Bye, my bestfriend.
Palagi niya akong hinahalikan, dinidilaan, imbis na matuwa tinataboy ko siya. Palagi siyang nakikipaglaro sakin, nakikipag harutan pero imbis na laruin, sinisigawan ko pa.
Palagi niya akong sinasalubong sa pinto tuwing uuwi ako, masayang-masaya sa pag dating ko, nakataas ang buntot, lumilinggis sa hita ko, pero imbis na yakapin siya, tinatadyakan ko. Minsan ko lang siya pakainin kapag trip ko lang, o kapag may tirang pagkain. Kapag wala, wala. Nung nakita ko siyang pumasok sa cr namin at uminom ng tubig sa timba, binato ko pa siya ng tabo. Hindi ko siya pinapaliguan, ni hindi malinisan. Ni hindi mabigyan ng tubig.
Kapag badtrip ako tuwing dumumi siya sa loob ng bahay, hinahataw ko siya ng walis para lumabas. Kapag tinatahulan niya ang mga bisita namin, kinukulong ko siya habang minumura. Nagkatrauma siya dahil saken. Minsan bigla nalang siyang umiilag kapag nakakakita ng walis.
Hanggang neto lang June, pinalabas ko siya ng bahay kasi umihi siya sa sala namin. Nakatulog ako sa kwarto at nakalimutan siyang kunin. Pag gising ko,
patay na siya.
Basang-basa ng ulan sa harap ng bahay namin. Yung mga scratches ng kuko niya sa pinto namin nakabakat pa. Bakas ng pagmamakaawang pag buksan ko siya ng pinto dahil ginaw na ginaw na siya. Sobra akong naguilty. Sobrang lungkot ko. Para akong nawalan ng isang kamag-anak na matagal akong sinamahan at inalagaan.
Habang naghuhukay ako ng libingan niya sa likod ng bahay namin, hindi ko kinaya, naiyak nalang ako. Naging emosyonal ako lalo nang mapansin kong nakaayos ang mga tsinelas sa gilid ng pinto.
Naalala ko kasi yung mga araw na tinuturuan ko siya kung paano ayusin yun. Yung mga araw na siya lang ang kalaro ko. Yung araw na pinagtanggol niya ako sa aso ng kapit-bahay namin nung bata pa ako. Yung mga pag salubong niya tuwing umuuwi ako.
Sobrang akong nagsisisi sa itinrato ko sa kaniya. Pakiramdam ko ngayong wala siya, parang wala na akong kasama. Namimiss ko yung pag-iingay at paglalambing niya. Sorry Charlie, napunta ka sa napaka-iresponsableng amo na kagaya ko. Sorry sa lahat. Miss na miss na kita. :(
---
2009
IABF
FEU Manila
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST