Liham para sa mga naiwan
Sabi nila kapag nagmahal ka daw you must also learn to let go. Isn't it ironic? How you love and must let go. One day you'll find yourself head over hills in love. It will fill your spirit and it is one of the best feeling in the world eh when the hole of emptiness was being loaded and stuffed with that invisible thing, that thing that was only felt and is shown thru actions. At pagkatapos non? Either it will last or you'll get hurt sabi yun sa kanta ni adele.
Alam nyo ba kung bakit masaya magbasa ng stories dito sa ust files o sakahit anong page na related? Kasi we tend to be a "hopeless romatic" scrolling for a happy love story or a sad yet satisfying odd love story. (tsaka yung mga puns at rants na dala ng mga college students hehe) Kahit hindi satin pero gustong gusto pa din nating basahin mahaba may yan o maikli because it satisfies us para kahit man lang sa storya ng iba ay maaliw tayo o masasabi nating may happy ending o di kaya we are fond of looking for an 'ideal' love story. Haay love is indeed powerful. It creates the happiest and saddest story pero syempre ang pinakapowerful is yung love from the above hehe.
It's been a year since i have been involved in a relationship. 2 years kami, on and off. Yes, it is a typical love story nagsimula sa asaran hanggang sa ligawan tapos syempre naging kayo at susunod na don ay yung famous line ng mga nangiiwan na "it's not you, it's me" pambansang linya ng mga duwag o nagsawa na tapos mga after 2 months babalik sya para iwan ka ulit. Nakakagago di'ba? OO, i am still stuck tinry ko namang humarot pero wala eh nakakawalang gana and it is because of the lessons that was imparted to you by a certain douchebag. Meron na nga pala siyang girlfriend ngayon, i still stalk him bla bla and when the friends ask if i still love him syempre ang sagot eh todo deny "hindi noh tagal tagal na nun eh" sabay ngiwe pagkatalikod. HAHAHHAH so eto na nga.. ang maipapayo ko para sa inyo, ang mga do's and dont's, rules at tips na magagamit nyo:
1. MAGDASAL KA. Lumapit ka kay God sapagkat siya ang pinakunang makakatulong sayo. Turn and leave everything to him and LIVE with Him. Iiyak mo, ikwento mo sakanya under the moonlight kesa mangstalk diba? Masakit pero gagaan loob mo promise.
2. WAG MONG IPAPAKITANG MAY PAKE KA. Siguro karamihan sa atin ay may twitter. Tigil tigilan na ang pagpaparinig and stuff. Mafefeel nya ang success kapag nakikita niyang nagdudusa sa ka so DON'T!
3. MAG-LINIS KA NG BAHAY. Malilibang, mababatak, at makakatulong ka pa hindi yung emo-emohan ka diyan.
4. DISCOVER YOUR TALENTS. Pursue your passion. Yung mga magagaling humugot malay nyo maging kagaya mo sa juan miguel severo kita mo ang galing niya diba? O kaya yung banda ni armi millare ang gaganda ng mga kanta nila patok na patok yung oo, indak at tadhana. Or kung sporty ka naman kagaya ni ate mo from dlsu hehehe kilala nyo na yon yung magaling magvolleyball basta yon kita mo nakapagchampionship hahahaha basta pagtuunan mo kung san ka magaling in a good way ha, puso-an mo yan. There's a lot of things you can do and discover in this world hindi lang yang boylet o girlet mo ang ginawa ng panginoon so get up and work your ass off.
5. IMPROVE YOURSELF. Dito na papasok yung makeovers, pagtone ng muscles, etc. Hindi naman kelangan mag-gym kung tagtipid kesa manood ka ng mga videos at pictures nyo dati bakit di ka nalang manood ng "how to have a butt" "how to have a 6-pack abs" etc ahahhahahhaha gawa ka ng kalendaryo mo para sa pangworkout eklat. Kesa maghanap ng jowa kagaya ng ginawa ng nangiwan sayo siguro dapat ka munang mag-ready para sa susunod na magiging eklat mo eh all-in-1 ka na!
6. LOVE YOURSELF. Syempre love God above all at pagtapos non love yourself. Puro na lang siya iniisip mo ni minsan ba naisip mo sarili mo?
7. ENJOY LIFE. Be thankful wag kang masyadong nega hanapin mo yung goodness sa buhay mo. Example: may pagkain ka, may tirahan ka etc etc. Napakasarap mabuhay.
8. WAG KANG GAGAWA NG TO-DO LIST. Well para sakin di effective yan hahhaha ewan ko lang sa iba kasi diko sila natatapos o nagagawa lahat hahahhah so yun paggising ko ng maaga iisipin ko nalang ano ba dapat gawin.
9. MATULOG KA. Sabi ng prof ko yung mga puro tulog daw eh malulungkot na tao. Ano naman? Char hahahha eh kasi diba kesa magmukmok ka itulog mo nalang nakabawi ka na blooming ka pa paggising hahaha
10. GO OUT. BE WITH THE NATURE. Wag kang puro sa bahay mauumay ka dyan sa kama, sofa, etc. Kung wala kang kasama magbike ka, singhot ka ng malinis na hangin hindi yung kung ano ano sinisinghot mo.
11. GO OUT. BE WITH THE PERSON YOU LOVE. Oo you read it right! Pero hindi siya yung tinutukoy ko, hindi lang siya ang mahal mo sa buhay. Andyan ang friends, family etc.
12. ITAPON TAPON NA ANG MGA BASURA. Hindi man yun nakakatulong pero atleast di mo na makikita parati nakakatulong din, paunti unti hehe.
13. HAVE A HAIRCUT. Cheers to a new beginning!
14. THINK OUTSIDE THE BOX. Besh baka hindi talaga siya para sayo iniwan ka na nga eh pano pag naging kayo tumagal pa lalo? Dibuh. At may dahilan kung bakit kayo pinagtagpo. Experience? A practice? Pinractice ka para sa mas masakit na hinaharap charot lang malay mo yung susunod eh siya na talaga.
15. THINK OF IT AS A BLESSING. Biruin mo yun hiniwalay ka ni God sa isang tao na nakakasira sayo.
16. ""NEVER SETTLE FOR LESS THAN WHAT YOU DESERVE""
Marami rami pa yan pero yan ang mga highlight. I wish you all the best singletons! Sana malive out ko din yang mga tips ko ano hahahhaha GOD BLESS US ALL!!
the girl who cant be moved
2017
kuya edu
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
my reaction: 😉
makakapag-move on ka rin, tiwala lang. For me, ang pinaka tumatak talaga sa akin sa pagmomove on phase ko, yes hahaha XD is yung love yourself and better relationship with the Lord. Parang ang dali lang sabihin ng LOVE YOURSELF di ba? pero para sa akin mahirap siyang gawin. Kasi kasama na dyan ang acceptance sa mga flaws mo, na hindi ka perfect at may mga pagkukulang ka sa buhay... mga ganung bagay. Sa pagpapabuti naman ng relationship kay God, may mga pagsubok din yan at hindi ganun kadali patatagin ang faith and love.. kailangan consistent eh hindi dapat seasonal mga ganung bagay. Ang mga heartaches kasama sa buhay yan, hindi ka dapat patalo. *fist bump*
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
غير روائيFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST
