Chapter 10: Damn Bestfriend!

61 0 0
                                    

Rence Point of View.

*1 message recieved*

M: Good Morning Lawrence :* Musta kana? Pakisabi kay Eric Happy Birthday kamo from M :D

Nagising ako ng magvibrate ang cellphone ko. Si  M. Nagtext. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Matutuwa dahil baka si Jane ang nagtext. Isang babaeng mahal ako, at minahal ko na din.

Maguguilty dahil baka ang taong nagpapagaan ng loob ko ay ang dating iniwan ko sa ere. Si Cece. Isang taong ang lakas kong sabihing mahal ko, pero iniwanan ko din dahil sa nakakita ako ng bago.

O masasaktan dahil sa first love ko na ako naman ang iniwan at nagbabalik para makabawi sa mga nagawa nyang kasalanan.

"Sheeeet!" sigaw ko habang bumabangon.

Pero nga pala, Birthday nga ng bestfriend ko si Eric.

--

"Dude kong makulit at laging sumusulpot, Happy Birthday!!" bati ko kay Eric sabay gulo ng buhok nya.

"Whaha. Salamat dude!"

"Ano? Saan ang party?"

"Tara, club tayo?"

"Tarantado ka talaga no? Hindi pwede. Baka malaman ni M."

"Kelan ka pa nagkaroon ng pakialam sa hindi mo kilala? Aminin mo na kasi, crush mo na no? Para hindi na ako nangungulit!"

"C-crush? Hindi ah! Ayaw ko lang talagang pumunta sa club."

"Parang dati lang, nagmamakaawa ka pa sa akin para pumunta doon."

"Gago ka ba? Kahit kelan hindi pa ako nakakapasok sa lugar na yun no! Gaya mo ako sayo!" sabay suntok ko sa kanya.

"Haha. Joke lang naman. Affected ka kaagad eh"

"Pasalamat ka, birthday mo, kung hindi basag na mukha mo sa akin! Pero saan na nga ang celebration?" tanong ko.

"Wala. Dito lang sa school. Magpapaparty ako! Whaha! Maghanda ka ng maglasing! Marami akong inimbitahan na tyak matutuwa ka." sabi nya habang nakangiting nalakaloko.

Bakit ganoon? Parang kinabahan ako?

--

*1 message recieved*

M: Ayoko nga pumunta. Edi nakita mo ako?

Tinext ko kasi sya na kung pwede, sya ang maging date ko sa party ni Eric. Pero syempre, hindi sya pumayag. Alam ko naman yun eh. Atleast tnry ko. :D

Rence: Ewan ba. Pakiramdam ko kasi may plano ang Eric na yun eh.

M: Ha? Paano mo naman nasabi?

Rence: Kilala ko kasi yun mula pagkabata. Pag ngumiti yun ng nakakaloko, may pinaplano yun.

M: Haha. Wag kang mag-alala. Wala namang gagawing masama yun. Tiwala lang.

Rence: Mawawala lang ang kaba ko kung sasama ka.

M: Wag na.

Rence: Psh. May magagawa pa ba ako?

M: Haha. Ako kasi ang boss mo.

Rence: Opo boss. Sige mag aayos lang ako ng sarili. Papunta sa party ng walang saysay kong bestfriend.

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon