Krishei's pov
Tinitigan ko naman ulit ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya dahil parang hindi ako yung nasa salamin ngayon. Nakaputing bestida ako na hanggang tuhod flats na puti at may puti pa kong hat.
"Krishieee! 8 na tara na!
Dali dali naman akong sumunod sa kanila ng may ngiti sa labi.
Kai's pov
"Nandyan na sila"
Nilingon ko naman sila at sa di malamang dahilan hinanap agad siya ng mga mata ko.
Sehun's pov
To be honest, lahat sila maganda. Pero isang babae lang talaga ang pumukaw ng atensyon ko.
Luhan's pov
Wala talagang kupas.
Napangiti naman ako, ng tabihan niya ko.
Chen's pov
Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang ngumanga ba muna o humanga sa kanya ng paulit ulit?
Kris pov
How I wish akin na lang siya..
Suho's pov
Ilang sight pa ba ang dapat kong maranasan bago ka makontento?
Xiumin's pov
Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa! Ang epic lang ng mga reaksyon nila eh. Hay pagibig talagaaaa.. Buti pa ko katabi ko si crush hihi
Lay's pov
Konting konti na lang.
Baekhyun's pov
Ang sarap tuktukan ng dalawang magsyota na katapat ko. Argggg ano pa bang dapat gawin ko sayo chanyeolita?
Taeyeon's pov
Ginawagawa ko to, because I want the best for my best friend.
Ayaw mo nun? Mapapasayo siya ulit. Kung tutulungan mo ko.
Tutulungan ko ba siya? O hahayaan ko siyang masaktan? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ko
Basta ang alam ko, para sa kanya tong gagawin ko.
Krishei's pov
Nakapulang two piece ako at sobrang nakakahiya dahil lahat sila nakatingin sakin! at pakiramdam ko.. mahuhuburan ako sa suot ko. Hndi ko naman talaga susuotin to kung hindi dahil kay taeyeon eh, bigla na lang niya kong hinatak pagkatapos namin magbreakfast at pinasuot sakin to. Ano kayang trip niya? kasi kanina pa siya nakangisi.
"Wow ang sexy mo pala krishei! pwede ka ng pang girls generation!" Napayuko naman ako sa sinabi ni xiumin. Diyos ko lalo tuloy akong nahiya.
"Uhm guys! Naubusan tayo ng groceries yohoo?" Bigla namang dumating si baekhyun. At napangisi sakin. Bigla naman akong napaisip sa sinabi niyang naubusan ng groceries? eh nasa hotel naman kami at kasama na don yung food namin.
"An- Bigla namang naputol yung sasabihin ni kai, ng biglang may humawak sa kamay ko. Nanlaki naman ang mga mata ko ng tingnan siya.
Anong ginagawa mo chanyeol?
"Kami na ang bibili ng mga groceries na yan"
Play the song in the multimedia
Bigla naman siyang nagmartsa paalis at ganon din ako.
Naririnig ko naman yung mga pagtawag nila pero sadyang nabibingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong marinig kundi eto lang ano ba tong nangyayari sakin? at ano ba tong ginagawa ng rat ears na to?
Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay niya at pinatigil siya.
"NABABALIW KA NA BA?!" Sigaw ko sa kanya. Ano na lang iisipin nila? at ano lang iisipin ni dara sa ginagawa niya?
Habang hinihintay ko yung sagot niya ng maghubad siya.
TEKA BALIW NA BA TALAGA SIYA!!!!?
"HOY ANO BANG GINAGAWA MO!!!!" Sigaw ko ulit sa kanya, Ng biglang niyang isinuot sa katawan ko yung tshirt na hinubad niya.
"Anong.."
"Ayokong binabalandra yang katawan mo kaya pwede manahimik ka na lang?" Tila naman nabingi ako sa sinabi niya. Hayyy! Bukas talaga literal na bingi na ko!
"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang binabaybay namin yung medyo madilim at lubak lubak na daan na kanina pa namin tinatahak.
"Maggrocerie" Tipid na sagot niya. Napanguso naman ako at napasandal na lang. Pagkatapos ng eksena namin kanina wala na siyang imik na kahit ano, at kanina pa kaming bumabyahe. At tingin ko uulan na, dahil sobrang dilim ng langit.
"Stop pouting, hindi bagay"
Tiningnan ko naman siya ng masama at kumuha ng unan sa back seat.
"What are you going to do woman?"
Napangisi naman ako, at binato to sa kanya hindi pa ko nakontento at ibinato ulit to sa kanya. Umiiwas naman siya, pero palagi naman siyang natatamaan. HAHAHAH ang weird ng mukha niya. Parang siyang natatae na napipikon hahaha!
"Stop it krishei! pag tayo nabangga!" Tumawa naman ako ng malakas at bineletan siya. Sa wakas napagaan ko rin yung atmosphere saming dalawa ang awkward na kasi eh. At hindi ko rin alam kung bakit ganito ako ngayon! BAKIT ANG HAROT HAROT KO LANG.
"Stop making cute faces, You're not cute" Kahit kailan talaga never akong pinuri ng isang to! Nakakainis.. kaya naman napasimangot naman ulit ako.
Katahimikan naman ang namayani samin. Kaya naman napapikit na lang ako, sa sobrang antok.
"Krishei were here" Naramdaman ko naman yung mainit niyang kamay sa pisngi ko. Ganito pala yung pakiramdam..
Unti unti ko namang idinilat ang mga mata ko at sinalubong ang mga matang gustong gusto kong tumingin lang sakin.
Ang lapit lapit ng mukha niya.. ramdam ko rin yung mga malalalim niyang hininga..
At wala rin akong ibang marinig kundi ang malakas ng pagtambol ng puso ko..
Naalala ko naman bigla yung mga panahon na sobrang nabubwisit ako sa mukha niya.. yung mga panahon na hindi pwedeng may hindi siyang gagawin na magpapatambol ng puso ko..
Bigla naman siyang pumikit at inilapit pa ang mukha niya..
Hinalikan niya ko..
sa noo.
"Sana palagi na lang ganito. . "
TO BE CONTINUE
BINABASA MO ANG
I'm their yaya (EXOFANFIC)
FanfictionMula sa paghahatid ng prutas at gulay, hanggang sa pagiging YAYA'?! -Isay/Krishei