Jesse's pov
Hi may pov ako? Hehe thank you miss A..anyway andito ako sa bahay namin di ako maka pasyal eh putol yung baging ko haha ipinapaayos ko pa sa gubat haha joke lang..anyways andito ako ngayon sa may pool area namin nakaupo then all of a sudden may lumapit sa akin na syang ikinagulat ko..
"Oh? Anak bakit nag iisa ka dito? Saka himala di ka yata nag lakwatsa ngayon?" Si mommy pala hehe..
"Wala po mommy gusto ko lang po muna manahimik dito sa bahay lately po kasi palagi akong wala eh? Kaya napagpasyahan ko po na dito lang muna ako sa bahay manatili ngayong week end.."sagot ko
"Sabi mo yan eh? Pero andito ka nga sa bahay yung utak mo naman gumagala..akala mo ba hindi ko napapansin na kanina ka pa nakatingin sa kawalan ha? Anu bang gumugulo sayo anak?" Tanung nya sa akin hay totoo nga talaga mother knows everything kahit di pa natin sabihin..
"Wala naman po mommy kasi po hindi ko lang po maintindihan tong nararamdaman ko..parang gusto kong palagi kong nakikita si irene the feeling na ayaw ko nang mahiwalay sa kanya na ayaw ko syang mawala sa paningin ko.." I said..
"Naku ang anak ko mukang umiibig na..bakit hindi mo sya puntahan anak? Ayain mo sya mamasyal o di kaya imbitahin mo sya dito sa bahay ang tagal ko na rin kasing hindi nakita ang batang yon eh?"si mommy may point sya eh kaso pano ko naman yun gagawin eh wala nga akong sasakyan eh pinapagawa ko pa..
YOU ARE READING
the prince of his heart
Teen Fictionstory of friendship that will be tested by love