Saloobin ng lalaking single
"Graduating na 'ko pero never ko pang naramdaman 'yang "spark" or "inlove" na sobrang mainstream ngayon. Hindi rin naman ako studious, average type of student lang naman ako na dos at 2.5 lang ang goal every sem. Sa sports kasi ako focus, player ako sa liga saka sa institute namin sa I.E. Ball is life kasi. Nagkakagusto naman ako sa babae, oo, pero hanggang dun lang. Hanggang tingin lang. Beyond that, wala na. Hindi naman ako torpe, basta ayaw ko lang ng commitment or let's just say, ng lovelife.
Problema pa lang ng mga tropa ko sa mga girlfriends nila, naiinis na ako eh. Lagi raw nagger, sobrang delusional daw, nakakasakal daw sa sobrang selosa. Hindi ko nga alam bakit pa sila nag iistay kung asong may kadena naman pala ang turing sa kanila. Bakit sila mag papasakal sa taong hindi naman nagpapakain sa kanila diba? Kung magulang pwede pa. Pero girlfriend? Nah, absurd. Siguro ganito ako kasi never pa akong nag karelasyon. Hindi ko siguro talaga maiintindihan ang insanity na umiiral sa isang relationship kasi wala naman ako sa position nila. Welp, alam kong darating din naman ako diyan. Ayaw ko lang din mag madali. Enjoy pa naman ako sa basketball at sa buhay ko. Enjoyin ko muna ang mga bagay bagay sa mundo at ang sarili kong pera bago ako pumasok sa relationship.
Sabi nga nila, dapat mentally and emotionally prepared ka bago ka pumasok dun para hindi mo masaktan ang gf/bf mo sa mga immature actions mo.
Anyway, Hi nga pala kay Jean Malcolm! Gumaganda araw ko kapag nakikita kita sa campus. I crush you. Hahahaha."
R.
2014
IE
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
No FicciónFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST