shane's girlfriend..

21 3 0
                                    

sophie's POV

hello good morning! hehe kagigising ko lang eh pano naman kasi si kuya ang aga aga nambubulabog na hehe malelate daw kami sus ang aga aga pa haha if i know meron lang isang tao sa school na super excited nyang makita kung sino malamang alam nyo na yun haha...

" sophie! ano ba tanghali na gumising ka na nga jan malelate na tayo tumayo ka na nga jan!!! kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig na may yelo" si kuya na nasa labas ng kwarto ko panay ang katok sa pinto haha..

" oo na po kuya sandali lang maliligo lang ako..saglit" sagot ko kay kuya nicky saka ako tumayo sa kama ko at kinuha yung towel ko maliligo ako eh..

" aba eh bilisan mo naman mahuhuli na tayo sa klase nyan eh anong oras na oh? bilisan mo maligo ha kundi iiwanan talaga kita makita mo!" si kuya nicky haha aga aga bumubuga ng apoy nyahaha

" hay nako kuya wag mo nga akong paandaran nyang mga ganyan mo kasi sigurado ako may isang tao lang sa school na gustong gusto mo na makita tsk!" sagot ko saka pumasok na ako sa banyo para maligo mahirap na eh hahaba pa ng hahaba ang usapan namin baka makarating pa kami kung saang lupalop ng mundo haha..

10 mins after kong maligo bumaba ako agad sa dining area namin kung saan naghihintay sa akin yung kuya kong masungit haha..pagdating ko dun nakita ko sya yung muka di na maipinta haha..

" oy kuya tara na magbaon na lang ako ng sandwich muka ka nang byernes santo jan eh..grabe ka kuya ah 2 days mo lang hindi nakita na miss mo na agad?? hayst! bakit kasi hindi mo pa aminin sa kanya? sige ka maunahan ka pa nung isa bahala ka haha" may halong pang aasar na sabi ko kay kuya nicky tapos tiningnan nya lang ako ng masama haha..

" sige mang asar ka pa iiwanan talaga kita dito bahala ka maglakad ka papuntang school tsk!" inis na sagot ni kuya sa akin tapos biglang sumingit si yaya nena yung kasambahay namin..

" hay kayo talagang magkapatid ang aga aga nag aasaran na naman kayo mamaya nyan magkasakitan pa kayo mauwi pa yan sa away ang mabuti ito oh baunin nyo na lang itong sandwich para hindi na kayo mahuli sa mga klase nyo.." si yaya nena sabay abot sa amin ni kuya ng tig isang sandwich na ginawa nya para sa amin..

" thank you po yaya nena sige po alis na po kami..oy ikaw babae tara na bago pa kita mabatukan.." si kuya sa akin kaya sumunod na ako sa kanya palabas ng bahay at umalis na kami papunta sa school..

after 35 minutes nakarating din kami sa school at pagkababa ko ng sasakyan nakita ko agad si daniel na palapit sa akin at may dalang isang bungkos ng bulaklak

" hi sophie good morning ito nga pala flowers for you fresh pa yan galing sa garden ni mama at inarrange ko para sayo hehe pasensya ka na kung medyo hindi maganda ang pagkakagawa ko ha..yan lang kasi nakayanan ko eh.. sorry" sabi nya sa kin in fairness sa isang to ma effort hehehe..

" anong hindi maganda ang pinagsasabi mo jan?? tingnan mo nga oh ang ganda at ang linis g pagkagawa mo hindi nga ako makapaniwala na ikaw ang may gawa nito akala ko binili mo lang sa flowershop" nakangiting tugon ko sa kanya...

" eh pasensya na yan lang talaga kasi nakayanan ng utak ko eh..saka ayoko naman bumili sa flowershop kasi gusto ko yung ibigay ko sayo eh pinaghirapan ko mismo kasi gusto ko mapasaya kita kahit na sa simpleng bagay lang ba..para naman makita mo kung gaano kita kamahal.." sagot nya wait! i need an answer! juskolord anong isasagot ko dito? guys help me! haha..

" pero wag kang mag alala hindi naman kita minamadali eh alam ko naman kung ano yung mga priorities mo sa ngayon kaya okay lang sa akin kung hindi mo pa ako masasagot" dagdag pa nya hay salamat buti naman kung ganun malapit na ako mahimatay dito eh..

the prince of his heartWhere stories live. Discover now