"Tropa, ang gago mo!"
Bago mag exam pinalagay ng prof namin ung bag namin sa harapan kasama cp. Sa gitna ng exams, serious na serious kaming lahat. Tahimik ang paligid.
Biglang may tumunog na cellphone at ang kanta:
"Im a barbie girl, in this barbie world.
Life in plastic, it's fantastic! You can brush my hair, undress me everywhere. Imagination, life is your creation"
Tawanan pa kami. Hanggang sa walang tumatayo. Paulit ulit na ung kanta. Nainis na ung prof ko, kaya siya na mismo ang naghanap kung san galing ung kanta. Maya maya laking gulat ko inangat nya ung bag ko tas tinanong kung kaninong bag un. Edi tumayo ako.
habang papalapit ako sa prof palakas ng palakas ung tunog ng cp.
Tang-ama!! Yun pala cp ko ung tumutunog!! Tumatawag ung tropa ko, siya rin pala nagpalit ng ringtone ko nung nasa dorm kami. Potangina pag tingin ko sa pinto nakasilip siya dun tawa ng tawa.
Pinag tawanan din ako ng mga kaklase ko at prof ko tapos sabi saken "Mr. Marquez, ang laki ng katawan mo at may tattoo ka pa pero di namin akalain na si barbie pala ang idol mo"
Tang-inis pahiyang pahiya ako. Pagbalik ko ng dorm ginantihan ko siya, ginawa kong basahan sa sahig ung brief niya tapos binalik ko sa cabinet nya. Kumag siya.
Di-ako-si-Barbie
2011
IAS
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST
