Rence Point Of View.
Si Jane! Si Jane na ba talaga si M ko? Ang magiging susi ng pagmomove on ko?
Syempre masaya ako kasi diba hindi ko naman maitatago na crush ko si Jane noon pa man.
Kaso nakakalungkot lang na after nyang magtapat ng pagibig nya sa akin ay hindi na nya ako kinakausap. Yung para bang lumalayo sya. Hindi na kami nagkikita sa hall. Alam ko namang dito pa rin sya sa school nagaaral eh.
One time nga pumunta ako sa room nila para kamustahin sya and nakita ko syang masaya na sa buhay nya. Wala akong lugar para magselos dahil parang wala lang ako sa kanya kaya I let it go na. Hindi ko nalang pina alam kay Sugar cakes ko yung confession ni Moon at ang pag stalko sa kanya.
M: Haha. Gusto mo patayin ko ma di Allison? Para mabawasan ng tanga sa mundo?
Rence: Wag naman ba. Go lang ang life.
M: Nakamove on ka na ba?
Rence: Malapit na :D
"Hoy! Tama na muna ang landian jan! Hindi mo pa nga alam kung sino yan eh!" putol sa pakikipagtext ko kay M.
"Ha? Akala ko si Jane na?"
"Ang sabi ko 'baka' ang moon mo na. Pero hindi pa ako sure. Marami pang suspek." at naglabas ulit sya ng litrato.
Isang larawang nagparamdam ulit sa akin ng pagkakonsensya.
"Si Cece?"
--
>>[Flashback]<<
"Dude! Ayan na si Cece!!" sigaw ni Eric kahit malayo pa. Nakakahiya ito.
Nandito kami ngayon sa school.
"*huff*'ayan na *huff* si Cece." dali kaming pumasok sa room at umupo na parang cool ako.
Kung nagtataka kayo kung bakit parang tanga si Eric at ang pogi ko naman ay dahil darating na si Cece!!
Si Cece ang new crush ko! Isa syamg magandang babae na medyo tahimik lang at kalog kausap. Kaya lang, hindi nya ako kilala.
Pinaghandaan ko ito. Nagpabango pa talaga ako at nag gel. May nakapag tip kasi sa akin na inutusan daw siya ng teacher nila na pumunta sa room namin. Kaya ito, dali dali kong pinalabas ang mga classmate ko at umupo dito sa upuan. Yung parang cool.
"Oh ano dude? Pogi na ba ako?! Ako na ba ang pinaka gwapong nilalang?!"
"Pogi na. Kaso mas pogi pa din ako e. Sorry dude." bakit ba ako nakikinig dito diba? Tsk. Tinulak ko na si Eric palabas at bumalik sa aking poging upo.
"Uhm excuse me. Nandito ba si Mam?" isang mala anghel na boses na narinig ko. Andito na si Cece! Pero kung kanina exited ako, parang umurong ang dila ko. Hindi ako makapagsalita.
"A-ah .. E-eh." f*ck!
"Okay ka lang?" hindi pa rin ako makapagsalita. Ano ka banaman Rence. Pagkakataon mo na ito. Pero di ka makapagsalita!
"Sige alis na ako. May sakit ka ata e"
"Crush kita!"
Awkward.
Ang tagal naman bumuka ang lupa dito para kainin ako. Nakakahiya!
"Kaya ka ba hindi nagsasalita? Kasi crush mo ako? Haha okay lang yun." parang umaliwalas ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Hu U??
Novela JuvenilMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...