Rence Point Of View.
"The Search For Ms. M!" nakasulat sa napamalaking banner na nakapaskil sa labas ng school. Nagulat ako.
Sineryoso talaga nila yun?! Grabe. Nakakatouch naman. Haha.
Dumiretso ako sa may auditorium. Usapan kasi na dito gagawin ang search.
Hm. Ang nakakapagtaka lang, bakit may mahabang pila? May relief goods ba na pinapamigay ang school namin?
Lumapit ako sa may stage kung saan may lamesa at mic. Ano bang meron?
"Rence! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami naghihintay dito!" bati sa akin ni Eric.
"H-ha? Bakit? Ano bang meron?"
"Hello! Nagconduct kami ng paudition kung sino ba talaga si M. At dahil sa dami ng nagpoproclaim sa sarili nila na sila si M, eto, no choice tayo kung hindi magpa interview." what?! Lahat ng ito para sa paghahanap kay M?!
"Whaaa! Rence! Ako to! Si M! Mahal kita!"
"Text text nalang tayo mamaya Rence! Papatunayan ko munang ako ang taong mahal mo!"
"Mahal na mahal ka ng M mo Rence!" ilan sa mga sigawan sa loob ng auditorium. Shemay! Baka magka-riot pa ah!
"Upo ka na dito. Dahil magsisimula na yung search." sabi ni Eric. Umalis na sya para samahan sila Mads.
"Guys, salamat sa lahat!" sigaw ko. At ginantihan naman nila ako ng ngiti. Okay! Let's begin! The search for Ms. Mysterious is On.
Kahit na umaasa talaga ako na isa sa mga past ko ang nasa likod ni M.
"Hi Rence! Ako si Carla! Ang tunay na babae sa likod ni M. Mahal na mahal kita." bati nung unang babae. Hm. Maganda sya. Pero di ko maramdaman yung spark eh.
"Hello Carla. Well, Kung ikaw talaga ang mahal ko, san mo nakuha ang palayaw na M?"
"A-ah .. E-eh .. Wala lang, ayun kasi yung pumasok sa isip ko. Hehe." sinong maniniwala naman dun? May reason ang lahat ng bagay.
"Talaga?" tinignan ko sya ng mabuti.
"U-uhm. Okay fine. Di ako si M. Nagpanggap lang ako. Pero crush kasi kita eh. Sorry po."
"Hindi. Okay lang. Wag mo nalang gawin ulit. Seryoso kasi talaga ako mahanap ang babaeng ito."
"Sorry po ulit. Sana po makita nyo na sya. Kahit crush kita, magpapaubaya na ako makita lang kitang masaya. Sige bye ;)"
"Next!"
"Whaa! Rence! Matagal ko ng pangarap na umamin sa iyo na ako si M eh. Buti na lang pinahanap mo ko. My name is Myla."
"Uhm. Hi Myla. Well, kung ikaw si M, ano ang pinaka paborito kong candy?"
"Syempre naman! Mentos!" psh. Di sya si M.
"Mali. Ayoko ng mentos."
"S-sensya na Rence. Hindi ko talaga balak na magkunwari. Nagpustahan lang naman kasi kami ng mga kaibigan ko eh." paliwanag nya.
"Sige. Wag mo na lang ulitin."
"Pero pag di mo na sya nakita, nandito lang ako para sa iyo. ~_^" sabi nya habang umaalis.
"S-sige. Next!"
"Di ko akalain na mageefort ka talaga para hanapin ako! My real name nga pala is Bea." nakipagshakehands sya sakin.

BINABASA MO ANG
Hu U??
Teen FictionMahirap mag move-on kung wala kang mapagsabihan ng problema. Yung pwede mong paglabasan ng lahat ng sama ng loob dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sa kanya. Pero paano kung hindi mo sya kilala? Ang tanging alam mo lang sakanya ay ang number ny...