Almost

711 3 1
                                    

Almost

Warning: SPG

Please don""t judge but i just want to share this. Hindi ko na kasi kaya na hindi mailabas to.

I have a boyfriend. And we almost did ""it"". Almost.

Habang sinisimulan naming gawin. Naririnig ko na sa isip ko ang mga pangaral ng nanay ko.
""Ingatan mo sarili mo.""
""Wag mo basta basta ibibigay.""
""Wag kang gagaya samin ng tatay mo.""
""Alagaan mo sarili mo, ingatan mo. Ikaw ang gagawa ng future mo.""
""May tamang panahon para jan.""
""Wag kang magpapahawak kahit saan, dahil dun na ang simula nun.""

Nangingilid na ang mga luha sa mata ko. ""Sorry mama. Lahat ng mga pangaral niyo ay hindi ko nasunod. Muntik na ma. Buti na lang mas nangibabaw ang mga pangaral niyo at ang takot ko sa pwedeng mangyari.

Walang maganda sa nangyari. Pinagsisihan ko. Pinagsisihan ko na nagpahawak ako, nagpahalik ako. Nagsisisi ako na muntik na naming magawa yung bagay na yun. Masyado pa kong bata. Hindi pa ito ang tamang panahon. Nakakatakot. Hindi ko maiwasang isipin. Pano kung nangyari? Pano kung natuloy? Pano kung nabuntis ako? Pano na ko? Pano na ang future ko? Pano na yung pangarap ko? Pangarap ng magulang ko para sakin? Pano na? But I thanked God. Buti na lang hindi natuloy.

I learned. And i realized na mali ang mga sinasabi nila about having sex with your boyfriend/ girlfriend. Mali sila. Mali sila sa mga sinasabi nilang
""Nadala lang kami ng sitwasyon.""
""Mahal ko eh, kaya ako pumayag.""
""Gusto lang naming gawin."" ""Matagal naman na kami, baka pwede na naming gawin yun.""
""Hindi na namin alam kung anong ginagawa namin.""
Hindi rin totoong kapag andun ka na, hindi mo na maiisip ang mga pwedeng mangyari, dahil mas nangingibabaw yung pleasure na nararamdaman mo.

No, they are all wrong. Dahil ang totoo. Kaya mong pigilan. At kahit mahal mo, kaya mong wag ibigay sa kanya ang virginity mo. Oo may pleasure, andun na, asa point ka na na gusto mo ng ituloy. Konti na lang bibigay ka na talaga. Pero na realize ko. Mas makapangyarihan ang pangaral ng magulang ko kaysa sa pleasure na nararamdaman ko. Akala ko nun kapag ginagawa niyo na, hindi mo na maiisip ang mga pwedeng mangyari. Dahil yung ang nababasa at naririnig ko. Pero mali, dahil kung talagang may takot ka, may respeto ka sa sarili mo at alam mo ang mali sa tama, hindi ka bibigay.

Pinigil ko yung nangyayari. Umayos ako ng upo at tinitigan ko siya. Naiiyak na ko ng mga oras na yun. Tingin ko pa lang sa kanya, alam kong naintindihan na niya. Niyakap ko siya at binulong ko sa kanyang ""Mali na tong ginagawa natin."" Niyakap niya ko pabalik. At para kaming tangang dalawa, pareho kaming umiiyak. Nagsosorry siya sakin. Alam ko, alam niya ring mali talaga.

Buti na lang, hindi tulad ng ibang lalaki ang boyfriend ko. Na ipipilit ang gusto. Maswerte ako. Dahil naintindihan niya at alam kong hindi na namin uulitin yun. Dahil pareho kaming may pangarap. Pareho naming iniiwasang may mangyari na hindi pa dapat. I know, he's willing to wait for the right time to do ""it"".

I learned and realized a lot. Kaya to all gals and guys out there. Hindi totoong hindi niyo kayang pigilan. Dahil may choice kayo at may power kayong pigilin ang hindi pa dapat mangyari. And sex is for married couple only.

To all girls out there, if the guy keep on insisting to do ""it"", leave him, you don't deserve someone like him and he's not the right one for you. Dahil ang tunay na lalaki, hindi ka pipilitin sa ayaw mo, irerespeto ka, mamahalin ka, maghihintay sa tamang panahon, at alam kung ano ang mali sa tama.

PS: Thank you for posting this. Sana po may natutunan kayo smile emoticon

PSS: Mas matakot ka sa nanay mo kaysa sa boyfriend mo na tatakutin kang iiwan ka kapag hindi ka pumayag sa gusto niyang mangyari.

PSSS: Higit sa lahat, matakot kayo kay God smile emoticon Hindi niyo alam kung anong pwedeng maging parusa niya.

Sacred
2019
BA

------------------------------------------------------
My reaction: 😊
I won't judge kung sakaling nagawa niyo na yun. Gusto ko lang sabihin na nakakaproud 'tong couple na 'to kasi... yes nalabanan nila ang tukso! Focus na lang kayo sa studies and work para pagdating ng tamang panahon ok na kayong magsettle down.

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon