Rence Point Of View.
*Gulp*
Bakit ganoon? Pakiramdam ko nasa langit na ako? Damn Eric yun! Nahahawa na ako ng pagkapervert nya.
Patawad M TT.TT Di ko talaga matiis ang temptation. Huhu.
Naghubad na ako ng pang itaas at lumapit na sa pool. Shemay. Nahihiya pa din talaga ako sakanila. Ang awkward.
"H-hello." bati ko na nagpatigil sa mga ginagawa nila.
Hindi nila ako matignan ng diretso at halata sa mga mukha nila ang pamumula. Hala. May abs naman ako ha?
"Ah .. Eh .." panimula ko ng biglang ..
"Ahon muna kayo guys. Kain tayo!" sigaw ng bestftiend kong binuhay ata para sirain ang mga moment ko!
Lumapit na kami sa may lamesa. At kumain na. Yung iba nag uusap usap na at parang magkaibigan na katulad nila Cece at Jane. Nakakatuwa naman :)
Ang kaso lang, may mga asungot na naman na nasama dito. >_>
Unang una na jan yung David! Buntot ba yan ni Allison? Kung nasaan ata si Sugar Cakes nandun sya eh. Bwisit!
Tapos isa pa tong si Cece. Nagdala ng weirdo dito. Dylan ata yung pangalan eh. Nakakaasar! Di ba sya marunong sumubo ng pagkain? Kailangan si Cece pa yung magsusubo? Ang swerte nya naman! At ang mas nakakainis, kanina pa ako tinitignan ng masama. Suntukan nalang oh!
Haist. Samantalang si Eric, ayun, naghahanap na naman ng sakit ng ulo. Kinukulit ulit yung Ms. PMS. Sensya di ko alam yung pangalan nun. Pati ata si Eric, hindi nya rin alam.
So, nag usap usap lang kaming lahat. Ang totoo nga, parang magkakaibigan na nga kami eh. Kasi medyo nawala na ang mga ilangan matapos ang nangyari sa gym.
Balak ko ngang itanong sa kanila kung ano ang gusto nilang ipaalam sa akin eh.
"Lawrence, salo." hinagisan ako ng Yakee ni Mads.
"Yakeee! Salamat Mads! *0*!" binuksan ko kaagad yun at kinain. Baka may manghingi pa eh.
Bigla kong napansin na pinagtitinginan na pala kami.
"B-bagay kayo." sabi ni Cece.
"H-ha? W-wala lang t--" hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ko dahil sumingit na si Jane.
"Bakit di nalang kayo magbalikan?" sabay yuko nila. Sheet. Anong nangyayari!
"Tss. Isip bata" sabi nung maangas na Dylan.
"What?! May sinasabi ka ba pre!" -ako.
"Tss. Childish."
"Hey. Dylan. Stop." pag aawat ni Cece.
"Tss." sabi nung Dylan at tumayo para umalis.
"Wala bang alam sabihin yung kundi 'tss?' Weirdo!"
"Ganoon talaga yun. Pero mabait naman." pagtatanggol ni Cece. Tss.
"Sayang! Pogi pa naman!" sabi ni Jane. Napatingin ako sakanya.
"Oo nga. May gf na kaya yun?" gatong ni Mads.
"Psh. Saan banda. Mas pogi pa ako dun." sabi ko.
"Bakit nagseselos ka? Talaga namang pogi eh!" sabi ni Allison.
"Bhabe!" -David.
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...