Annie's pov
hello there!! annie at your service!! palabas na ako ng school namin kasama ko si nick saka si nicky ang dalawang kolokoy kong kaibigan magmemeryenda kami and guess what?? si kuya kanina pa kami sinusundan pinipilit ako kausapin...eh ayaw ko naman sya kausapin nagtatampo pa ako eh
" annie! kanina pa tayo sinusundan ng kuya mo oh kausapin mo na di ka ba naaawa jan oh kita mo dami dami nyang dala muka pang pagod na pagod tapos pinapahabol mo pa kausapin mo na!" si nicky kinukumbinsi ako kausapin si kuya
" yaan mo sya humabol tsk! wala pa ako sa mood makipag usap sa kanya eh matapos nya pagalitan ng todo ngayon pipilitin nya kausapin ko sya sinabi ko na naman sa kanya ayoko syang makausap oh makita hindi ko lang alam kung alin dun ang hindi nya naiintindihan eh!" sagot ko
" alam mo hindi ko alam kung bakit ganyan ka sa kuya mo mabuti ka nga may kuya na nagmamalasakit sayo eh ako nga walang kapatid eh pinsan lang hindi naman kami masyadong close si brian lang ang ka close ko sa kanilang lahat kaya maswerte ka may kuya ka kaya kausapin mo na kawawa naman oh mukang pagod na pagod kakahabol sayo!" dagdag pa ni nick
" pasensya sya kasalanan nya hindi ko naman sinabi sa kanya na habulin nya ako eh kaya magdusa sya dahil hindi ko pa rin sya kakausapin!" sabi ko sabay lalakad na sana ako palayo pero may humawak sa kamay ko at...
"annie!! ano ba! mag usap nga tayo! nagagalit ka sa akin dahil pinagalitan kita well para sabihin ko sayo ginawa ko lang yun kasi kuya mo ako at ayoko na gumagawa ng mga kalokohan na balang araw pagsisihan mo! iniisip ko lang naman ang kapakanan mo eh pero kung sumobra ako then sorry pero hindi pa rin yun sapat na dahilan para balewalain mo ako tandaan mo annie panganay pa rin ako sayo!" si kuya pala naabutan na kami tsk!!
" wag kang mag alala kuya hindi ko nakakalimutan at hindi ko rin kalilimutan na panganay sa akin pero kung kakausapin mo lang ako para sermonan ulit sorry kasi wala akong panahon makinig sayo saka isa pa diba sinabi ko na ayoko muna kayong makasama or makausap man lang alin ba ang mahirap intindihin dun ha kuya?? wala naman di ba??? kaya kung pwede bitiwan mo na ako dahil may pupuntahan pa ako saka na lang tayo mag usap kapag gusto na kitang kausapin!" sabi ko sabay bawi sa kamay ko na hawak nya tapos naglakad na ako palayo at tatawid na sa kabilang kalsada nang patawid na ako may nag beep na sa sasakyan pero di ko pinansin then suddenly
" annieeeee!!!!!" narinig ko tinawag ako ni kuya pero di ko sya nilingon at kasunod ng pagtawag na yun sa akin ni kuya may biglang tumulak sa likod tapos...
>>>>blaaaaaggggg!!!!<<<
"shaaaannnneeee!!!!" narinig kong sigaw ni nick at nicky tapos tiningnan ko kung anong nangyari pagtingin ko nakita ko si kuya nakahandusay sa kalsada duguan at walang malay kaya patakbo ko syang nilapitan
" kuya! kuya! gising! gumising ka!!" sabi ko pero hindi sya nagreresponse
" sandali hintayin nyo ko kukunin ko yung sasakyan ko! isugod na natin sya sa ospital nicky ikaw tumawag ka na ng pulis para maharang na yung sasakyan na nakabangga kay shane walangyang yun walang pakialam di man lang huminto! teka nakuha mo ba plate number??" si nick to nicky
" oo nakuha ko ako na bahala magreport sa mga pulis sige na kunin mo na sasakyan mo dalhin nyo si shane sa ospital bilis!!!" si nicky
tapos ilang saglit lang dumating na si nick dala sasakyan nya kaya agad kaming nagpatulong sa mga guard sa school para maisakay sya sa kotse tapos agad na namin sya dinala sa ospital malapit lang naman eh 10 minutes away from school..and while we're on the way to the hospital di ko binibitiwan kamay ni kuya at kinakausap ko sya hoping na sana naririnig nya ako...
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love