nick's busy mouth

13 1 0
                                    

note: mag POV muna si nick at Irene ha! pagod na tumalak si miss a eh haha...

Irene's POV

hello over there hay buti naman naisipan ni miss A na bigyan ako ng moment dito..pero Ewan ko kung matuwa ako kasi naman kaninang umaga sinundo ni nick si annie dapat ako sinundo nya eh tsk! until now ba umaasa pa rin sya sa kapatid ko?? hay nagmumuka lang syang tanga kakahintay sa wala..tsk.

(a/n: sus! selos  ka lang)

isa pa tong author na to singit ng singit! sapakin ko to eh..anyway andito ako sa bahay and guess what? di ako maka concentrate sa ginagawa ko pano may maingay na daldal nang daldal sa labas! tsk!!! sino? di yung sinasabi ko senyu kanina tsk ayan palapit na dito...

" hi kailangan mo tulong? magaling ako sa puzzle" nakangiti  nyang sabi nang aasar ba to??

" di kaya ko to mag isa saka pano mo naman ako tutulungan? sarili mo ngang puzzle di mo masagot eh" inis Kong sabi...

" ito naman tutulungan na nga kita ang sungit mo pa sa akin dali na akin na para mas mapadali kasi Mukang nahihirapan ka na eh"sabi pa nya tsk kulit talaga...

"eh pano naman di ako mahihirapan kanina ka pa nanggugulo di ako maka concentrate ang ingay ingay mo " sabi ko..habang binubuo ko yung puzzle na hawak ko...

" eh natural maingay ako may bibig ako eh kung wala akong bibig malamang di ako mag iingay saka bakit ba ang sungit mo?? me dalaw ka?" si nick na makangiti pa wagas parang nang aasar..

"alam mo kung wala kang magagawa ibalik mo na dito yan at kaya ko naman gawin yan mag isa at umalis ka na" sabi ko..

"ayoko nga wala akong kakwentuhan eh saka namiss kita eh..teka nga bakit ba kasi ang sungit mo?? alam mo lately napapansin ko ang init ng ulo mo sakin dahil ba to dun sa nangyari sa mall? sorry na nga ako eh oy sorry na.." pangungulit nya tsk

"alam mo pwede ba tumahimik ka muna kahit isang Segundo lang utang na loob nick di ko magawa to sa ingay mo eh oh tingnan mo lalo pa nagulo eh? tsk!!" inis na sabi ko tapos ginulo ka na yung buong puzzle nainis ako eh...

"oy sorry na ito na tatahimik nga oh..dali tulungan kita madali lang to" sabi nya sabay pulot dun sa mga puzzle na mahulog..

"nick pwede ba wag na kaya ko na to mag isa di na ako bata mabuti pa puntahan mo na lang yung kapatid ko kasi Mukang mas kailangan nya tulong mo kaysa sakin bagay kayo mag sama tutal pareho kayong madaldal eh" pairap na sabi ko tapos nakita ko biglang kumunot noo nya...

"tsk!! sungit naman nitong babaeng to ano ba nakain mo bakit ang sungit mo sakin??" sya at talagang tinanung pa nya ah?? hay nako manhid na nga bulag pa sarap batukan!

"ba mas mabuti na yung masungit kaysa naman manhid at bulag! umalis ka na nga dito si annie kulitin mo wag ako!! bucet! " inis na wika ko eh sa nainis na talaga ako eh ang daldal kasi kalalaking tao talo pa babae sa kadaldalan hay pero kahit ganun cute at gwapo pa rin sya hay...yun nga lang bulag na manhid pa umaasa sa wala hay..bahala na sya tsk..tiningnan ko na lang sya habang paakyat ako sa room ko andito sila sa bahay eh...

>>>>Nick's POV

hi hello the one and only handsome me Is back pero may isang nabadtrip sakin...nag aalok lang naman ako ng tulong eh sinungitan na ako saka ano ba yung sinasabi nya na..mas  mabuti na daw yung masungit kaysa manhid at bulag sino ba tinutukoy nya dun?? siguro si Jesse yun impossible namang ako yun diba??..

"oy nick! anyare sayo tulala ka?" yung pinsan Kong si Brian

"oy insan  andito ka din pala?" tanung ko sa kanya

"ah oo pero di ako magtatagal hinatid ko lang kasi si Alexa nakipag meet kasi kami dun sa wedding coordinator namin alam mo naman 5 months na lang kasal na namin" sagot nya oo nga pala ikakasal na nga pala ang isang to in 5 months at ako pa best man ah??? di yung kuya ng bride well okay naman si kuya Shane dun kasi he's one of the grooms men naman..

"ah kaya pala maaga kang umalis kanina sa bahay yun pala inatupag mo " sabi ko

"oh? eh ikaw bakit tulala ka Jan? pagdating namin di mo pa namalayan na nakalapit na ako sayo okay ka lang??" sya

"actually Ewan ko kasi naman yang future sister in law mong si Irene sinungitan ako at ito pa take note sinabihan ba naman akong madaldal?!! sige nga insan sabihin mo nga sakin ngayon madaldal ba ako?? di naman di ba? saka natural lang naman na magsasalita ako kasi may bibig ako pag nawalan ako ng bibig at di na ako nagsalita malamang abnormal na ako non!" ako kasi until now di pa rin ako maka get over na sinabihan akong madaldal! tsk..

"hahahaha!!!! now I know kung bakit nainis si Irene sayo insan di ka nga madaldal sobrang daldal!! haha talo mo pa babaeng pumuputak eh??! hahaha" sabi nya tsk pagtawanan ba naman ako???

"hay di naman ako madaldal eh nagsasalita lang madaldal na agad? saka nag aalok na nga ako ng tulong sinungitan pa ako! hmp! di ko naman bawal na pala akong magsalita ngayon! tsk" sagot ko eh sa naiinis ako eh ...

" Hindi ka nga madaldal insan  maingay ka lang talo mo pa babae saka balita ko ikaw daw dahilan kung bakit nalaman ni annie na bumalik na ex ni Nicky? haha ngayon mo patunayan na di ka madaldal insan hahaha!!!!" si Brian tsk! sasapakin ko to eh...pagtawanan ba ako?

"eh Malay ko naman ba na di pala sinabi ni Nicky Kay annie ang tungkol dun eh...saka Malay ko ba na mag aaway sila..." sagot ko...

"gusto mo rin naman yata na mag away sila eh? magsabi ka nga ng totoo insan?" sabi pa nya

" sira syempre Hindi no! di naman ako oportunista eh saka nang aasar ka pa eh! isa pa talaga sasapakin na kita at sasabihin ko sa fiancé mo na nakita ko may humalik na babae sayo nung isang araw!" sabi ko tapos..

"oy kapre! totoo ba narinig ko?" si Alexa sabay pasok ulit sa bahay nila nako paktay lagot na naman ako nito!

" langya Nickolas! pag ako di kinausap nito mauupakan talaga kitang lalaki ka!" si Brian..

" ba bat upakan mo ako? upakan mo sarili ikaw nagpahalik Jan eh tapos ngayon nalaman ng jowa mo ako upakan mo! hayst!" sabi ko hay ako pa sisihin sa kasalanan nya...

"kalalaki mo kasing tao ang daldal mo para kang babae bahala ka nga Jan! tsk" inis na sabi nya tapos sinundan si Alexa..

"di naman ako madaldal nagsasalita lang eh! magtaka kayo pag di na ako nagsalita..tsk..nasabihan na nga na madaldal bulag na manhid pa hay di ko talaga malimutan yun ang weird ng babaeng yun ah? bahala nga sya tsk!!...oh sya Alis na ako bye,!

a/n:

ang daldal ni Nickolas!! kalalaking tao eh ✌✌✌ oh sya yan lang muna until my next update...

love,

princess areeyah

the prince of his heartWhere stories live. Discover now