Second Chance

384 3 0
                                        

Second Chance

"*WARNING: long story*

Hindi to love story sorry. Gusto ko lang ishare life ko.

My parents separated when I was 12. My dad found out that my mom is cheating on him with a guy whose 8 years younger than her. My dad loved my mom very much. They were childhood sweethearts and he believed that my mom was just confused so he asked my mom to choose. My mom chose the other guy. It broke my dad's heart and since then, he changed. He's not the same dad anymore. He spent most of his time working and bringing different girls at home. He became the man that never, in a million years, will I picture him to be. Akala ko mommy ko lang yung nawala. Pati pala daddy ko nawala din. So, nagpakatatag ako para sa sarili ko kasi sarili ko na lang ang karamay ko.

4 years after, it's my high school graduation. I graduated first honor. Everyone was proud of me. Lahat sila kinocongratulate ako. Masaya sana kaso my dad was not there. No one was there for me, actually. Ang nagsabit pa sakin ng medal eh yung adviser ko. I was the only one without a parent nor guardian present. And to think na awardee pa ako. Hindi lang basta awardee, first honor ako. FIRST HONOR. I was heartbroken. I cried during my speech. And everybody else in the auditorium cried because naawa sila sakin. I felt weak and helpless. Ayoko pa naman sa lahat yung kinakaawaan ako. Pero nung mga oras na yon, ang tanging gusto ko lang eh umiyak. When I got home, my dad gave me a brand new car and a 3-week trip to Europe. Graduation gift nya daw sakin. Wala man lang sya sa bahay nung dumating ako. Si yaya pa nagsabi na iniwan nya yun bago sya pumunta sa New York for a very important business meeting. Napagod na ako. Ayoko na ng ganitong buhay. I decided to leave my dad. He called when he landed and I told him that I want out. I want to live on my own, officially. Tutal ganun din naman buhay ko for the past 4 years. Pumayag sya. Di na ako nabigla pero deep inside, I was hoping na pipigilan nya ako. Pero hindi nangyari.

When I got back from Europe, di na ako umuwi sa bahay. I stayed in an apartment near UST. I promised myself that I will not contact my father or anyone anymore. I will try to live on my own. Yung hindi ako aasa sa kanya. I cut all contacts. Binenta ko yung regalo nyang kotse. I lived the normal life. I learned how to cook and wash my clothes. I also became a working student. Gusto kong patunayan sa daddy ko na kaya kong buhayin sarili ko. Yes, pinapadalhan nya ako ng pera for my allowance pero I never accepted them. Binibigay ko lahat kay yaya. Full scholar naman ako kaya wala akong problema sa tuition fee. Dumating din ang dark age. Bumaba yung grades ko kasi lagi akong nakakamiss ng class because of my work. Nawala scholarship ko. Believe me, sobrang hirap pagsabayin ang pag-aaral at pagttrabaho lalo na kung may minemaintain kang grades. Pero ganun talaga. You need to make sacrifices for you to live. Dumating ako sa point na nagstop ako ng one school year para makapag-ipon ng money.

3rd year college na ako nung nakita ko ulit si mommy. Help sya dun sa kinainan kong karinderya. Honestly, hindi ko sya nakilala. Ibang-iba na kasi yung itsura nya. Sobrang payat nya. She had dark circles under her eyes. Yung buhok nya sobrang gulo. Hindi mo talaga mapagkakamalayang sya yung mommy ko. She was the one who approached me. Agad-agad, humingi sya ng tawad. She told me na the other guy left her nung wala na syang pera. My mom didnt know any chores kasi she was born with a silver spoon in her mouth kaya nahirapan syang maghanap ng trabaho. Hindi din sya nakatapos ng college kasi she got pregnant with me when she was 18. Dad gave her the world. And so she chose not to go back to school after I was born. Tinakwil din kasi sya nila lola after she left dad. Nahiya na din syang bumalik kay dad. She said sorry to me again and I forgave her. Ewan ko ba, ganun talaga siguro when it comes sa mga nanay. You can forgive them easily kahit na ba sobrang laki ng kasalanan nila. I told her to live with me na lang para naman makapagcatch up kami sa isa't-isa. Sinama nya ako dun sa tinitirhan nya. Pagdating namin sa bahay nya, may sumalubong sa kanya na dalawang bata. Tinawag syang ""mommy"" at niyakap sya. Naiyak ako sa nakita ko. Nung una hindi ko matanggap. Sinabi nya na okay lang naman kung hindi ko na sya tanggapin. Masaya daw sya na nakita nya ako. Pero hindi daw nya pwedeng iwan yung dalawang bata. Wala naman akong magagawa kasi gusto kong makasama yung mommy ko kaya pumayag ako. I easily got attached with the two kids. They are the sweetest. Nagseselos na nga si mommy kasi mas close na ako nung dalawa kesa sa kanya.

On my last year in college, dumating yung araw na hindi ko aakaling dadating. My dad went to my apartment. Apparently, nalaman nya hindi ko tinatanggap lahat ng perang binibigay nya. It took him 5 years para mafigure out lahat. Nagulat si dad nung nakita nya na nakatira sakin si mommy. He got mad. He started to hit my mom infront of my 8 and 5 year old siblings. I felt all my blood came up on my head. Tinulak ko sya palayo sa mommy ko and everything just bursted. Lahat ng sakit na tinago ko for the past 8 years sinabi ko lahat sa kanya. Lahat ng kinikimkim kong sama ng loob nalabas ko. Nabigla sya sa lahat ng sinabi ko. Na para bang hindi nya alam na ganun yung nararamdaman ko. He kept on saying sorry to me. I told him to leave the house and that I am not ready to talk to him. He was crying when he left the house.

After two days, tumawag si yaya sakin. Hinahanap si dad. Hindi pa daw umuwi simula nung umalis papunta sakin. Bigla akong kinabahan. It was also my thesis defense. Hindi ko alam kung sino/ano uunahin ko. I called my mom and told her what yaya told me. Sya na daw bahala and magfocus na lang daw muna ako sa defense ko. As much as I wanted to, hindi ko alam kung pano. Ewan ko kung anong nangyari pero nakasurvive ako sa defense. Nakakuha pa nga ako ng mataas na grades. After ibigay sakin ng panel yung grades ko, tumawag agad ako kay mommy. Nakailang dial ako when she answered my call. She was crying. Nahanap na daw nila si dad. He was rushed in the hospital and he is in a coma. They found him in his condo with a lot of alcohol and different pills in the floor. I immediately went to the hospital. Ang daming tumatakbo sa isip. What if I'm too late? What if mawala sya? Alam kong masakit yung nangyari samin pero di ko kaya kung mawawala si daddy. When I got inside the room, he's already awake. My mom was talking to him and they were crying. It was the moment that every child whose a product of a broken marriage wishes for. Wala na akong paki lumapit na ako sa kanila and nagsorry. They hugged me and kissed me and on that moment, every pain and years of loneliness vanished.

So now, Im already an architect. Im managing our firm. I already have two kids with a very handsome and mabait na engineer na husband in the world. Hi babe, I love you. Thanks for everything. My half siblings are growing up too fast. And my mom and dad? Well, they just celebrated their 30th year of marriage in Paris.

There will come a time na makakalimutan mo na lang lahat ng sakit sa mundo. Tama nga yung saying na ""Time heals all wound"". Kaya sa lahat ng anak na product ng broken family, don't waste your time hating on your parents. I know its hard. Pero darating yung time na mapapatawad mo din sila. Dont be afraid to say what your feeling. I promise you, they will listen to you. And kung dumating yung araw na yun, wag mo ng sayangin yung pagkakataon na patawarin sila. Kasi you'll never know baka yun na yung last time na makikita mo sila and wala na kayong chance para magkapatawaran. Swerte ko kasi binigyan Nya kami ng second chance to be a family again. And nangako kami sa isa't isa na nothing will ever separate us again. "

Alex
20**
Archi

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

my reaction: 😄

parang pang wattpad ang story na 'to XD pero sige hahayaan ko na si sender. Nagkakamali tayo at parte na yun sa buhay natin. Syempre may consequences ang bawat ginagawa natin kaya kailangan yun tanggapin. Pag-isipan munang mabuti bago gumawa ng mga choices na alam nating makapagbabago ng buhay natin. Isipin din kung worth it ba sa dulo yun. Bawat isa sa atin may kwento. may kanya-kanyang pinagdadaanan sa buhay. Huwag natin kailumtan na manalig sa nasa taas na tulungan tayo na harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon