hanny's pov
hello there!! nagbabalik ang maganda haha! at mukang maganda na rin pati ang araw ko pano andito si pj mylabs ko hehe..yun nga lang hindi naman ako ang sadya nya dito kundi si kambal ko hay ewan ko ba kung anong meron kay kambal at masyadong malapit sa mga boys hmm..nako hanny para kang sira jan alam mo na nga na tomboy yung kapatid tatanong ka pa tsk!! hay para na akong ewan dito makababa na nga lang nang makita ko si pj mylabs ko hehehe..
" hi hanny!" nakangiting bati ni pj sa akin wow kilig naman sya pa una bumati sa akin hehehe..
" hi...nadalaw ka yata?? wala ka bang date with your girlfriend today??" tanong ko sa kanya tapos umupo ako sa tabi nya oy ha wag madumi utak nyo sadyang pangdalawahan talaga yung sofa hehehe..
" eh wala eh...saka wala na akong girlfriend kahihiwalay ko lang sa kanya nainis ako eh masyadong demanding saka maarte,,binastos pa nanay ko" sagot nya seriously?? hiwalay na sila ng girlfriend nya?? ang swerte ko naman! i can take over and reign and get the crown hahaha..paki nyo ba?? bakit kayo lang ba pwede lumablayf?? haha joke!!
" nako sad to hear that naman di bali i'm sure makakahanap ka rin ng babaeng para sayo yung tipong maganda na mabait pa at rerespetuhin ang mga magulang mo..yun nga lang mukang matatagalan pa bago sya makita kasi hindi ka naman naghahanap eh...try mo kaya tumingin sa harap mo sa likod sa tagiliran or sa tabi mo malay mo nanjan na pala sya hindi mo lang nakikita" pasaring ko sa kanya syempre sarili ko tinutukoy ko sa mga sinabi ko no?!
" hay sana nga hanny mag dilang anghel ka sana nga makita ko na yung babaeng mamahalin ko forever sana lang kasing bait at kasing ganda mo sya muka ka kasing anghel eh.." sagot nya na nakangiti kaya pakiramdam ko parang bumibilis tibok ng puso ko hindi ko kinakaya to! totoo ba narinig ko?? sabi nya maganda at mabait daw ako?? mukang anghel??!
" hanny?? hanny?? okay ka lang?? bakit parang bigla ka yatang natutulala may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan??" si pj while waving his hand in front of me
" ah..hindi wala wala natuwa lang kasi ako..kasi ikaw palang yung lalaking nagsabi sa akin ng ganyan bukod kay kuya at sa daddy namin" sagot ko
" bakit?? wala bang nanliligaw sayo?? sa ganda mong yan??" si pj
" wala ikaw pa lang kung sakali" pabulong kong sabi
" ano?? anong sinabi mo hanny hindi ko narinig eh" si pj
" ah..wala wala sabi ko pano naman may manliligaw sa akin eh si kuya shane saka yung mga pinsan ko pati si kambal parang mga tigreng nakaabang everytime na may mag attempt na umakyat ng ligaw sa akin tinotorture nila ng todo" sagot
" hay ganun talaga pinoprotektahan ka lang nila kaya ganon kasi ayaw nila na mapunta ka sa maling lalaki ganyan din naman ako sa kapatid kong si jinky eh sabihin nyo na over protective kaming mga kuya pero ginagawa lang namin yun kasi mahal namin ang mga kapatid namin" sagot ni pj saka ngumiti hay ang gwapo nya talaga..
" siguro nga pero alam mo mabalik tayo dun sa ex girlfriend mo pano bang binastos yung nanay mo?? nako kung ako nandun sasapakin ko sya talaga ng bongga" sabi ko eh sa talagang nanggigil ako sa ex nya eh walang modo..
"nako hayaan mo na yun wala yung kwenta,,buti ka pa kahit di mo pa nakikilala mommy ko nirerespeto mo na sya unlike that girl parang walang nanay hay nako kaya ako nangako ako na di muna ako mag hahanap ng girlfriend ieenjoy ko muna pagiging single ko..hehe dadamyan muna kita haha..alam mo swerte ko kasi i have friend like you" sagot nya aray friends lang daw kami?? ang sakit naman nun! pero di bali okay lang yan malay nyo destiny kami di ba?? hehehe..
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love