Chapter 5: I Love You .. Ex

67 0 0
                                    

Rence Point Of View.

"Gusto mo hanapin natin?" bigla akong napatigil sa sinabi ni Eric.

Hanapin? Hanapin si M? Magandang idea yun! Para hindi na namin kailangan gumamit ng cellphone para mag-uspap. Pwede ko na syang makausap para makahanap ng kausap.

Pero, handa na ba akong makita sya?

"Oi! Natulala ka na naman jan! Masama na yan!" sabi ni Eric sabay batok sa akin.

"A-ah! E-eh .. S-sige hanapin natin sya." inakbayan ako ni Eric.

"Thats my Lawrence! Hahanap na ng girlfriend!" tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko!

"O-oy! Hindi ko sya hahanapin para maging girlfriend ha! Para lang makilala ko sya at makapagpasalamat.!"

"Hehe. Sabi mo eh." sabay ngiting nakakaloko.

Talaga naman ah! Hahanapin ko lang si M para makilala sya. Malaman kung ano bang klaseng tao sya.

Siguro itatanong ko na din kung bakit nya ako tinutulungan. Bakit kilalang kilala nya ako at bakit pinaglalaanan nya ako ng oras.

*1 message recieved*

M: Oi. Di kana nagreply?

M. Malapit na kitang makilala. 

---

"So? Sino ba ang mga pinaghihinalaan mo?" tanong ni Eric habang ngumunguya ng puno ang bibig.

Nandito kami sa canteen. Break kasi eh. Tska nagsawa na ako magpala-emo doon sa room. Kahit broken hearted naman nagugutom din no!

*1 message recieved*

M: Sige. Eatwell Rence :D

Hindi ko maiwasang mapangiti sa simpleng text nya. Pero hindi din ito nagtagal. Dahil nakita ko si Allison kasama ang 'perfect boyfriend' nya.

Naghahanap sila ng upuan. D*amn! Ang ganda ni Allison kahit ba haggard na sya dahil sa dami ng tao dito sa canteen.

"I love you." bulong ko.

"Araaaaaay!" sigaw ko matapos akong suntukin ni Eric.

"Aray!! Bakit mo ginawa yun?!" sabi ko na nakaamba na rin sa kanya.

"Tangna mo kasi! Anong I love you?! Hindi mo ba nakikita? May kasama na sya?? Hindi lang basta kasama.. Boyfriend nya bro! Boyfriend!" tama si Eric. Wala na akong karapatang sabihan ng ganoon si Allison dahil hindi ko na sya pag-aari.

Umupo na lang ako at napatahimik na lang ako. Haaaay! Ang hirap ay!

Tahimik nalang akong kumakain ng naramdaman kong sinisiko ako ni Eric.

"Ano na naman ang problema mo?!" galit na tanong ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita sa halip ay may tinuro sya. Si Allison. Papunta dito! Kasama ang boyfriend nya!

Great tadhana! Salamat sa mga kamalasan!

__________

Hello po :)

Wala namang masabi. Speechless. Haha.

Vote, Comment and Love :)

                             -MyThunder09

Hu U??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon