Ex ni Ma'am si Dad
First day namin. Pag pasok na pag pasok ni prof.
Verbatim:
Prof: Hala? *nakatingin sakin*
Me: Bakit po ma'am?
Prof: Kamukhang-kamukha mo yung ex-boyfriend ko noong college.Blockmates: Lagot ka!!! *laughs*
Prof: Anong pangalan ng father mo?
Me: Joey po.
Prof: Joey Andrada? From UPLB?
Me: Yes po.
Prof: -___- *sama ng tingin pero naka-smile* Humanda ka sakin.Me: Hala ma'am. Bakit po? Hahaha.
Prof: Joke lang. Aral kang mabuti. *smirks*Yup! Ex ng father ko 'yung prof ko. Tinanong ko si dad pag-uwing pag-uwi ko. Hahahaha! Ang story nila, niloko pala ni dad si ma'am nung college sila, at ang ka-third party ni dad that time is yung mom ko. Si daddy na ang nagkwento sakin.
Then si prof sobrang bitter pa rin kay daddy kasi dahil sa sobrang broken-hearted, tumandang dalaga na raw siya. Ako tuloy ang pinag-iinitan sa klase. Not in a bad way na pinag-iinitan ha, madalas lang akong asarin ni Prof. at palaging ako ang tinatawag sa recitation lalo na kapag alam niyang hindi ko alam ang isasagot. Hahahaha. Ang cool niya. Hi ma'am! Miss na namin kayo sa SY Block 1 :)))
Sagara Sanosuke
2014
IAS
FEU Manila
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST