Lawrence Point Of View.
After 5 min. Bumalik dito si Eric na may dalang mga snacks. May allowance pala ha.
"Inano mo yung pera?"
"Pinambili ko. Gusto mo?" sabi nya habang puno pa ang bibig. Hay nako ka Eric! Sarap mong sabakan! Kung di lang kita tropa!
"Pinambili mo? Nandun yung number ko ay!" paano kung may magtext sa akin?!
"Kung gusto mong makamove-on, kailangan mong maibaling ang atensyon mo. Kaya kung may katext ka, baka makalimutan mo na si Allison. Hindi na sya ang laging laman ng utak mo, may bagong mga tao na magpapasaya sayo." makalimutan? Oo gusto ko. Pero tama ba na ganitong paraan?
"You need to go out there Lawrence and meet some other people that can be much more better than that freaking b*tch Allison." patuloy ni Eric.
"Basta umuwi ka na at wag mong bibitiwan ang cellphone mo." sinunod ko nga ang sinabi ni Eric. Sana, sa pamamagitan nitong text na ito, makalimutan ko ang problema ko. Makalimutan ko na pinagpalit lang ako ng babaeng mahal ko.
__________
*1 message recieved*
Nagising ako nang may magvibrate sa kama ko. Nandito na ako sa bahay dahil umuwi na ako mula sa school. Katamad kasi eh.
0912*******: Ui. Ayos ka na ba? Bakit di ka pumasok?
Ha? Sino to? Unregistered number.
Rence: Hu u?
0912*******: Just call me M.
Rence: M? Bakit hindi mo sabihin ang pangalan mo?
M: Hindi ako yung importante. Kung hindi ikaw. Ayos ka na ba? Balita ko niloko ka lang ng bruhang Allison ah!
Sino ba ito? Paano nya alam ang tungkol kay Allison?
Rence: Alam mo, kung pagtitripan mo lang ako tumigil kana! Wala ako sa mood!
M: Mark Lawrence Sy, Di ka pa din nagbabago. Short temper ka pa din. Hindi na mahalaga kung sino ako, but im here to comfort you. Tell me everything. Ligtas ang sikreto mo sa akin.
Comfort? Yes I need someone na mapapagaan ang problema ko. Someone na tutulong para kahit papaano ay mabawasan ang pagdurusa ko.
Rence: Allison hurt me. Niloko nya ako!.
Hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sa kanya pero wala eh. Kailangan ko ng makakausap.
M: Isa lang ang pinatunayan nya, isa syang tanga dahil pinagpalit ka nya.
Rence: You think so?
M: Naman! Saksi ako kung paano ka nagbuhos ng pagmamahal at oras sa kanya. Isang tanga lang babaliwalain yun.
Kung saksi sya sa panliligaw ko kay Allison, it means nag-aaral rin tong si M sa school namin. Kakilala ko kaya to?
Rence: Makakamove on pa ba ako?
M: Yes. Ofcourse. As long as you have your phone and me :D
---
Pssst. Tnx sa pagbasa ng 2nd story ko. Sana tapusin at suportahan mo. ^^
Sensya ulit sa title. Walang maisip eh.
Thanks sa time!! Kung hindi mo pa nababasa ang "Bagay Pa Ba Tayo??" paki sunod na. Haha
-MyThunder09
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...