HUGOT SA CLASSROOM PLAY

266 5 0
                                    


HUGOT SA CLASSROOM PLAY

Ginroup ang class. 6 members per group. Nag pacount.

Prof: Lahat ng number 3, tayo.

Tumayo ako. Lumingon sa likod para makita ang mga groupmates ko. Nakatayo ang ex ko. Nakatayo ang bago niyang nililigawan. At iba pang mga kaklase.

DAMN IT! AWKWARD! ETO REAKSYON KO --> 🙄 *rolls eyes*

Pinakita ni Prof yung topics sa board.

Napunta samin yung topic na "Cheating is a choice".

Etong mapang-asar naming leader, binigay sakin yung role na girlfriend and since nag iisang lalaki lang sa grupo yung ex ko, automatic siya yung boyfriend. At sa bagong ka-MU ng ex ko yung mistress. Yung iba gaganap na kaibigan ko. Yung mga singers sa grupo, kakanta.

Tawa pa nang tawa yung leader namin habang binibigay yung role. Para damang dama raw ang acting namin kasi may paghuhugutan. Bwisit diba? Sarap sampalin ng takong.

So pinagawa niya na kami ng script.

Aba! Hugot kung hugot talaga ako. Role ko kasi is "Ang martyr na girlfriend" saktong sakto.

To make the long story short:

Turn na namin. So kaniya-kanyang acting ng sari-sariling roles.

Then nahuli ko raw ang boyfriend ko na kasama ang mistress niya. Ang script ko lang is "Paano mo nagawa sakin to?" "Masaya naman tayo ah?" "Pero bakit hindi ka pa rin nakuntento?"

Pero hindi lang yun ang lumabas sa bibig ko. Yung mga linyang yun naging ganito:

"Ang kapal ng mukha mo!"

(habang tinitignan ko mukha ng ex ko naiiyak na 'ko. bumabalik yung sakit. puta dito ko na ibubuhos to)

"Paano mo nagawa sakin to ha?"

"Pucha! Binigay ko lahat!"

"Binigay ko lahat para sayo!"

"Tapos ito lang ang gagawin mo? Iiwanan mo ako?! Ilang taon tayo, Andrew!!!"

"Ilang taon ang sinayang mo! Asan na yung mga pangako mo? Mga plano natin? Dahil sa babaeng 'to kinalimutan mo yun?"

*sabay sampal sa ka-MU niya*

"Wala kang kwentang tao! Hindi kita mapapatawad! Lumipat ka na ng block next sem. Ayoko nang makita yang pagmumukha mo! Isama mo na yang babae mo!"

*sabay kanta sila ng "Habang ikaw ay naririto sa dibdib. Ipaglalaban ko ating pag ibig. Sa harap ng paghihirap at pasakit. Ako ay magtitiis." OST ng The Legal Wife.*

Natauhan nalang ako nung nag palakpakan at nag tawanan yung mga kaklase namin. After nung play tinanong ako ng leader ko kung bakit humaba linya ko. Bakit din daw ako nanampal e wala sa script yun.

Sagot ko, "Sorry, na-carried away lang"

Pero kami yung grupong nag top dahil ang galing daw ng acting skills ko. Hugot na hugot! May pag iyak pang ganap. Susme! Anyare saken. Pero nag sorry ako dun sa babae after nung play. No hard feelings. Hahahaha!

Mazkowm
2013
IAS
FEU Manila

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon