Thank you, sorry, iloveyou, and babushka

370 1 0
                                        


Thank you, sorry, iloveyou, and babushka

Hi sa ex kong malaki ang ilong pero sobrang ganda at napakasexy HAHA. Sinabi ko lang yang malaking ilong para malaman mong para sayo to wag ka magdrama dyan maganda ka urkay?

Thank you sa pagttyaga mo sakin ng mahigit three years. Sa pagttyaga sa ugali kong saksakan ng tamad lalo na aa pagpasok ng mga 7 am class ko. Thank you sa effort mo tuwing mga monthsaries and annivs natin kahit na ako walang kaeffort effort para sa mga ganon. Thank you sa pagpapaexperience sakin na magkaroon ng taong sobrang nagmamahal at sobrang may pakielam sa akin bukod sa nanay ko. One time sinumbong mo pa nga ako na di ako pumapasok kasi puro ako inom tyaka dota haha tapos pinagalitan ako tapos nainis pa ko sayo non. Pero alam ko naman ginawa mo lang yon kasi sobrang concern ka sakin. Thank you din sa lahat ng mga memories na masasaya and malulungkot. Madami pa kong gustong ipagpasalamat kaya lang di ko na kaya bh3 HAHAHA last na. Thank you for the loving me kahit na alam kong hindi kita deserve.

Ngayon may bago ka na. Alam kong sobrang mas mas mas gwapo ako dyan kasi kamuka yan ni pacquiao tapos mukang aso kahit walang filter sa snapchat pero alam ko din na mas masaya ka na ngayon sakanya, mas maalagaan ka nya at ayan na, mararamdmaan mo na yung mga kilig factor dates and surprises na inaasam asam mong hindi ko nagawa nung panahong nasakin ka pa. I know na wala na tayong chance na magkabalikan pa kaya last na bh3. Iloveyou and babushka

Ex na
2019
Faculty of Engg

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

my reaction: 😥

sa buhay hindi talaga minsan maiiwasan ang mga ganyang pangyayari. may mga tao talagang sadyang makikilala mo para magbigay sila ng leksyon pero hindi lahat ay magtatagal at mananatili sa buhay mo. kahit papaano naman ay masaya akech kasi tanggap mo na (kung sino man sender ka) na hindi kayo ang para sa isa't isa. Sana makahanap ka ng taong para sa 'yo at sana pahalagahan at mahalin mo na para kayo na hanggang dulo.

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon