa puso ko.
"Si Jane?" sabi ko nung nakita ko ang magandang mukha sa unang litrato.
Sa mga hindi nakakaalala, si Jane po ang campus crush. Lahat na ata ng lalaki sa school may crush sa kanya. Pero wala man lang nakapanligaw dahil hindi sya nagpapaligaw. Marami ngang nagtatanong kasi sa ganda nya, wala syang bf or crush man lang sa school.
Aaminin ko, talagang nagkaroon din ako ng paghanga kay Jane dahil sa maganda sya, mabait, mahinhin at sophisticated.
Hanggang sa isang araw, nagtapat sya sa akin ng pag-ibig. Syempre nagulat ako. Hottest girl in school mahal ako? Pero I turn her down.
That time, nanliligaw na kasi ako kay Allison. Tapat ako magmahal kaya hindi ko sya nasuklian.
"Teka? Paano sya nasama sa M-List?" tanong ko.
"Diba ikaw na mismo ang may sabi na baka may crush sayo si M? Eh sino pa ba ang nagmahal sayo pero hindi mo sinuklian bukod kay Jane diba? Siguro, gusto nyang maka-move on ka dahil ayaw ka nyang nakikitang nasasaktan. Baka mahal ka parin nya dude." hindi ako makapag salita.
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...