sophie's pov
yow!!! may pov na ako here hahaha...pero mukang di masyadong maganda ang pagkakaroon ko ng first pov ko here..pano naman kasi naglalakad ako dito sa subdivision namin namamasyal kung baga kaso lang may tatlong tambay na mukang adik na sumalubong sa akin ang babastos pa tsk!! pano kaya to??? wala pa naman akong kasama nako naman batman tulong!!
" hi miss beautiful nag iisa ka yata ah?? gusto mo samahan ka na namin mamasyal di kasi bagay sa isang magandang katulad mo ang maglakad ng mag isa dito" sabi nung isa sabay ngiti sa mga kasama nya
" sorry pero pauwi na kasi ako eh hinahanap na ako sa bahay namin eh..saka hindi miss beautiful ang pangalan ko okay?? kaya kung inyong mamarapatin eh lumayas na kayo sa harapan ko dahil wala akong panahon makipag usap sa mga katulad nyong adik na walang magawa sa buhay!! tsk!!" sagot ko saka ako tumalikod sa kanila...
"wow pare palaban oh! yan ang gusto ko sa babae eh yung pakipot hahaha!!" sabi ng dalawa pa nyang kasama..
" miss alam mo sa lahat ng ayaw ko eh yung tinatalikuran ako lalo na pag kinakausap ko pa kaya matuto kang rumespeto!" singhal ng lalaki
" aba eh kung katulad mo rin lang naman eh hindi na dapat irespeto pa!! tumabi ka nga jan!!!" ganting sigaw ko sa kanya saka ko sya tinulak dahilan para matumba sya at bumagsak sa sementadong kalsada.. pero nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin nung dalawang kasama nya at pinipilit akong dalhin sa hide out ata nila yung isang maliit na kubo na sa likod ng isang abandonadong bahay dito sa subdivision..
" at ang mga katulad mo naman na nagtatapang tapangan eh dapat tinuturuan ng leksyon!!! tara mga pare dalhin na yan sa kubo!" utos nung lalaking tinulak ko sa mga kasama nya at sumunod naman ang mga ito
" ano ba!!! bitiwan nyo nga ako!! mga walang hiya kayo!! bitiwan nyo ako sabi eh!!!" sigaw ko at nagpapalag ako ngunit talagang mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin..lord tulong naman ipadala nyo dito si super man!!
" mga pare tingnan nyo ang kinis oh pwede na tong panghimagas! hahaha!!!" yung isang lalaki saka habang hinihimas yung muka ko tapos bigla na lang...
" would you mind letting go of my girlfriend??" sabi ng isang lalaki na walang iba kundi si...
"shane??" tanging nasabi ko pano di pa nakakapagsalita yung tatlong adik tinutukan na nya ng baril
" pulis ako at girlfriend ko yang binabastos nyo alam nyo ba na sa ginawa nyong to hindi lang kulong ang magiging parusa nyo alam nyo ba na pwede ko pa kayong patayin ha??" si shane habang nakatutok pa rin sa tatlong adik yung baril nya hayst!! san naman kaya kumuha ng baril ang lalaking to?? nagpanggap pang pulis di ba nya alam na pwede syang mapahamak sa ginagawa nya??
" ah..so-sorry po sir hindi naman po namin alam eh..sorry po pasensya na po hindi na po kami uulit pangako" kanda utal na sabi ng tatlong lalaki
"hmm..okay madali naman pala kayong kausap eh..sige na alis na! takbo na baka magbago pa isip ko dalhin ko pa kayo sa presinto oh baka bigla akong nerbyosin makalabit ko tong gatilyo mapatay ko pa kayo sige na alis na bilis!!!" sigaw nya sa tatlong lalaki kaya nagkukumahog sa pagtakbo palayo ang tatlo..
" sophie? okay ka lang sinaktan ka ba ng mga yon??" nag aalalang tanong nya sa akin
" ah..hindi naman siguro kung hindi ka dumating baka kung ano na ginawa sa akin ng mga yon...pero oy shane ah!! anu yung pinagsasabi mo kanina na pulis ka??? alam mo ba pwede kang mapahamak dahil dun?? saka san galing yang baril mo?? san mo kinuha yan??" sunod sunod na tanong ko sa kanya
" ah...ito?? wala ito fake to tingnan mo oh water gun lang yan pero mukang totoo haha" sagot nya tapos ayun pinindot nya habang nakatutok sa akin nabasa tuloy ako tsk!!
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love