Allison's Point Of View.
Lumabas na si Melissa mula sa cubicle. Shemay sya. Ang kapal ng mukha nya! Para ganunin si Rence. Ginagamit nya lang pala!
Hinahawakan ako ni Cece dahil alam nya na kapag binitawan nya ako, masasampal ko ang babaeng yan.
"H-hello girls. U-umaano kayo dito?" bati nya pero tinitignan lang namin sya. Samantalang nilock naman ni Mads yung pinto.
"K-kanina pa ba kayo nandito? N-narinig nyo ba yung mga sinabi ko." tanong nya. Kita sa kanya ang pagkabigla.
"Yeah. Loud and clear." -Mads.
"H-hindi totoo yun. Hehe. Jinojoke ko lang kasi yung kaibig--"
*Pak!*
"How dare you!" -Jane.
"Paano mo nagawang lokohin si Rence?! Ang kapal ng mukha mo! Ginagamit mo ang ibang tao para sa kaligayahan mo? Hindi mo ba naisip na masasaktan sya pag nalaman nya ang totoo?!"
*Pak!*
Nagulat kami nung ginantihan si Jane ni Melissa ng sampal. Shemay! Reresbak na sana ako pero pinipiglan talaga ako ni Cece.
"I .. Dont .. Care! Wag kang mangialam sakin!" -Melissa.
Nilagpasan nya si Jane at akmang aalis na pero binaltak sya ni Mads at sinampal.
*Pak*
"Ang sama mo! Paano mo naatim na lokohin ang isang tao? Para sa kaligayahan mo?!" -Mads.
"Dont touch me!" -Melissa.
"No. I wont let you go hangga't di mo sinasagot ang tanong ko. Ganyan ka ba talaga kasamang babae?!"
"Huh! Tignan mo kung sino ang nangangaral. Bakit? Wag kang mag malinis Madisson! Diba iniwanan mo din naman si Rence? Ha?! Sa tingin mo ba natuwa sya noon? Tss. Kaya pareho lang tayo. Isang masamang babae!" nabigla si Mads sa sinabi ni Melissa binitawan na nya ito. Parang nawalan sya ng enerhiya.
Nag init bigla ang ulo ko! Ang sama nya para ihalintulad si Mads sa kanya! I dont know Mads much. But I know one thing. Madisson si is much better that that freaking Melissa.
Palabas na sana sya ng pinto pero pinigilan ko sya at sinampal ko din sya.
"Hindi pa kami tapos sayo bitch!" -ako.
Tinignan nya ako ng masama.
"Bakit?" tanong ni Cece. Pero nakatingin lang sya sa lapag.
"Bakit mo ginagawa to kay Rence?"
"Hah! Mga bobo ba kayo? Akala ko ba narinig nyo na ako?! Mahal ko si Eric. At kailangan ko ang walang kwentang Rence na yan para mabawi ko sya! Hindi nyo ba magets? Gagamitin ko ang lalaking iniiyakan nyo para mapasakin ang mahal ko!" iniharap ko sya sa akin.
"Ang sama mo talaga! Paano mo nakakayang gawin yan?"
"Ang totoo, diring diri ako sa mga pinag gagawa ko dahil walang kwenta ang Lawrence na yan. Pag mamahal? Paano nya mamahalin ang isang babae na nakakatext nya lang? Na hindi man lang nya nakikita? Ganoon na ba sya kadesperado sa taong nagmamahal sa kanya? Tss. Pero don't worry. Nandito naman ako para pasayahin sya. Well, atleast hanggang sa makuha ko ang gusto."
"How dare you!" sasampalin ko sana ulit sya pero hinarang nya ako.
"How dare you din! Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo Allison? Bakit ka nagagalit sa akin? Kung tutuusin pero naman tayo diba?" binitiwan ko sya. No! Ayoko marinig!
"Pareho lang tayong gumagamit ng tao para makuha ang gusto natin. Hindi ba ginawa mo din yun? Ginamit mo si Rence para hindi ka mabakante. Para may paglaruan ka nung mga panahong nagpapakasaya ang boyfriend mo sa ibang babae." napaatras ako. Ayoko makinig. Pero totoo ang sinasabi nya.
"Ano Allison? Anong nangyari nung nagmakaawa ang boyfriend mo na makipagbalikan sya? Anong ginawa mo kay Lawrence? Hindi ba iniwanan mo lang din sya? Pagkatapos ng mga ginawa sa iyo. Dahil lang nagsorry ang babaero mong boyfriend ay nangiwan ka din. Ngayon, sino ang mas makapal sa atin?" gusto kong magpaliwanag. Pero, wala. Wala akong masabi. Totoo ang lahat ng mga sinasabi nya.
"Magkapareho lang tayo Allison. Admit it." sabi nya at hinawakan nya ang door knob. Wala na. Parang nawalan ako ng lakas ng loob matapos nyang ipamukha sakin ang mga ginawa ko.
Oo. Pareho lang kami. Pareho lang kaming nang iiwan.
"Dont dare to open that freaking door! Im not done with you!" sigaw ni Jane. Napatingin kami sa kanya.
"Alam nyo, tantanan nyo ako! Nagsasawa na ako sa mga kaartehan nyo! For the record, wala akong balak agawin ang iyakin at bulag na Rence na yan. Pagkatapos ko sa kanya, sige magpatayan kayong lahat para sa kanya.
"He cries because he has a heart. He's blind because he knows how to love. So dont you dare make fun of him!" sabi ni Madisson.
"Whatever! Puro kayo kadramahan!"
"Youre not getting away with this Melissa! Sasabihin namin kay Lawrence kung ano ang totoo!" Cece. Hindi pa rin ako makapagsalita. Nakikinig lang ako sa kanila. Ang lakas talaga ng impact sa akin ng mga pinamukha sa akin ni Melissa kanina.
"Really? Magsusumbong kayo? Then go! Isumbong nyo ako! Isumbong nyo na pinaglalaruan ko sya. The hell I care. Pero mag isip nga kayo. Sinong paniniwalaan nya? Kayo na iniwanan sya, niloko at sinaktan? O si M na minahal sya ng buo at sinalo sya nung mga panahong iniwanan nyo sya?" natahimik sila.
"Pero kung ako sa inyo, wag nyo ng ituloy ang balak nyo. Dahil baka masaktan lang kayo pag hindi kayo ang pinakinggan nya dahil hindi na kayo ang mahal nya!" at binuksan na nya ang pinto para lumabas.
Iniwanan nya kaming apat na nakatulala. Hindi makapagsalita at nasasaktan. <|3
--
Hey :)
Supportahan nyo naman po ang story na ito. Para madaming bumasa. Salamat. Comment ba din po kayo :D
-MyThunder09
BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...