The Stalker Father.

258 3 0
                                    


The Stalker Father.

Me: Tito, susunduin ko lang po si Aya.

"Baket? Saan kayo pupunta?"

Me: Kakain lang po kami sa labas.

*pinayagan si Aya, sumama sakin*

Pero nasa grab car palang kami ni Aya, aware na akong nakasunod yung sasakyan ng papa niya. Nakikita ko sa side mirror. Then kumakain na kami sa resto, yung papa niya three tables away lang sa table namin.. nagmamasid. Naka-ngiting SARCASTIC pa nung napalingon ako sa kaniya. Yung parang ngiting clown na mukhang mangangain ng tao.

Then one time, nag-ayang mag-shopping si Aya, yung papa niya nakasunod pa rin samin. Kunwari nag te-text, o kaya nag titingin ng mga damit sa kabilang shop. Pinandidilatan ako ng mata kapag napapatingin ako sa kaniya.

Nung nag sine kami, yung papa niya nasa likod lang namin nakaupo. Kapag inaakbayan ko si Aya, kinukurot ako sa braso.

Hindi ko alam kung may GPS ba yung cellphone ng girlfriend ko na connected sa cellphone ng papa niya kasi minsan kahit hindi naman alam ng papa niya kung saan kami nagpupunta, nade-detect at bigla pa ring sumusulpot. Hindi naman din aware si Aya na palaging sumusunod na parang stalker yung papa niya samin.

Hindi ko nalang din sinasabi kay Aya dahil ayokong mag-away na naman sila. Ayaw kasi ng girlfriend ko na sinasakal siya ng papa niya, ako rin naman ang lagot sa papa niya kapag nag sumbong ako. Kaya ayun, okay lang sakin na kahit saan kami pumunta, nakasunod siya.

Iniisip ko nalang na in the future kapag nagkaanak din ako ng babae, baka ganito rin ang gawin ko maprotektahan ko lang ang anak ko sa kung sinong pontso-pilatong lalaki na balak siyang kunin saken. Though, wala naman ding dapat ika-duda yung papa niya sakin kasi wala naman akong intensyong masama sa anak niya kaya wala ring problema kung sumunod siya. Hahahaha!

Kudos, Tito aka Detective Conan! Jk. Tapos nababasa rin pala niya 'to eh no? Hahaha! Peace po!✌🏻

Gavin
2010
IAS
FEU Manila

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon