annie's pov..
hello im here sa room ko nagkukulong wala kasi akong gana lumabas ngayon alam nyo naman until now tampo pa rin ako kay boyfie ko kasi naman ey di man lang sinabi sa akin na andito na pala ulit yung ex nya hay naku kaya andito ako ngayon nakahilata lang sa kama ko tapos all of a sudden biglang pumasok si hanny ang aking kambal pero sa aming dalawa sya ang ate haha..
"uy kambal wala ka talagang planong bumaba? hanggang ngayon ba ayaw mo pa rin makipag bati kay nicky??" si kambal sa akin..
"wala naiinis ako ey bakit kasi kailangan pa nya ilihim na bumalik na pala yung ex girlfriend nya anu yun balak nya surprisahin ako one day aappear sa harap ko yung Vivian na yun at mag hello??" inis na sabi ko
"asus si kambal ko oh sabihin mo takot ka lang ey sabihin mo kasi ayaw mo lang magkita sila kasi natatakot na baka balikan ni nicky yun ex nya ganun ba kambal? eh sa inaasal mo kay nicky malamang sa malamang ganun nga mangyayari kundi ka pa makipag bati sa kanya" sabi nya napaisip naman ako sa sinabi nya mukang may punto ang sinasabi nitong si kapatid ko..
"oh ano kapatid natahimik ka tama ako no? so kung ayaw mong mangyari yun kausapin mo na yung boyfriend mo at makipagbati ka" sabi pa nya
"saka na wala pa ako sa mood kausapin sya"sabi ko sabay balik sa kama ko pero bago pa ako makahiga ulit hinila na nya ako at...
" oops!! bumangon ka jan kasi mayroong naghihintay sayo sa baba bilisan mo" sabi nya at hinila nya ako palabas ng kwarto only to find out that it was nick waiting for me..
"nick? anong ginagawa mo dito inutusan ka na ng kumag ano?? pwes sorry sya kasi hangga't di sya magsorry ng matino.." sabi ko
"kaya nga ako nandito para pag ayusin kayong dalawa kasi yang away nyo nakakastress hindi ko alam kung kanino ako sasama tsk"sabi nya..
" oo nga naman kapatid magbati na kayo pati kami naninibago na sayo parati ka nalang masungit ey namimiss na namin yung annie na maingay makulit at pasaway" sabi naman ni ate alexa at ate irene..
" ayoko bahala sya hanggang di sya ang magpapakita dito mismo sa Harapan ko walang pagbabati na magaganap.." sabi ko naman..
"hay kawawa naman si nicky na nag handa ng romantic dinner para sayo hinihintay ka nga nya sa paborito nyong tambayan ey kaso mukang naghihintay sya sa wala" si nick tapos..
"nickolas!!!!!" sabay sabay na sambit ng mga ate ko sabay bato ng mga throw pillow kay nick teka ano bang alam ng mga to sa nangyayari??
"ooppsss!! sorry!"sabi naman ni nick sabay peace sign sa mga ate ko..
"magsabi nga kayo sakin ano ba talaga nangyayari??" kunot noong tanung ko sakanila...
"I guess we have no choice guys ito kasing isang lalaking to napakatahimik ey well alam mo kapatid malalaman mo ang sagot kung pupuntahan mo si nicky"sabi ni ate irene sa akin kaya I have no choice kundi puntahan si nicky
"fine pupunta na ako mag isa walang sasama"sabi Ko naman tapos nagbihis na ako para puntahan ko si nicky..In fairness kilig ako ah? gumawa pa talaga ng surprise kaso nga lang hindi na surprise alam ko na ey...oh sha puntahan ko muna yung boyfriend ko
nicky's pov
"whaaatt??! pano nya nalaman? anak butiki naman nick ang daldal mo talaga! lalagyan ko talaga ng plaster yang bibig mong hindi matahimik ey! sana pala hindi na lang ikaw ang isinama ko sa pagpaplano ko" inis na sabi ko kay nick sa kabilang linya pano ba naman ibulgar ba kasi yung surprise ko kay Annie...
" sorry bro kasi naman ey pasalamat ka nasabi ko kay annie yung surprise mo kung hindi di ka pupuntahan nun" sagot nya mula sa kabilang linya
" oh sya sya sige na ano pa nga ba magagawa ko nangyari na buking na yung plano ko hay pasaway ka talagang tao ka" sagot ko naman tapos nag end call na 15 minutes later nakita ko na dumating na si annie kaya agad ko syang sinalubong
"hi babe! flowers for you! surprise!" sabi ko sabay abot ng yellow tulips kay annie
"surprise mo muka mo nicholas ano na namang pakulo to ha? saka di na surprise to nasabi na sakin ni nick ey.." si annie
"babe di pa ba obvious? ginawa ko to kasi gusto ko na magkabati na tayo namimiss na kita ey kaya sige na please?? sorry na bati na tayo??" paglalambing ko sa kanya ..
"ewan ko pag iisipan ko muna"sabi nya sabay upo sa table namin well pinaayos ko talaga ang lugar na para sa aming dalawa lang...
"babe wag mo na pag isipan mahihirapan ka lang saka alam ko namang di mo ako matitiis ey? kaya sige na please sorry na? I love you!" sabi ko tapos nakita ko sya ngumiti ng bahagya pero pinipigilan pa nya...haha lam na this kunting lambing pa okay na kami
"ewan ko sayo puro ka pa cute ey bakit kasi kailangan pang mag lihim ey sana sinabi mo agad para di tayo nag away" sabi nya habang ako ito pa rin sa harap nya pilit ko pa rin syang sinusuyo wag kayong maingay ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo mapatawad ka lang nya...
"sorry na babe kasi ayaw ko lang na makaapekto pa sa atin si Vivian ey kasi matagal na kaming wala at ikaw na ang mahal ko ngayon at kahit kailan wala nang iba pa" sabi ko saka Ko hinalikan mga kamay nya
" hay naku talaga kang lalaki ka pasalamat ka mahal kita ey at di kita matiis at namimiss Din kita kundi talagang di kita kakausapin" si annie at ngumiti ng pag katamis tamis
" thanks babe sabi ko na nga ba Hindi masasayang ang effort ko ey I love you! and sorry kung naglihim ako sayo ha??" I said tapos niyakap ko sya..
"it's okay babe hindi naman talaga ako nagalit ey nagtampo oo kasi naglihim ka sa akin ey at ayaw ko nang mauulit yun ha? gusto ko palagi tayong honest sa isa't isa kasi ayoko nang nagkakatampuhan tayo nakakastress yun ey"annie said
"dont worry babe I'll try my very best para hindi na ito maulit pang muli at I will do everything to get rid of vivian hinding hindi ako makakapayag na Manghimasok sya at sirain ang pagmamahalan natin mapapatay ko muna sya bago nya tayo masira" sagot ko sabay halik sa noo at lips nya..
"alam mo ikaw hanggang ngayon hindi pa rin talaga nawawala ang pagka corny mo kumain ka ba ng mais? haha" pabiro nyang tanung sa akin ..
" corny na kung corny basta nasabi ko ang gusto kong sabihin sayo at ang mahalaga ngayon nagkaayos na tayo kasi hindi ko kakayanin kung patatagalin ko pa ang pagtatampo mo sakin.." sabi ko naman tapos umupo na rin ako table namin sa harap nya
"ang sweet naman ng boyfriend ko ang swerte ko talaga kasi sa dinami dami ng girlfriends mo noon ako sakin mo lang pinakita yang ka sweetan at pagka corny mo hehe"si annie habang sineserve ng waiter ang pagkain namin
"kasi babe nung mga panahong yun hindi pa ako seryoso kaya ganun pero nung time na medyo hindi okay ang friendship natin at umiiwas ka sakin then suddenly bigla kang nagbago biglang nag iba yung kilos mo yung pananamit mo lahat dun ko narealize ko na yung kaibigan ko yun din pala yung babaeng matagal ko nang hinahanap ang babaeng gusto kong makasama buong buhay ko" sabi ko naman haha sobrang cheesy ko na ba guys sabihin nyo nga? haha..
"hay naku nicholas ang cheesy mo tumigil ka nga jan baka sugurin tayo ng mga langgam ey kumain na nga lang tayo ginugutom ako sayo ey" sagot nya at masaya kaming nag usap habang kumakain oh sha jan na muna kayo at solohin ko muna itong mahal kong girlfriend hehe.. bye guys until next time hehe..
a/n:
ops! hi there heto at muling nagbabalik ang author na maganda haha joke baka maniwala kayo agad ha??..well anyways sa wakas nagkabati rin ang mga bida si nicky oh? ang corny na ang cheesy pa at si nick jusko ang daldal talaga di na tuloy surprise haha..oh sya hanggang dito na lang muna see you guys next update bye!..
love,
Princess areeyah ♥
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love