"Baby virgin pa ako!"

556 6 1
                                    

"Baby virgin pa ako!"

"3 years na akong single kaya kahit papaano nakakamiss din namang magkaroon ng boyfriend. Kayo nga yung makakita ng naglalambingan sa harap nito araw-araw yung tipo bang pinamumukha pa talaga sayo na 'Hoy Single ka! Mainggit ka! '

Last sem meron akong naging blockmate na gwapo, maputi, chinito, hanep yung smile nakakalaglag panty. E siguro nakadestiny na magkakilala at magkausap kami naging seatmate ko siya. And everytime nalang nanghihiram siya ng notes e feeling ko naman lagi syang nakikinig mabuti at nagtetake down ng notes. Kinikilig ako dahil tuwing isosoli niya yung notebook ko na hiniram niya may nakaipit na chocolate. Ayaw ko talagang mag-assume pero kasi naman eh!! Hanggang nagpalitan kami ng number dahil naging magpartner kami sa isang activity. Araw-araw kaming magkatext kahit na halos araw-araw naman kami nagkikita. Sobra yung care niya na ipinapakita. Sabi ko sa sarili ko baka eto na ulit yung time para mainlove ulit ako para magkaroon ulit ng boyfriend. Dumaan pa ang ilang linggo mas naging mas close kami. Tinanong niya ako kung may-boyfriend ko sabi ko naman wala. Medyo may nararamdaman na akong eto na to malapit na. Tuwing may assignment saka quiz sakin siya nagpapaturo. Edi ako naman si malantod turo lang ng turo at pacute lang ng pacute. Isang araw hindi siya pumasok kaya naisipan ko siyang itext:

Ako: *toot* bat di ka pumasok?
Siya: Masama pakiramdam ko e.
A: Di mo agad sinabi dapat dinalaw kita.
S: Sus wag na. Ayan ka nanaman e, wag ka nga masyadong mabait
A: Bakit naman? Gusto mo ba samaan ko ugali ko?
S: Di naman ganon yung ibig kong sabihin, ayoko lang na mas lalo pang mahulog sayo.Naikwento mo sakin yung mga pinagdaanan mo sa mga naging relationship mo ayoko lang na baka masaktan lang din kita.
A: Pahinga ka na. See you bukas.
S: Di ko dapat sayo sinasabi to ng sa text lang pero ewan ko ba. Liligawan kita. See you tomorrow :*

Bigla akong natakot, alam ko naman na gusto ko rin siya pero natatakot talaga ako. Nanghingi ako ng advice sa bestfriend ko at ang sabi niya 'Take the risk, walang mangyayari kung matatakot ka lang palagi'. 8 months niya akong nilagawan at sinagot ko na rin naman siya. At simula nun naging mas masaya aki at nagka-inspirasyon lang lalo sa pag-aaral. 3 months na kami nung biglang may nagtext sakanya e saktong nagpalit kami ng cellphone dahil nagseselos siya sa isa kong friend para daw di ko na tinetext. Nagulat ako nung biglang may nagtext na 'Buntis ako mahal 4 months na. Ikaw ang una at wala ng iba pang sumunod' hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman parang mas nadurog ang puso ko. Kinabukasan isinoli ko yung phone niya ng hindi binubura yung text sabi niya 'O bat sinosoli mo na yan? Di ba sabi ko yan muna gamitin mo?' Di ko siya pinansin, wala akong lakas ng loob para itanong sakanya kung ano yun. Hindi ko siya pinapansin hanggang maglunch. Kumakain kami nun talagang nagpapakita na ako na may mali pero parang hindi niya talaga alam kung ano yung nangyayari. Nung ihahatid na niya ako sumakay kami sa jeep at binigay niya ulit sakin yung phone niya pero di ko talaga tinanggap at buong araw ko na rin siyang hindi kinakausap. 'Ano bang problema?' Seryoso nyang tanong sakin. Ibinaling ko yung tingin ko sa iba dahil di ko siya kayang tingnan. 'Magsalita ka para alam ko hindi yung ganyan' medyo tumitingin na yung mga tao sa jeep 'wala' malamig kong sabi sakanya. 'pwede ba sabihin mo na? Di ko kaya na ganyan ka bi' parang tutulo na yung luha ko pero pinilit kong huwag. Binuksan ko yung cellphone niya at pinakita yung text. Pati siya ay nagulat din 'Di ko to kilala' as usual yan naman lagi ang sasabihin ng mga lalaking buking na nagdedeny 'Bi di ko to kilala!!!"" 'Promise bi di talaga!' Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang sakin kaya pinara ko yung jeep! Pababa na ko nung hinila niya yung kamay ko 'Ano ba? Wag kang mang-abala ng naghahanap buhay bitawan mo yung kamay ko!' 'Bi maniwala ka sakin di ko talaga siya kilala' 'Bitaw na.' Pilit kong hinihila yung kamay ko para tuluyan ng makababa pero ayaw talaga niya 'Bi naman! Pag-usapan natin to!' Halos lahat na ng tao sa jeep naiinis na pati yung driver 'Saka nalang tayo mag-usap wag dito' malamig kong sabi saka ko hinila yung kamay ko buti nalang binitawan na niya pero bigla din niya hinila pabalik 'Bi virgin pa ko!!!!!' Namula ako sa sinabi niya pati yung mga tao sa jeep natawa. 'Bi virgin pa talaga ko di ako mahihiya na sabihin to kung mawawala ka naman sakin. Baby maniwala ka mahal kita at alam ko na duty kong alagaan ka at wag kang saktan simula nung sinagot mo ako' Tumulo na yung luha ako at nahihiya pa rin ako 'Miss virgin pa naman pala yang boyfriend mo patawarin mo na' sabay nagtawanan yung mga nasa jeep. Grabe na yung eksena na ginagawa namin kaya pinababa ko nalang din siya. Niyakap niya ako ng mahigpit 'Baby di ko alam kung sino yun pero di ko magagawa sayo yun promise virgin pa talaga ako!' Tapos saktong nagvibrate yung phone niya na 'Hahahahaha. Kinabahan ka no. Joke lang. *toot* to pare.' Nagulat kami pareho tapos natawa nalang ako brinoadcast niya sa loob ng jeep na virgin pa siya tapos isang prank text lang pala. 'Makakatikim to sakin bukas!!' Galit niyang sabi pero niyakap ko nalang siya at hinalikan sa pisngi 'I love you baby' 'Mas mahal kita bi'.

Hi baby!!! 1st Anniversary na natin next month. I love you so much! Thank you sa pag-aalaga sakin at pagtitiis dahil makulit ako. Mahl na mahal kita. Sorry dahil pinost ko to dito. Gusto ko lang ishare sakanila ang love story natin. Hahahaha. Love u xx"

Baby Love
2012
College of Science
-----------------------------------------------------------
My reaction: ❤❤❤
Pusuan na yan! nakakatuwa na may lalaki pa palang ganito... yung hindi mahihiyanf ipagsigawan na virgin pa siya para lang patunayan sa gf niya na hindi talaga totoo yung text. Sa totoo lang turn on yung lalaking virgin. Hindi ko sinasabi na turn off pag hindi na. What I mean is that nakapagtiis sila na wag munang gawin yun. At feeling ko mahirap gawin yun since may needs nga sila. Siguro may iba silang priority and that's fine lalo na kung para sa future nila yun. Ang akin lang hindi nakakapagpababa sa mga lalaki pag virgin pa sila.

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon