^^

284 5 0
                                    


^^

Narinig kami ng papa ko habang nag-iinuman kami ng mga barkada ko sa tapat ng bahay namin. Pinagtatawanan namin yung pagiging gullible ng mga babaeng niloko at ginamit ko, idinetalye ko pa yung kwento kung paano ko kinuha yung gusto ko sa kanila at kung paano ko sila ibinasura.

Three days after that day, saturday yun wala akong pasok. Ginising nalang ako ni papa at pagmulat ko, nasa kwarto ko lahat ng mga babaeng niloko ko. Tatlo sila. Pinatayo ako ni papa at sinermonan sa harapan nila.

"Hindi kita pinalaking g@go! Hindi kita pinalaking bastos at walang respeto sa babae! Hindi yan mga parausan na pagkatapos mong gamitin, itatapon mo nalang blah blah blah. Nakakahiya ka! Humingi ka ng tawad sa kanila o guguntingin ko yang t*t* mo sa harapan ng mga babaeng niloko mo!"

Sobrang pahiya ako pero aral na sakin yun. NAG SORRY AKO SA KANILANG TATLO. Nag-iiyakan sila. Tapos si papa, "Ayan, masaya ka ba na nakakapag paiyak ka ng babae? Dyan ka ba masaya?" Kaya since that day, hindi na ako nanloko ulit ng babae.

PS: Salamat papa sa pakikisawsaw sa private life ko, lol. Kundi dahil sayo, hindi ako magiging mabuting tao. Labyu.

PPS: Sa mga nakakakilala saken, wag niyo nakong i-tag.

sssshhh
2012
ITHM
FEU Manila

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon