Rence Point Of View.
Good Morning. Gumising ako ng masaya. Syempre nahanap ko na kasi si M :D Pakiramdam ko inspired na inspired ako.
Naligo na agad ako nagbihis ng damit. May date ulit kami kasi ni M .. Este Melissa pagkatapos ng school namin. Gusto nya kasi wag ng M ang itawag ko sa kanya pero mas gusto ko yun. Sa alyas na yun ko sya nakilala eh.
"Good Morning." text ko kay Melissa pero hindi sya nagrereply. Nag aalala na ako ha. Mula nung nakilala ko sya sa personal, hindi na nya ako tinitext.
Pero okay lang yun. Basta ang importante nagkikita kami.
Well, kilala ko na talaga si Melissa dati pa. Nung magkakatropa pa kami nila Mads. Ex kasi sya ni Eric pero nagtimer si Gago. Aaminin ko. Masama talaga ang impression namin sakanya ni Mads dahil parang badvibes sya.
Pero di ko akalain na mabait pala sya para tulungan ako sa pagmomove on ko. Hay nako. I love you M :)
--
>>[School]<<
Tapos na ang klase ko. At syempre, gusto kong gumala. Hinahanap ko si Eric pero hindi ko sya makita. Asan na kaya yung gagong yun? Si Melissa ko kasi may klase pa sya.
Hinanap ko si Eric sa buong campus pero di ko sya makita. Sigurado akong pumasok yung eh.
Napadaan ako sa cr ng mga lalaki nang may narinig akong ungol. Ungol ng isang babae. Anong nangyayare?
Pumasok ako sa loob at palakas ng palakas ang ungol.
~uhh~
Shemay! Baka may nirerape dito ah! Kailangan ko siyang tulungan. Sinipa ko ang pinto ng cubicle kung saan nagmumula ang ungol.
*Sipa*
"W-whoa! Sorry mamang janitor! Hindi naman talaga to -- Teka? Rence? Ikaw lang naman pala yan eh." psh. Si Eric lang pala. May kasamang babae na hinahalikan nya. Bumalik na sya sa paghalik sa leeg nung babae.
"Hoy dude! Itigil mo nga yan! Baka mahuli kayo baka masuspend ka." paalala ko pero hindi sya nakinig. Tuloy pa rin sya sa paghalik doon sa babae. Yung babae naman parang gustong gusto. Psh. At kinindatan pa ako. Yuck.
"Hoy dude! Nakikinig ka ba? Tara gala tayo? Imbis na nanginginain ka jan." inakbyan ko sya pero tinanggal nya.
"Busy ako. Doon ka nalan sa M mo. Wag mo akong paki alaman." at bumalik na sya sa pakikipag halikan shemay. Baka masama ang loob nya dahil kay Melissa.
"Hey. About kay Melissa nga pala. Pwedeng mag usap tayo? Mahal ko si Melissa sana maintindihan mo yun." tumigil sya sa pakikipag halikan at tumingin sa akin.
"No rence! Hindi sya si M mo. Sobrang labo!"
"Ha? Napatunayan ko na nga sa sarili ko yun eh"
"Ginagamit ka lang nya Rence. Kilala mo si Melissa diba? Diba sya --" napatigil sya.
"Wala Lawrence. Umalis ka nalang. Busy pa ako." at bumalik sya ulit sa kahalikan nya. Hm. Bat ang weird ni Eric ngayon? Kausapin ko nga ang mga girls.
--
Pumunta ako sa room nila Mads. Dahil baka alam nya kung ano ang problema ni Eric.
"H-hello Sandra. Pwede ba kay Madisson?" tanong ko kay Ms PMS.
"O-oh? Rence? H-hindi pwede. May flu kasi ngayon si Mads eh. Baka mahawaan ka. Next time mo nalang kausapin." sabi nya pero halatang kinakabahan sya.
"Talaga? Sabihin mo magpagaling na kamo sya. Salamat." sinilip ko si Mads at nakadukdok nga lang sya. Hm. Siguro nga masama yung pakiramdam nya.
Pupuntahan ko nalang yun iba.
--
After ng paghahanap ko sa buong campus, wala akong nakita kahit isa sa kanilang lahat. Ano ba yung nangyayari? Pinagtataguan ba nila ako? May nagawa ba akong masama sa kanila? Nung doon naman sa audition okay lang naman ang lahat ah.
Pinuntahan ko si Allison pero masakit daw ang ulo nito kaya pumunta sa clinic sabi nung boyfriend nyang si David. Pero nung sabi ko na gusto ko syang bisitahin para malaman ang kalagayan nga ay biglang ..
"Dude, alam mo ba ang ibig sabihin ng NO? Di mo nga sya pwedeng makita dahil may nangyari sa kanya! Ulit mo naman." ang sabi ni David. Haist.
Tapos nung pumunta naman ako sa room nila Cece, si Dylan naman ang nakausap ko. Tss. Grabe. Ang weird kausapin nung lalaking yun. Tinanong ko sya kung nasan si Cece pero eto lang ang naging sagot nya.
"Dont be dumb dude." at iniwasan ako. Eh ano bang problema nun? Tss. Kabadtrip na ha.
Kaya eto, si Jane nalang ang pag asa ko para maliwanagan ako. Kasi hindi pa rin ata tapos sa klase nya si M eh. Tinitext ko sya pero di pa rin talaga sya nagrereply.
May narinig akong kaluskos. At syempre, alam mo naman ang mga tao, susundan kung saan nanggagaling yun.
Dahan dahan akong sumilip kung sino ba ang nasa likod ng kaluskos na yun. Si Jane!
"Moon!" sigaw ko. Lumingon sya sa akin at nginitian ko sya pero parang hindi sya masaya na nakita ako.
"Moon. Bakit parang hindi ka masaya na nakita ako?" tanong ko.
"H-ha? Hindi naman sa ganoon Lawrence. May pinoproblema lang ako."
"Ha? Ano yun? Ayokong may pinoproblema ang Moon ko. Baka makatulong ako." sabi ko at tinignan ko sya ng seryoso.
Pero shemay ha. Ang ganda talaga ni Moon ko.
"Uhm. Paano kung nalaman mo na niloloko lang pala ang kaibigan mo ng mahal nya. Anong gagawin mo? Sasabihin mo ba ang totoo? Kahit na alam mong masasaktan sya?" ang lalim ng pinanghuhugutan nya ng tanong.
"Hm. Siguro dapat mong sabihin ang totoo dahil mas lalo pang masasaktan ang taong tinutukoy mo pag nalaman nyang matagal na pala syang niloloko. Mas maganda na habang maaga pa ay hindi na sya umasa." sabi ko.
"Pero paano kung hindi sya maniwala? Dahil baka nabulag na sya sa magmamahal nya doon sa babae? Hahayaan nalang ba namin sya?" sabi ni Jane.
"Masakit ang iwanan. Pero mas masakit ang lokohin. Wag nyo syang sukuan. Alam ko ang pakiramdam ng niloko and it sucks. Gawin nyo ang lahat para makita nya ang totoo. Hindi nyo naman sya masisi dahil sadyang nakakabulag ang pagmamahal. Basta ang mahalaga, subukan mo." sabi ko. Alam ko medyo corny ako. Pero nilagay ko lang ang sarili ko sa sitwasyon na binanggit ni Jane.
"Sige Lawrence." imakap nya ako ng may ngiti sa labi nya.
"Hindi ka namin susukuan." bulong sakin ni Jane. Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ko sya.
"Ha?"
"Wala. Basta Rence kahit anong mangyari, lagi lang kaming nandito sa likod mo para saluhin ka" at tumakbo na sya. Iniwanan nya akong nagtataka.
Anong ibig sabihin ng sinabi nya?
What A Weird Day!
--
Hello :)
Whaha. Musta na po kayo? Sana magcomment naman kayo sa bawat chapter na ginagawa ko para magpaid off ang mfa effort ko. Haha. Yun lang.
Vote, comment and Love :)
-MyThunder09

BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...