Jane's Point Of View.
"Jane! Ang tagal mo naman! Baka di na natin sila maabutan" katok ng mga kasama kong babae. Siguro kilala nyo na sila. Sino pa kung hindi sila Mads.
Dito kasi sila natulog kagabi dahil sa pinaplano naming pagspy sa date nila Rence at ni Melissa. Ang babaeng nagproclaim na siya ang mahal ni Rence.
Dont get the wrong idea ha, pero seryoso talaga ako na malaman kung si Melissa ba talaga ang M ni Rence. Kahit na nagseselos ako dahil may iba na ang mahal ko, syempre naman kung tunay kang nagmamahal diba? Mas uunahin mo ang tunay na magpapasaya sa kanya.
Pero kung maisip nya na mahalin ako, ayun na siguro ang pinaka masaya na yugto ng buhay ko.
"Hoy Jane! Bat ba ang tagal mong magbihis? Nakatulala ka na naman jan no?!" boses ni Allison. Haha. Kung sabagay ang daldal ko na pala.
Lumabas na ako. At nakita ko silang nakabihis na. Wow. Ang gaganda nilang lahat. Parang pakiramdam ko ang pangit ko tuloy.
"Eto na po. Lumabas na. Ang iinit ng mga ulo nyo. Para kayong may mga asawa na." sabi ko.
"Sinong di magiinit ang ulo! Maisip ko lang na maling babae ang kasama ni Rence, nanggigigil na ako!" -Allison. Haha. Taray talaga ng babaeng ito.
"Hoy. Mag hunos dili ka jan. Hindi pa napapatunayan no! Malay mo mali pala." pagpapaalala ni Cece. Kung sabagay nga naman.
"So tara na girls. Alis na tayo? Sabi ni Eric sa may mall daw sila magdedate ngayon eh. Lets go?" sabi ni Mads.
Sige. Go! Para kay Rence. Aja!
--
>>[Mall]<<
"Ayun! Ayun sila! Lets go Spies" sabi ni Cece. Nandito na kasi kami sa mall para magimbistiga. At alam nyo ba? Meron kaming mga codename. Haha. Kami ang totally spies ngayon. Adik kasi si Mads. Para daw in character kami.
Ako si Clover, si Cece naman daw si Alex at si Sam naman si Mads. Haha. Samantalang hindi kasali si Allison dahil sya yung kontarabida. Ayun. Inirapan kami.
"Spies! Ayun sila papasok sa restaurant!" -Cece
"Let's go." so pumasok na din kami. Kanya kanyang disguise. Pumunta kami sa management at nagtanong kung pwedeng mahiram ang uniform ng mga waitress nila. At ayun, pumayag naman. Binayaran namin. Okay lang naman. Charge to lahat kay Eric eh. Haha. So kunyari nagdadala kami ng order pero ang totoo, nakikinig lang kami sa usapan nila.
"Rence, hindi ko talaga inaasahan na hahanapin mo ako." sabi ni Melissa with mapungay na mata. Napatingin kami kay Allison. Asar na asar.
"Syempre naman. Ang laki kaya ng utang na loob ko sayo. Kung wala ka, baka umiiyak pa din ako ngayon." paliwanag ni Rence.
"Syempre naman. Mahal kita eh." psh. Ayokong pakinggan.
"I love you din M." </3
"Don't call me M na. Call me Melissa." sabi nya.
"Arte nya naman. Sabunutan ko sya eh!" bulong ni Allison
"A-ah .. E-eh .. Sige. M-melissa." hinawakan ni Rence ang kamay nya. Yuck.
*blam!*
Tinginan kami sa isang table. Shemay. Si Allison. Hinampas yung table sa sobrang galit. Yare. Baka mabuko ang disguise namin
Tumingjn sila doon pero buti nalang dumating na ang totoong waiter. At nabaling yung atensyon nila doon. Tinignan namin ng masama si Allison.
"Alam mo, Rence. Mahal na mahal kita." -Melissa.
"M-mahal din kita M -- Este Melissa." pero nagulat ako nung nakita kong nagpout ang lips ni Melissa. Shocks!
Agad agad? Pda! Parang nagpanic naman si Rence pero nakita ko syang naka-akma na para halikan si Melissa. Shete! Wag! Ayoko makita.
*Splash*
"Pasensya na po mam, sir." sabi nung waiter na natapunan sila ng juice. Pero ang totoo, si Cece lang yun. Gumawa ng paraan para di matuloy yung kadiri nilang gagawin!
"Shet! Are you dumb? Tanga tanga ka ba? Look what happen to my dress? Mahal pa naman bili ko dito! Tanga ka talagang waitress ka!" mga salitang binitiwan nung Melissa. Nagulat kami sa inasal nya. So mean!
"Ah -- Eh .. Pagsensyahan mo nalang Melissa." pakiusap ni Eric.
"What?! No way! Bayaran nya to! Mas mahal pa to sa buhay mo alam mo ba yun dumb ass waitress?!" dinuduro duro na nya si Cece. Halata naman kay Cece na nagtitimpi na lang sya. Mabubuko kasi kami pag inalis nya yung menu na nakatakip sa mukha nya.
"H-hey. S-sige ako na ang magbabayad. Wag mo ng pagalitan si Ate." -Rence.
"Shocks! I cant believe this! You are so walang kwentang tao! I need to go to the rest room. And please naman! Pag balik ko, pakisamang i-mop ang mukha ng walang kwentang tatanga tangang babae to!" at tuamayo na sya para pumunta sa cr. Shemay! Attitude girl! Parang yun lang?
Nakita kong nabigla si Lawrence. Hindi siguro iyon ang inaasahan nyang magiging kalalabasan ni M nya.
Samantalang si Allison, ayun, pinipigilan ni Mads. Gustong mag eskandalo.
"Shete! Bitiwan mo ko Mads! Im goung to show that bitch what is the true meaning of respect pagkatapos kong kalbuhin sya st isa isahin tanggalin ang mga kuko nya!" sabi ni Allison. Pero di sya makaalis dahil hawak sya ni Mads sa likod. Lumapit na sa amin si Cece.
"Damn! Buong buhay ko hindi ko pa naranasan ganunin ng isang tao! Shet! Pasalamat sya nakapagtimpi ako dahil kung di, sa harap ni Rence sasampalin ko sya!" -Cece
"Bitiwan mo nga ako!" palag ni Allison at tumakbo sa cr. Shemay! Yari pag di namin sya naabutan. War ito!
Nakita ko si Rence na dumukdok. Haist. Wag kang mag alala Rence. Andito ang moon mo, aalanin ko kung tama ba ang babaeng kilala mo.
Pumunta na kami sa Cr para pigilan si Allison na patayin si Melissa pero ..
"Shhh. Wag kayong maingay." Bulong ni Allison. Tumahimik kami at nakinig.
"Yuck! Girl! Alam mo ba kanina? Hinawakan nya yung kamay ko! Nandidiri ako! Pakiramdam ko pinahiran ako ng germs. Ang totoo nga, nasusuka na ako sa pagsabi sa kanya na mahal ko sya. Eeew! Yup! Oo nga! Damn." rinig namin. Si Melissa. May kausap sa phone. Si Rence ba ang tinutukoy nya?
"Tapos alam mo ba kanina? Shet! Muntikan pa nya ako halikan! Oo nga! Yuck talaga. Oo alam ko ako ang nag pout ng lips pero my goodness naman! Desperado na ba sya sa pag ibig at kahit isang katext nya lang papatulan na nya? I know right! Buti nalang may tatanga tangang waitress ang nakatapon ng juice sa damit ko! Ayos na sana pero bakit sa mamahaling damit ko pa? Haist! Kabadtrip eh. Oo nga alam ko pero kung sakaling sya ang bestfriend nya na si Eric, baka sunggaban ko na sya. Ang kaso lang nandidiri talaga ako eh!" nagkatinginan kaming lahat.
"Oo alam kong idea ko na magpanggap na si M nya para mapalapit sa kanya at sa bestfriend nyang si Eric dahil mahal na mahal ko pa sya. Pero goodness naman! Hindi pa ba obvious? Ginagamit ko lang sya para bumalik sa akin si Eric. And once na tapos na ako sa kanya, bahala na sya! No! Hindi ko mahal ang Rence na yun no! Baliw sa pag ibig." galit ang namuo sa puso ko. Shet. Bitch!
"Okay fine. Bye na. Walang kasama yung lalaking yun ngayon. Sana makayanan ko pang makipag plastikan sa kanya. Para makumpleto ko na ang mga plano ko. Bye." pinatay nya na ang phone at lumabas na cubicle.
Pero laking gulat nya nung makita nya kami. Shemay! Gusto ko syang kalbuhin.
"Ngayon, pwede ko na ba syang patayin?" paalam ni Allisson.
"Go. Kill her!" -Mads.
"Brutally." -Ako
Damn you Melissa! How dare you!
--
Hello guys?
Natapos ko na din ang chapter na to. Ow diba? Sinisipag ako. Haha.
Comment naman po kayo guys o imessage nyo ako. Yun lang.
-MyThunder09
BINABASA MO ANG
Hu U??
Fiksi RemajaMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...