Irene's pov..
Hi! Missed me? O sure you did hehe...dito nga pala ako sa room ko since its week end natamad akong lumabas..and guess what? Yung isa sa bunso namin nandito nangungulit..
"So ate? Ano na sino na nga date mo sa grandball ng foundation ng school natin sa friday?" Si hanny haha akala nyo si annie ano? Well mali kayo haha..
" wala bakit kailangan ba may date?" Sabi ko hay di naman kasi kailangan yon eh kung wala eh di wala..
"Seryoso ka ate? Wala as in none? So ano pupunta ka don tapos magbubutas ng bangko ganun ba?" Sabi pa nya makulit din to eh pero mas makulit yung isa haha..
"Oo di naman kailangan ng date eh? Ang importante makapag attend tayo saka grabi ha? Magbubutas talaga? Saka makapag tanung ka naman ikaw ba meron?" Medyo sarkastikong sabi ko sa kanya..
"Obviously ate meron si pj boypren ko, si ate alexa naman si kuya brian tapos si kuya shane ayain daw nya si sophie..actually ate sa ating magkakapatid dun sa school ikaw lang ang walang date" dagdag pang aasar pa nya sa akin hay grabi mga kapatid ko no? Kanya kanyang lablayp! Ako lang wala haha..pero im sure na magkakaroon din ako soon pag nanligaw na si mr. Right ko mangyari naman kaya yon? Hay bahala na sya haha..
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love