ARKI x AB
Nasa lovers lane ako noon kasi sobrang stressed na ako sa plates ko nang biglang may dumating na taga AB at umupo sa tapat ko. Nung una, hindi ko siya pinapansin. Nagbabasa lang kasi siya. Napansin kong sobrang stressed na siya sa binabasa niya. Sakto nahuli niya 'kong nakatingin sa kanya at nginitian niya ako. Ang cute ng ngiti niya hahaha. Lumapit siya sakin at dun nagsimula ang kwentuhan namin. Exchange ng numbers at kinagabihan nagtext ako sa kanya. Ang tagal naming magkausap nun. Dumating na sa point na halos everyweek nagkikita kami sa lovers lane. Kakain ng lunch. Naf-fall nako sa kanya. Sobranf hyper, malakas mantrip, ang daldal niya. Umamin ako and i asked her if i can court her. Pumayag siya. Lapitin siya ng lalaki kasi one of the boys siya. Maraming nakakakikala sa kanya from different colleges. Ang dami kong kalaban nun hahahaha. Mga 5months ako nanligaw sa kanya before she said "yes" Sobrang sweet niya. Nalaman kong ako ang first boyfriend niya. Masaya ang relationship namin kaso may times na 1 week kaming hindi naguusap dahil sa plates ko. Hindi siya nagagalit or nagtatampo kasi alam niyang busy ako dahil nga arki hahaha. Pag siya naman ang busy sa readings niya, nakakagawa naman siya ng paraan para magkausap kami kahit na sinasabi ko sa kanya na magaral muna. Sa aming dalawa, siya ang maeffort. Tinalo pa ako. Everytime she would send me random messages just to tell me how much she loves me. Ang galing niya magsulat. Wala eh. AB eh. Minsan nagaaway kami dahil sa maliliit na bagay. Nung minsan medyo nawawalan nako ng gana. Nagsasawa kumbaga. Ilang beses na akong nakipagbreak sa kanya pero ako pa rin ang bumabalik. Mahal na mahal ko siya eh. At ayun, naghihintay nalang kami ng graduation. Nagpromise kami sa isa't isa na sabay kaming lalabas ng Arch. Btw, one year ahead ako sa kanya.
Her Future Arki
2012
College of Architecture---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
my reaction: 😍
kailangan ko atang tumambay sa may lovers' lane at makipagtitiginan sa mga taong mag-isa lang dun hahaha jk... something light lang na mainclude sa compilation na ito...
trivia: taga-AB din ako hahaha kaya relate much ako dun sa pagsulat... puro sulat-sulat ba naman laging pinapagawa sa amin hahaha pero depende pa rin sa major na yun kasi may ibang major sa AB na puro sulat talaga and yung iba computation chuchu rin
![](https://img.wattpad.com/cover/64612359-288-k494252.jpg)
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST