arguing?

17 4 0
                                    

note: patalak si miss A na maganda ha?? hehe wag na kayo umangal maganda talaga sya hahaha

kasalukuyang namamasyal si nick sa park ipinasya na muna nya na wag isama si annie dahil baka makulitan ito sa kanya...ngunit habang namamasyal sya sa naturang lugar ay biglang nahagip ng kanyang mata ang dalawang tao na pamilyar sa kanya..na walang iba kundi sina annie at nicky na masayang namamasyal...kaya biglang lumitaw ang isang ideya sa kanyang isipan...

" hello there! kayong dalawa ah? hindi man lang kayo nagsabi na magdedate pala kayo di sana nakasama ako..." bati ni nick sa dalawa nang makalapit sya sa mga ito

" natural date for two lang naman ang hinanda ko eh alangan naman na isama kita anu yun? date for two tapos tatlo tayo? nagpapatawa ka yata tol? sabihin mo lang tawa na ba ako??" si nicky na biglang nag iba ang timpla ng muka ng makita si nick

" ah ganun ba?? teka annie sandali sama ka naman sakin oh may ipapakita lang ako sayo may binili kasi akong gitara eh tara testing natin kung maganda ang tunog" si nick sabay hila sana kay annie..nang biglang tumutol si nicky...

" teka tol parang hindi naman yata tama yun ah??? nakita mo nang kasama ko sya eh bigla mo na lang hihilahin kung saan di naman yata makatarungan yun kung gusto mo sama sama tayong tatlo para naman makita ko kung magaling ka nga mag gitara hahaha..." si nicky to nick na syang ikinasimangot nito..

" tsk! ewan ko sayo! alam mo naman na noon pa magaling na daw ako mag gitara tapos ganyan ang sasabihin mo ngayon ang sakit ah?? parang hindi tayo friends..." si nick sabay tayo na sana nang biglang pumigil si annie

" oh? san ka pupunta mag walk out ka na naman?? alam nyo kayong  dalawa para kayong mga sira eh ang liit na bagay pagtalunan pa?? para kayong mga bata tara na nga samahan na natin tong si nick bago pa mauwi sa away yang asaran nyo na yan!" si annie sabay hila sa dalawa...

dahil di naman masyadong malayo sa park ang lugar kung saan ipinark ni nick ang kanyang sasakyan ay agad silang nakarating doon..at agad na hinanap ng binata ang kanyang bagong biling gitara..

" oh ano na nick?? asan na??? kanina ka pa naghahanap jan ginugutom mo lang ako maiwan ko nga muna kayo jan bibili lang ako ng pagkain.." si nicky saka umalis at naiwan ang dalawang sina annie at nick

" oh ano na nick asan na yung gitara mo??" tanung ni annie kay nick

" ah..eh yun nga ang problema eh hindi ko mahanap eh mukang naiwan ko ata sa bahay sorry ah..pero kung gusto mo sumama ka na lang sa akin mamaya kung wala kang gagawin??" si nick

" mamaya?? eh may report akong tatapusin eh bukas na lang siguro...free naman ako bukas after school eh hintayin mo na lang ako dun sa may canteen bukas.." nakangiting sagot ni annie nang biglang dumating si nicky

" ano asan na yung gitara mo??? wag mong sabihin na hindi mo dala babatukan kita inistorbo mo date namin ni annie.." si nicky 

" eh ano magagawa ko sa naiwan ko eh akala ko nailagay ko dito sa likod ng sasakyan ko hindi pala..saka anong sabi mo date?? hoy ikaw nicky umayos ka ah may vivian ka pa tapos idedate mo to si annie ano ka cellphone dual sim??" si nick kay nicky 

" vivian?? tsk! ni hindi na nga ako kinokontak nung babaeng yun eh so meaning balewala na ako sa kanya kaya okay na siguro kung idate ko si annie saka wala naman syang boyfriend eh?? kung makapag react ka jan wagas! ...unless nagseselos ka?? haha" nicky said na halatang inaasar pa si nick

" hoy tama na nga kayong dalawa jan away kayo ng away para kayong mga bata eh..kumain na nga lang tayo gutom na ako eh!" si annie sabay kuha ng burger and fries na binili ni nicky

" tsk! junk foods again?? hay nako annie mabuti pa ito kainin mo healthy pa saka masarap kaysa fries and burger.." nick said sabay abot ng isang malaking chips kay annie

" hahaha!! seriously nick?? healthy?? eh mas lalo tayo magkakasakit jan  eh sira talaga tuktok mo umayos ka nga!" tawang tawa na sabi ni annie..

