kian's pov
hi! muling nagbabalik ang anghel galing sa langit haha joke lang po! pinapatawa ko lang kayo masyado yata kayong seryoso jan eh hahaha..anyway andito ako ngayon sa bahay..bahay ng tito at tita namin ni mark kilala nyo naman siguro sila diba? ang parents ng mga pasaway naming pinsan hahaha..kung bakit? may hinihintay lang ako kung sino eh mamaya sasabihin ko sa inyo pag dating nya hahaha..
" oy tol bat andito ka pa? akala ko ba may pupuntahan kayo ni ecka?" si mark yan ang dakilang tsismoso sa lahat di ka nya titigilan hangga't di ka mapaamin hahaha..
"malamang hindi pa ako nakakaalis eh saka sabi ni ecka pag out nya sa ospital diretso na lang daw sya dito para daw di na ako magastusan sa gas" sagot ko
" ikaw! para kang sira eh di ka man lang nagpaka gentleman sana nag insist ka na susunduin mo sya ikaw talaga ang hina mo sa diskarte di mo man lang naisip pano kung pagsakay nun ng taxi eh kung saan lupalop dalahin yun? oh di kaya holdapin? ikaw di ka nag iisip eh!" sermon nya sa akin tsk! nasermonan pa ako kahit alam nyang mas matanda ako sa kanya yun nga lang isang buwan lang ang tinanda nya sa akin
" eh anong magagawa ko? sa ayaw magpasundo ilang beses ko nang kinulit eh sa talagang ayaw saka nahihiya ako eh" sagot ko
" what? nahihiya ka? bakit may ginawa ka ba sa kanya para mahiya ka ng ganyan? teka nga sandali may napapansin ako..umamin ka nga sakin insan gusto mo si ecka no?" sya,nako po patay ito na yung killer question na ayaw kong marinig tsk!
" ha? ah..hindi ah!f-friends lang kami nun saka di naman ako magugustuhan nun di naman kami magkalevel eh doctor sya ako nag aaral pa lang kaya imposible yang sinasabi mo insan.." sagot ko sana lang makalusot ako haha
" nako! insan kilala kita nabubulol ka eh alam ko nagsisinungaling ka kaya umamin ka na may gusto ka kay ecka no? aminin mo!" pangungulit nya sa akin hay ngayon alam nyo na kung ano sinasabi ko kanina haha
" eh hindi naman talaga eh magkaibigan lang kaya kami nun kaya mangulit ka na hanggang gusto mo di mo ako mapapaamin kasi wala naman akong dapat aminin sayo..actually ikaw nga yata tong dapat may aminin eh kasi lately napapansin ko lagi mong kausap si jinky sa telepono at mukang nag eenjoy ka..so yung tanong mo kanina sa akin ibabalik ko sayo gusto mo si jinky no?" ang sabi ko haha naka ganti rin ako kala mo mark ikaw lang may alas ah meron din ako haha
" h-ha? eh hindi naman eh...may tinanong lang sya kahapon kaya ko sya tinawagan yun lang yun kaya wag kang mag isip ng kung ano ano jan baka upakan kita" sagot nya hahaha halatang defensive si insan ko ah
" hay nako insan sige lang mag deny ka lang halata naman na gusto mo si jinky eh..every time na maririnig mo mabanggit ang pangalan nya yang mga mata mo talo pa yung mga bituin sa langit oh nagniningning hahaha!!" pang aasar ko sa kanya
" tsee!! tumigil ka nga jan! saka bakit ba napunta sa akin ang usapan eh ikaw tong topic natin dito ang mabuti pa aminin mo na lang ang totoo crush mo si ecka di ba?" sya tsk! ayaw nya talaga ako tigilan
" okay sige para patas! aamin ako kung aaminin mo rin na crush mo si jinky so ano? sabayan tayo sa pag amin? do you like her or do you like her? hahaha!" hamon ko sa kanya
" tsk! para kang sira same choices? kamusta naman yun?" angal nya
" wag ka nang umangal marky boy sumagot ka na lang ano do you like jinky right? right marky?" ako kaya wala syang nagawa kundi umamin hahaha!
" hay! ang kulit mo rin eh di ka talaga tumigil no? oo na tama ka gusto ko nga si jinky bakit may problema ba dun? wala naman di ba? oh ngayon ikaw naman ang umamin crush mo si ecka di ba? crush mo si ecka di ba kian?" sabi nya at nilakasan talaga nya boses nya tapos ngumiti na parang ewan
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love