encouragement!

15 3 0
                                    

pj pov

hello there!! oy may pov na ako?? hehe thank you miss A hahaha sya nga pala narito ka mi ng kapatid kong si jinky sa resort na pag aari ng tito at tita namin kasama namin parents namin pati na rin si annie..actually pinilit ko talaga syang sumama para naman kahit paano eh makapag relax sya ilang araw na kasi syang stress saka malungkot eh..alam nyo naman siguro ang dahilan di ba?? kaya hindi ko na kailangan ikwento pa ulit hahaha..speaking of annie ayun na naman sya oh sa may tabing dagat nakaupo mag isa at malungkot na naman teka malapitan nga ang isang to..

" oy! malungkot ka na naman! kaya nga kita sinama dito eh para mag enjoy ka naman kahit konti lang palagi ka na lang malungkot eh!" sabi ko sabay upo sa tabi nya

" hindi naman ako malungkot eh..namimiss ko lang kasi mga kapatid ko saka parents ko" sagot nya pero alam ko at nakikita ko sa mga mata nya na nagsisinungaling sya..

"sus! kapatid? parents? ang sabihin mo namimiss mo lang si nicky kaya ka ganyan! alam mo isa yan sa dahilan kaya kita dinala dito para kahit pano makalimutan mo yang dreamboy mo!" sagot ko

" tsk! pano ko naman mamimiss yung kumag na yun eh magkaaway nga kami remember hindi pa rin kami nag uusap hanggang ngayon" sagot nya

" asus! kahit pa magkaaway kayo at hindi nag uusap halata naman sayo eh at kitang kita sa mga mata mo na namimiss mo sya kaya wag ka nang mag deny dahil buking na kita" sabi ko sa kanya

" oo na namimiss ko na sya..syempre kaibigan ko pa rin naman yun kahit pano..yun nga lang alam mo naman di ba? hay..hindi ko talaga maintindihan kung anong nakita nya dun sa vivian na yun na wala sa akin tsk! pareho lang naman kami babae" sabi nya na ikintawa ko

" hahaha! simple lang..kasi si vivian maganda mabait sexy saka maunawain naiintindihan nya kung bakit ka nagalit kay nicky ng ganon kasi hindi nya tinupad yung promise nya na hindi nya isasama si vivian kaso naisama pa rin nya kasi nga girlfriend na nya" sagot ko tapos batukan ba naman ako?? tsk! nagsasabi lang naman ako ng totoo eh

" sira!!! ano ba?? kaibigan ba kita o hindi?? parang mas pinapaboran mo pa yung vivian na yun kaysa sa akin eh? magsabi ka nga sa akin crush mo yun ano?" pikon nyang tanong sa akin haha pikunin talaga to

" ito naman nagsasabi lang naman ako ng totoo eh..pero seriously isa lang naman ang hindi makita ni nicky sayo na nakita nya kay vivian..maganda ka naman mabait pero yun nga lang yung ayos mo saka yung kilos mo mas lalaki ka pa kumilos kaysa sa akin eh..kung babaguhin mo yang ayos at kilos mo baka sakali mapansin ka pa ni nicky baka nga hindi lang si nicky eh " sagot ko

" ako?? magbabago ng kilos at look sira ka pala eh ! akala mo ba ganun lang kadali yun?? ano yun parang rice cooker?? magsaing ka ilagay pindutin mo yung button tapos in 45 minutes may kanin ka na?? sira ka talaga hindi yun ganun kadali no!" sagot nya sakin pero ngumiti lang ako!

" hahaha! wag ka mag alala basta makinig ka lang sa akin babaguhin natin yang kilos pananalita at looks mo within two weeks bago ang birthday nyo ng kambal mo for sure magugulat sila kapag nakita ka nila pag balik natin na iba na ang looks at kilos mo.." sagot ko

" hahaha talaga lang ha?? sigurado ka jan?? at pano naman natin gagwin yang sinasabi mo aber?" tila nanghahamon nyang tanong sa akin

" basta ako bahala sayo magtiwala ka lang sa akin okay?? bukas na bukas aalis tayo isasama natin si jinky ipagshopping ka namin ng mga magagandang damit na babagay sayo tapos ipapamake over ka namin..haha tingnan lang natin kung anong gagawin ni nicky kapag nakita nya ang bagong annie..baka hiwalayan nun si vivian agad agad hahaha"

" hahaha adik ka agad agad talaga?? pero seriously pj thank you ha kasi lagi kang nanjan para sakin lalo na nung time na lumayas ako ikaw yung tumulong sa akin thank you talaga ha" pasasalamat nya sa akin

the prince of his heartWhere stories live. Discover now