nick's pov
hello there!! nick over here!! andito kami sa bahay nila annie ako at si nicky and guess what?? nasa hot seat kami! pano ba naman yung mga kapatid ni annie at yung kapatid ni nicky na si sophie pati na ang pinsan kong si brian saka yung kapatid nyang si rachelle iniinterrogate kaming tatlo about dun sa ginawa ni annie kahapon ito ang style namin oh..nakaupo kaming tatlo sa upuan tapos may ilaw pa sa gitna at pinapalibutan nila kami haha...
" oy annie! alam mo ba kung anong gulo ang pinasok mo ha?? alam mo ba na yung teacher mo humihingi ng bayad dahil sa ginawa mo nabalian ng buto! sa kamay at ngayon sina mommy at daddy ang magbabayad sa pagpapagamot nun! alam mo ba kanina sumugod dito yung kapatid ng teacher mo galit na galit!" sermon ni shane sa kapatid nya
" at ikaw naman pinsan talagang sinuportahan nyo pa kalokohan nitong si annie kaya hindi nagtitino eh sa susunod na may gawin pa kayong kalokohan sa school nyo ewan ko lang kung anong gagawin sa inyo ng mga magulang nyo talo nyo pa mga bata kung umasta eh!" ang pinsan kong si brian kung maka sermon sakin wagas akala mo santo
" at ikaw kuya wag ka na magtaka kung bakit ka napasama dito eh kasi nakita kita kahapon yung kaklase mo tinulak mo dun sa may football field tapos ngayon alam mo kung nasan sya?? andun sa ospital..nagpapagamot buti na lang hindi masyado yung tama ng ulo nya dun sa bakal..at pasalamat ka mabait pa ako sa lagay na to hindi ko pa sinasabi kina mommy pero wag ka mag alala sasabihin ko sa kanila mamaya pag uwi natin" si sophie yan kapatid ni nicky nagsesermon din baliktad na mundo ngayon panganay na sinisermonan ng bunso hahaha
" eh kuya nagsasabi lang naman ako ng totoo eh boring naman talaga sya mag turo eh saka kasalanan ko ba kung madapa sya?? kasalanan ko ba kung ipinanganak syang lampa?? saka kuya hindi mo ba alam kanina muntik na nya akong paluin nung stick na hawak nya" si annie
" aba'y dapat lang para magtino ka saka panong hindi ka naman sisitahin eh hindi ka nga nakikinig panay lang cellphone mo! nangangatwiran ka pa batukan kita eh!" si ate irene
" eh yung kaklase ko naman na yun di ko naman sinasadya yung pagtulak eh nagmamadali kaya ako eh nakaharang sya sa daan ko kaya ayun nabangga ko sya at naitulak medyo napalakas lang kaya ganun! pero hindi ko sinadya yun noh! akalain ko ba na magkaganun yun!" sagot ni nicky
"ke sinadya mo man o hindi at least tinulak mo parin sya
" eh ako naman wala naman akong ginagawa eh dinamay nyo pa ako dito!" ako
" asus! wala daw eh may dumating kayang sulat sa bahay kahapon alam mo kung anong laman?? note lang naman po na nagsasabi na pinapatawag ng principal ang parents mo! bakit?? eh kasi nung isang araw lang nagreklamo yung isang professor mo na babae na naghagis ka daw ng salamin sa sahig habang nagtuturo sya! oh anu yun di ba totoo??" si kuya brian ang pinsan kong matino daw kuno hahaha
" eh hindi naman akin yun eh! saka hindi ko naman hinagis yun nahulog lang eh sakto tumapat sya dun sa salamin kaya hindi ko kasalanan yun na nasilipan sya! tsk!" inis kong sabi
" at ikaw naman annie! ikaw ikaw ang may pinakamaraming kasalanan dito kaya from now on akin na mga cellphone mo and no internet or any activities na walang kinalaman sa school kang gagawin for two weeks! at kayo din tatlo akin na mga gadgets nyo!" si kuya shane to his sisters
" say what???kuya??? bakit pati kami?? eh si kambal lang naman ang gumawa ng kalokohan dito eh bakit pati kami damay??!" si hanny
" baka nakakalimutan nyo ang rule ni daddy sa bahay na to ang kasalanan ng isa kasalanan ng lahat kaya akin na yang mga gadgets nyo ngayon na bilis!" utos ni kuya shane sa mga kapatid nya
YOU ARE READING
the prince of his heart
Roman pour Adolescentsstory of friendship that will be tested by love