For me you're the prettiest
"Maraming nagsasabi na gwapo daw ako, malakas appeal, naging volleyball player pa. Medyo sikat din ako sa social media. Inaamin ko gustong gusto ko na may nagkakagusto sakin at gustong gusto ko na palaging may nakakapansin sakin. Pero sa lahat ng mga babaeng nagkakagusto sakin, iisang babae lang yung napansin ko. Naalala ko pa noon paulit ulit niyang sinisend yung friend request niya sakin. Di ko inaaccept kasi onti lang yung mutual friends. Nakulitan ako kaya inaccept ko na. Grabe mga after 5 mins nag chat siya, nagpasalamat siya sa pag accept ko sa friend request niya. Tapos yun, di ko rin alam pano nangyari na lagi na kaming magkausap, siguro dahil ang sarap niya kausap tas di ka pa nauubusan ng topics.
Kumakain ako sa KFC sa dapitan noon nakita ko siya pumasok din sa KFC, di ko alam kung di lang niya talaga ako nakita or iniwasan niya ako kasi nahiya siya. Kaya ang ginawa ko ako yung lumapit sakanya, nag hi ako, nag hi din siya. Natitigan ko siya, normal lang siya, may eye bags, may pimples, may blackheads, may mga flaws. Pero kahit na ganun gusto ko pa rin siya makilala at maging kaibigan.
Simula nun lagi na kami nagkakasabay kumain pag lunch. Napaka bait niya, matalino pa. Naging magkaibigan kami, magkasundo kami sa bawat trip, hanggang sa ligawan ko siya at di naman ako nahirapan kasi alam kong matagal na siyang may gusto sakin at ang gwapo ko, kaya sinagot din niya ako kagad.Dahil nga medyo sikat ako sa social media at maraming nagkakagusto sakin, maraming nagalit sakanya. Ang daming nag bash sakanya. Ang daming nagtatanong at nagsasabi na kung bakit siya pa daw pinili ko eh ang dami daming babaeng magaganda at sexy na nagkakagusto sakin at pumatol pa daw ako sa panget. Pinagtatanggol ko siya lagi, sinasabi ko sakanya na wag siyang mag papaapekto dahil inggit lang yung mga yon. Pero kada lumalabas kami, sa mga dates namin, sa mga pictures na inuupload namin na magkasama kami parang lahat doon kukutyain siya.
Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal din niya ako pero nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Sabi ko sakanya wag nang pansinin, ang mas mahalaga ok kami at nagmamahalan kami.
Pero isang gabi naalala ko pa thursday yon, tumawag siya umiiyak sakin sabi niya sakin na di na daw niya kaya tiisin, sabi niya na di naman siya naging girlfriend ko para lang laitin, sinabi niyang mahal niya ako pero kung tatagal pa daw kami lalala at lalo lang siyang masasaktan. Sabi pa niya na mahal niya ko kaya humanap daw ako ng babaeng maganda na babagay sakin. Di ako pumayag, sabi ko pagsasabihan ko yung mga tao, sasabihin ko sa mga tao na tigilan na kasi may nasasaktan na sila at may nasisira na siya. Pero sabi niya sakin, di ko na daw kailangan gawin kasi alam daw niya na titigil lang sila pag wala na siya.Di ko na siya napigilan, iniwasan niya ako. Kahit magkalayo building namin hinihitay ko siya pero wala talaga, ayaw niya ako makita.
Nag hiwalay kami di pa rin tumiggil yung mga pagbabash sakanya, parang mas lalo pang lumala. Di ko na alam gagawin ko.Please sa mga taong walang magandang sinasabi pwede po tigil na po? Bakit po kailangan pang mang bash? Ang pagmamahal ba dapat sa mga magaganda lang? Wala po kayong karapatan na magsabi ng kung ano ano dahil mga magulang ko nga tanggap siya.
To my love, for me you're the prettiest, no matter what they say. You are not a mistake. You are not a problem to be solved. But you won't discover this until you are willing to stop banging your head against the wall of shaming and caging and fearing yourself. You're beautiful. Just keep moving forward and don't give a shit about what anybody thinks. I love you and I'll always love you. Please comeback to me.
Physical Appearance Should Not Be The Most Attractive Thing About You.
Mr. Pogi
2013
AMV/CTHM
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST