Rence' Point of View.
Okay! Mag isa pa din ako dito sa Gym. Haist! Ano ba kasi ang pina-plano ni Eric?
Nakakalungkot kaya mag-isa dito sa loob. Buti nalang katext ko si M.
Ang kaso, di na sya nagrereply! Ano kayang nangyari dun? Nag-aalala na ako ah. Kadalasan naman yun, agad nag-rereply. Aish.
Maya-maya lang ay may narinig akong mga tunog ng paa na papalapit. Syempre, ang mga traydor kong schoolmate na pinagpalit ako sa IPhone!
"Ow? Rence? Ayos ka lang ba jan? Di ka ba minumulto? Haha." tanong ng isa kong kakilala.
"Palabasin nyo ko dito, pangako, hindi ko kayo papatayin!"
"Haha. Sorry. Kailangan ko ng bagong cp eh. Dont worry. May makakasama ka na." kasama? Sino?
Bigla silang may ipinasok na babae. Napatayo ako bigla!
"Wag nyo akong iwan! Palabasin nyo ako! Di nyo naiintindihan!" sigaw nya.
"C-cece?" lumingon sya sa akin. Syempre, nagkakailangan pa din kami dahil sa kasalanan kong nagawa sa kanya.
After 5 min na walang imikan, nagsalita na sya.
"Sana pala di na lang ako pumunta dito!"
"Ha? Paano ka ba napunta dito?"
"Pinilit ako ni Eric. Sabi nya may maganda daw kasing mangyayari. Aish." Sheteng Eric yun! Eto pala ang plano. Pero maganda ang plano nya ha. Siguro gusto nya ding mawala ang mga inaalala ko kaya gumawa na sya ng paraan.
Kahit ganun din pala ang lalaking yun, maswerte pa rin talaga ako.
"Uhm. Cec--" sinimulan ko na pero naudlot dahil may nagbukas ng pinto at may ipinasok.
"M-madisson?! U-umaano ka dito?"
"E-ewan ko. P-pinahuli ako ni Eric. Nakalimutan ko na kung gaano sya kaulit." natawa naman ako doon.
Umupo na kaming tatlo. Sheet! Ang awkward pa din. Walang nagsasalita. Tagal naman kaming palabasin dito.
"Bitiwan nyo ang girlfriend ko!" kilala ko ata ang boses na yun ah.
"David? A-alison?" pati ba sila? Kasama dito? Eric naman eh. Ayos na sana.
"Okay, last na. Si Jane nalang. Hanapin ma natin!" sigawan nila sa labas. Haist! Sabi na nga ba eh!
--
Kumpleto na. Kumpleto na ang mga taong sisira sa pagkatao ko. TT.TT
Nadito si Jane, Cece, Madisson, Allison. Mapgtatyagaan ko na sana amg kahihiyan eh pero, pati ba naman si David?!
"Shet! Bakit kaya tayo pinahuli ni Eric." sabi ni Jane.
Bigla naming napansin nakangiti si Madisson.
"What?" -ako.
"Nothing. Im just happy na hindi ka nakulong sa pagmamahal ko. Naka move on ka at may mga babae na nagmahal sa iyo. Pero hindi ko akalain na pati ba naman lalaki." sabi ni Madisson sabay tingin kay David.
"HepHep! Ano akala mo sa akin? My Husbands Lover? Hindi ko yan past no!"
"Tangna naman! Lokohan? Pangit ni Rence na yan? Mas pogi pa ako? Kahit bakla ako, di ko papatulan yan! Ewan ko ba kay Bhabes kung ano nagustuhan jan eh!"
"Ano?! Ang pogi ko kaya! At mabait pa ako! Tapos sweet pa at hindi ko iniwanan si Allison!"
"Tangna! Suntukan na lang o!"
"Baka masaktan ka lang!"
--
Mads' Point of View.
Haay! Hindi ko alam kung paano ako nasama sa sitwasyon na ito. Kasi naman si Eric.
Tulad ngayon, nag aaway sila Rence at David ba yun? Haay. Mga lalaki talaga.
Nagra-rumble sila doon pero wala kaming paki alam mga girls.
"Hello. Ako nga pala si Madisson or Mads. Ako yung kababata ni Rence and I believed na ang 1st girlfriend nya. Siguro kayo ang mga naging past ni Rence?"
"Ikaw pala si Mads no? Marami akong naririnig sa iyo. Cece nga pala. Ako ang 'minahal' ni Rence after mo."
"Minahal? Bakit parang di ka sure? Tsaka di ba naging kayo?"
"Well, nanligaw sya sa akin once, after your break up. He said that he moved on na. Masisisi nyo ba ako kung hindi maniwala sa kanya? I dont want to be his rebound. And everyone knows that 1st love is hard to forget."
"Yeah. Tama ka nga." sabi nung isang magandang babae.
"Ibig sabihin, di sya nagpatuloy manligaw sayo?"
"No. TINIGIL nya ang panliligaw nya sa akin." kita sa mukha nya ang pagkalungkot.
"Di ko akalain na magagawa yun ni Lawrence!"
"Hey. Siguro ako ang dahilan. My name is Allison. Base sa statement nyong dalawa, ako ang 2nd gf nya. At ako ang dahilan kung bakit tinigil nya ang panliligaw sa iyo, Cece." naka yuko lang si Cece.
Kinuwento nya nga ang lahat. Kung paano sila magkakilala at kung paano nya ginamit si Rence para maging rebound nito kay David. Aish.
Siguro nasaktan ulit si Rence.
"Grabe ka! Bakit mo naman ginanun si Rence?!" sigaw nung babae.
"Teka, huminahon ka. S-sino ka ba?" tanong ko. Maganda na babae.
"My name is Jane. Di man ako niligawan ni Rence, minahal ko pa din sya. Kahit masakit, naging masaya ako sa na nasa piling sya ni Allison. Nagtiwala ako na mamahalin mo sya, pero anong ginawa mo?" napaiyak si Jane.
Ganun nya ba kamahal si Lawrence?
Napatigil sa pagra-rumble ang mga lalaki. At lumapit na sa amin.
"A-anong problema Jane?" tinap ni Lawrence ang likod ni Jane.
</3
"W-wala lang ito." pinahid na nya ang luha nito.
"Dahil lahat kayo ay nandito na, I want to grab this moment to clarify things and also, para maka hingi ng sorry."
Okay, parang ayoko ang mga susunod na pangyayari.
Wag Lawrence.
Wag mong ipamukha sa akin na tanga ako at iniwan kita.
--
Hey :D
Comment naman jan o? Haha. Vote na din at LOVE XD
-MyThunder.
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...