narito ngayon ang magkakapatid sa may pool area ng kanilang bahay masayang nagkukuwentuhan..at nagtatawanan..
"alam mo kuya shane ikaw tong nakakatanda sa amin pero ikaw na lang ang naiiwan na walang lovelife...yung totoo kuya balak mo bang tumandang binata at nag iisa?" si hanny sa nakakatandang kapatid..
"makasabi ka naman ng naiiwan wagas bakit ito bang si irene may love life ha? may pinakilala na bang boyfriend to sa atin? wala naman di ba kaya di ako nag iisa.."sagot naman ni shane sa kapatid..
"aba'y teka lang naman mga kapatid bakit biglang napunta sa akin ang usapan ha? ano ba ito damayan?" si irene sa mga kapatid...
"oo nga naman teh bakit ba kasi di mo pa sa sagutin si nick?" annie to her ate irene. .
"nang aasar ka ba ha? saka pano ko naman sasagutin kung di naman nanliligaw..and as if naman na nakaget over na yun sayo eh everytime na nakakausap ko yun eh ikaw ang laging bukang bibig nun" sagot naman ni irene...
"ayan kasi bunso next time ingat sa sasabihin di pa pala to sinasagot ni nick eh este nililigawan hehe sorry ate.." si alexa
"mga sira! makapagsalita kayo porke may mga lovelife kayo at yung isa ikakasal na pinagkakaisahan nyo kami ni irene.."wika ni shane sa mga kapatid..
"oo nga saka oy di lang naman kami ni kuya shane ang walang lovelife dito eh si kuya kian din kaya saka si kuya mark" dagdag pa ni irene..
"hey usapan magkakapatid to wag nyo isali yung dalawa nating pinsan saka if I know as we speak yung dalawang yun andun kina doc ecka at kay jinky pumoporma kaya kayong dalawa na lang talaga ang napapag iwanan.."si hanny..
"speaking of jinky ate kambal kamusta na nga pala si pj? di na kami nagkikita nun ah? nasaang lupalop na ba yun ng mundo?" si annie sa kakambal
"at bakit mo naman hinahanap si pj? oy annie umayos ka ha may nicky ka na tas may nick pa na di Maka get over sayo wag mo na tangkaing nakawin si pj sakin kundi upakan kita!"si hanny..
"ay grabe ang oa teh hinanap ko lang napunta na sa nakawan wag kang mag alala sayo lang yun si pj kaya ko lang hinanap kasi kinakamusta ko lang at magpapaturo lang ako ng basketball.."annie said to her sister..
" eh Di Kay nicky ka magpaturo" si shane..
" hahahaha!!! Kuya nagapapatawa ka di naman yun marunong magbasketball eh football lang alam nun eh baka mamaya sipain nun ang bola papunta sa ring hahaha" si alexa
"ah kay kapre na lang ako magpapaturo hahaha..mabuti pa yun matangkad"si Annie
"maka tawag ka naman ng kapre wagas saka isa rin yun di rin yun marunong magbasketball kahit ganun katangkad yun..mag shoot nga lang ng bola kahit malapit sa kanya yung ring di magawa eh.." sagot naman ni alexa kay annie..sabay pahid ng icing ng cake na kinakain nila sa muka nito..
"ay ang bad! ate naman eh! bakit ka ba nangpapahid ng icing sinasayang mo yung cake eh" si hanny at pinahiran din si annie sa mila
"aba! nang hahamon kayo ah! oh ito sa inyo oh kala nyo ako lang ah! kayo rin!" si annie na gumanti rin ng pahid ng icing sa muka ni alexa at hanny..
"ah! bunso alam ko na kung kanino ka magpaturo ng basketball kay kuya shane haha kahit bansot yan marunong yan tumalon yun nga lang di nya maabot ang ring hahaha" si Irene sabay tingin sa kuya nila..
"ah ganun? makapagsalita ka naman ng bansot jan parang ako lang ang bansot sa atin kamusta naman tong si annie..na kailangan pa magsuot ng heels para magpang abot ang height nila ni nicky..."
"at least ako kuya yung pagiging bansot ko nagagawan ng paraan eh ikaw? hindi kasi pag nagsuot ka ng heels sabihan ka pa nilang bakla haha" si annie..
" at ikaw naman magsuot ka man ng matataas na heels that doesn't change the fact na bansot ka pa rin pag di ka na naka heels!"si hanny saka pinahiran ulit ng icing sa muka si annie..
"aba sumusubra ka na kapatid! ito bagay sayo punuin ng icing ang muka" si annie kaya nagpahiran sila ng icing at nakisali na rin si alexa...
"nag laro ang mga bata haha" si irene sabay tingin sa kuya nila..
"ay isali naiinggit sila hahaha"wika ng tatlo saka papahiran sana ng icing si shane..pero bigla itong tumakbo
"oy!! wag nyo akong isali jan pag upakan ko kayong apat!" si shane..
"hindi pwedeng wala kuya unfair yun lahat kami may icing sa muka di pwede dapat ikaw din para fair"si annie sabay pahid ng icing sa muka ng kuya nya na sinundan naman ng tatlo nyang ate...
"ah ganon? oh sige hali kayo dito kala nyo papatalo ako ha.." si shane saka ibinato ang cake sa mga kapatid...
"ay kuya ang daya mo kami pahid lang ikaw nambabato ka!" reklamo ni alexa sasagot sana si shane ng may biglang nagsalita...
"ehmm ang saya yata ng mga anak ko ah anong meron?" ang mommy nila na kanina pa pala sila pinagmamasdan..
"ah wala po mommy nagkakasayahan lang Po kami ang tagal na po kasi naming hindi nagagawa to eh saka namiss lang po namin kalaro si kuya shane!!" ang apat na girls sabay pahid ng icing sa muka ni shane..
" ma oh? pinagtulungan na naman ako ng mga babaknit na to pag batukan ko to eh"reklamo ni shane sa ina..
" yaan mo na ijo pag pasensyahan mo na mga kapatid mo tutal ikaw naman ang panganay saka gwapo ka pa rin kahit may icing ka sa muka bagay naman sayo eh hehe" ang mommy nila kay shane..
" mommy naman eh kinunsinte nyo pa kaya nasasanay.." si shane..
" hahaha wawa naman si Kuya" pang aasar ni annie sa kapatid..
"hoy nang aasar ka pa talaga! fyi gwapo pa rin ako kahit may icing ako sa muka ako pa rin ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng earth mana lang sakin ma jowa nyo!" si shane..
"howoww!! ang lakas ng hangin oh kuya bumabagyo ata! haha" si irene..
"tsee isa kapa akala ko pa naman magkakampi tayo nakisali pa sa pang aasar ng tatlong to sakin pag upakan ko kayo eh" si shane sabay tingin kina hanny annie at alexa..
"oh sha tama na yan baka mamaya mauwi pa sa away ang asaran nyo na yan sige na linisin nyo na mga sarili nyo at nang makapag dinner na tayo kanina pa nakahanda ang pagkain..sige na pasok na.." ang mommy nila at sinunod naman ito ng magkakapatid...
A/n:
hep! this is it update! hehe..ang saya ng magkakapatid oh wawa naman si shane napagkaisahan hahah...bawi ka na lang next time shaney..upnext may magbabalik at darating hehe..bye til my next update!
love,
princess areeyah ♥
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love