The return..

9 1 0
                                    

magkasama ngayon si annie at nicky nagpunta sa theme park para mamasyal since week end at matagal tagal na rin silang hindi nakapag date...masaya silang nag uusap not knowing na may nagbabadyang unos na paparating sa relasyon nila..

"babe kanina ka pa tahimik jan? may problema ba? ayaw mo ba dito? gusto mo punta tayo sa ibang lugar?" si nicky kay annie..

"ahmm..hindi naman sa ganun kaya lang may iniisip lang ako para kasing kinakabahan ako eh parang may kung anong mangyayari ewan ko ba hindi ko maipaliwanag.."sagot naman ni annie

"ay nako yan kasi ang hilig mo manuod ng mga telenovela at horror kaya kung ano ano pumapasok jan sa utak mo ang mabuti pa kalimutan mo na lang yan..kasi hindi ko naman hahayaan na may mangugulo sa atin or may manakit sayo dadaan muna sila sa butas ng karayom bago ka nila masaktan at masira ang relasyon natin yan ay kung magkakasya sila sa butas hahaha" pabirong wika ni nicky..

"sira ka talaga puro ka kalokohan eh seryoso ako dito eh" si annie..

"kaya ko nga sinabi yun para patawanin ka kasi di bagay sayo ang naka serious face eh mas bagay sayo nakangiti lalo lumalabas ganda mas nagmumuka kang prinsesa hehe"..malambing na wika Ni nicky..

"ewan Ko sayo kahit kailan bolero ka talagang lalaki ka alam mo hindi mo na ako kailangan bolahin pa kasi nga di ba girlfriend mo na ako" sagot naman ni annie..

"hindi naman kita binobola eh sinasabi ko lang ang totoo..saka pakunwari ka pa eh alam Ko naman kanina ka pa kinikilig Jan haha" si nicky..

"ayan jan ka magaling eh mang asar bahala ka nga jan uwi na ako"si annie sabay talikod na sana kay nicky..

"ops san ka pupunta miss walk out? ikaw ha nakakarami ka ng walk out sakin  sorry na bati na tayo...I love you" si nicky  pero di sumagot si annie sa halip nakatingin lang ito sa kanya...

"oy sabi ko I love you..ano wala ka bang sasabihin?" si nicky ulit pero di pa rin nagsalita si annie...

"kapag di ka nagsalita jan hahalikan kita"banta ni nicky..

"eh puro ka naman salita eh"si annie na ikinangiti naman ni nicky at nang hahalikan na sana sya ni nicky sa lips bigla itong umilag at sa pisngi napunta ang kiss...

"haha kala mo makakaisa ka no? blee" pang aasar ni annie sa nobyo..

"ikaw talaga pasaway ka eh ang ganda ng moment eh.."si nicky sabay pisil sa pisngi ni Annie

"aray masakit yun ha"reklamo ni annie..

"sorry na oh ano tara na?? boring na dito eh kain tayo tas manuod ng sine" aya ni nicky..

"sure..let's go"si annie saka umalis na sila ng theme park..

kinagabihan pagkauwi ni nicky sinalubong sya ng kapatid na si sophie..

"kuya may bisita ka kanina pa naghihintay sa loob but I don't think kung matuwa ka pag nakita mo sya..kasi sa tingin ko problema lang dala nya eh.."si sophie na sya naming ipinagtaka ni nicky

"anong ibig mong sabihin lil sis? sino ba ang sinasabi mong bisita?"si nicky sa kapatid..

"just see for your self kuya"sagot ni sophie kaya agad naman pumasok si nicky sa bahay nila at..

"hi" nakangiting wika ng babae kay nicky di naman agad nakapagsalita ang binata sa labis na pagkagulat ng makita ang babae..

" hey? is that the way how you welcome me? I missed you a lot honey" ang babae sabay yakap kay nicky pero itinulak nya ito palayo..

the prince of his heartWhere stories live. Discover now