" oy! sorry naman namali lang ako ng kuha oh eto masarap to vanilla flavored cup cake" si nick saka kinuha sa bag niya ang dalang cupcake na pabaon sa kanya ng katulong nila..

" tsk! mas masarap kaya tong binili ko oh chocolate cup cake ito na lang kainin natin" si nicky sabay nilabas din yung binili nyang cup cake

" alam nyo parehong masarap yan kaso hindi ako kumakain ng cup cakes eh di yan kasama sa diet ko ngayon saka naiinitan ako eh kaya tara ice cream tayo" si annie

" tama mabuti pa nga mag ice cream na lang tayo manggo flavored ice cream ang masarap kainin ngayon!" nick said but then again..

" anong mango oy strawberry kaya! di ba annie??" pagtutul naman ni nicky

" hay nako ewan ko sa inyong dalawa ang pagod nyo sawayin bahala kayo kung ano kakainin nyo ako gusto ko ube mas masarap yun pero kung magtatalo lang kayo ng magtatalo eh tara na dun na lang tayo kumain sa convinience store kumain...cup noodles na lang kainin natin!" si annie sabay walk out kaya natahimik ang dalawa at nagkatingininan na lamang..

" tingnan mo ginawa mo nag walk out tuloy! kasi eh! ang kulit kulit mo sinabi ng mango eh!" si nick

" anong ako oy ikaw kaya! lagi mo kong kinokontra eh tapos binigyan mo pa si annie ng pagkalaki laking chips tapos sasabihin mo healthy pasaway ka rin eh...saka strawberry naman talaga ang  masarap na flavor ng ice cream..!" sagot naman ni nicky

" eh totoo naman kasi eh mango kaya ang masarap na flavor ng ice cream saka yung chips nagkamali lang ako ng kuha eh cupcake naman talaga dapat ang ibibigay ko letseng kamay kasi ito eh!" nick said in dissappointment..

" hoy ano kayong dalawa jan tutunganga na lang ba kayo walang balak kumain?? hayst! para kayong mga ewan jan ang sakit nyo sa ulo!" si annie na nakatayo pala sa may harapan nila kanina pa..

" eh kasi naman to si nick ang kulit ako pa sinisi sa pag walk out mo ikaw naman kasi bakit ba kasi nagwalk out kang babae ka??" si nicky to annie

" eh sino ba naman kasi ang hindi mag walk out sa attitude nyong dalawa? away kayo ng away wala namang katuturan pati pagkain na kakainin pag aawayan pa talo nyo pa mga bata eh! oh ano magtatalo pa ba tayo dito oh kakain na?? kasi kung hindi pa eh uuwi na ako at kakain gutom na ako eh?" si annie with matching taas kilay pa ah..haha

" oh tara na nga baka lamunin mo pa kaming dalawa dito eh jollibee tayo" aya ni nick

" mccdonalds masarap fried chicken dun tara!" si nicky

" tsk! ano ba pati ba naman yan pagtatalunan nyo pa?? pagbabatukan ko kaya kayong dalawa?? tara mcdonald's tayo at since ikaw naman ang nagyaya dun ilibre mo kaming dalawa ni nick bilis!" si annie sabay hila kay nicky

" hahaha!! yan kasi napapala mo tol makipagtalo ka pa sakin hahaha..." kantyaw ni nick sa kaibigan na si nicky

" tse! tsk! kasalanan mo to eh dapat ikaw ang manglibre inistorbo mo date namin eh panira ka talaga eh!" si nicky

" oy may reklamo ka??parang ayaw mo ata eh? nick tara uwi na lang tayo ayaw ata manglibre ng isang to eh??" si annie sabay tingin kay nicky

" bakit may sinabi ba ako na ayaw ko? saka di naman ako umaangal eh..to kasing si nick nang aasar pa eh..tsk! pasalamat kang babae ka mahal kita kundi nako bahala ka iwan kita.." si nicky ngunit ang huling katagang binitawan ay halos pabulong lang..

" ano yun tol mukang may sinabi ka ata na hindi namin naintindihan ah??" si nick

" wala sabi ko tara na gutom na ako eh..." si nicky sabay sakay sa kotse ni nick..at nagpunta na nga sila sa naturang kainan upang kumain...

>>> to be continued<<<

a/n:

hala! pasaway tong mga bidang to magtalo ba sa pagkain mga adik hahaha...!! oh sya up next ang engagement party ni alexa at brian...jusko ang haba nun dudugo na naman ang ilong ko nito hahaha..hanggang dito na lang muna ako..bye!! see yah next update!!

love,

princess areeyah <3

the prince of his heartWhere stories live. Discover now