TIME KEEPER

307 1 0
                                    


TIME KEEPER

Habang nag uusap kami ni boypren

Him: Di nako papasok lage tuwing monday
Me: ha? Baket?

Sa isip ko baka tinatamad nanaman tong panget na to aba di pwede yun!!! Ang mahal ng tuition fee. And I know na full pack ang schedule niya sobrang higpit talaga kaya di siya pwede umabsent.

Him: wala-
Me: pumasok ka!

Bago pa siya magexplain binara ko na agad. Eh kase naman ayokong tinatamad siya, graduating na kase koya niyo ng BS Civil Engineering haha big time diba? Kaya ako tong ate gurl todo support at cheer at push sa pag aaral niya. Alam ko kase gano niya pinaghirapan yun at ayokong mababalewala. Hahaha.

Him: ano ba yan! Di mo man lang naappreciate eh!
Me: ang alin? -_______-

K. Sobrang sungit ko talaga hahaha

Him: pinaadjust ko nga ang schedule ko para pareho na tayo ng vacant pero ayan di mo man lang naappreciate. Ang hirap pa naman magpaadjust nag makaawa pako sa prof ko. Di bale sige papaadjust ko na lang uli sa dati.

Me:..........

Edi ako speechless. nahiya ako kase sermon agad inabot niya sakin. Monday lang kase vacant day ko. At di pa kami pareho ng school kaya mej hirap kami magkita.

Me: baby....

Him: oh? Wag na papabalik ko na lang sa dati kong schedule.
Me: hala sorry na baby di ko naman alam. Love na love kita!!

Alam ko kasing strict sa school niya at di basta basta siya papayagan na makapag-adjust ng schedule lalo na at graduating na siya. So talagang alam kong pagod at oras at effort ang binuhos niya para makapagpalit ng schedule.

Lol. Napangiti na lang parang tanga dahil sobrang akong natuwa at touch kase kita ko talagang gumagawa siya ng way at time para sakin. Para samin. Siya madalas mag-adjust para sa relationship namin hehe. Pero not all the time ako rin minsan haha.

So syempre ariba ako!! HAAHHAAH sobrang tuwa ko e hahaha haba hair ko mga behhhh hahahahah tae diba sobrang Hart Hart hhahah

Me: hahaha Iloveyou mahal, salamat. Sobrang iloveyou!!!! Hahahaha
Him: sus ewan -_____-
Me: iloveyou na nu ba to
Him: iloveyou too.

Ayun tapos naglandiaan na kami uli hahaha charot lang. Nakakatuwa ang boyfriend ko kase patunay lang yun na walang busy busyhan pag mahal ka ng isang tao. Trust me girls, kung mahal ka niyan kayang mag magic niyan para magka-oras siya sayo. Di excuse ang busy siya.

Swerte ko dahil halos whole package na binigay sakin. Di niya ako pinababayaan. At lahat halos lahat ng bilin ko ay sinusunod niya. Pogi na nga mabait pa. Kamukha niya daw si Ronnie alonte ""daw"" hahaha sus mas pogi siya dun. Yummylicious Jk. Hahaha

Mahal!!!! Basahin mo to panget mo hahaha. Salamat. Mangha ako sayo ha nakakamagic ka ng oras hahaha. Iloveyou. Oh mahal na mahal kita. sorry sa laging pag-adjust mo sakin. labyuuu muahh. Ayusin ang aral. Basta ikaw, ako, at ang ating mga pangarap okay? Lapit na kapit lang! Hahahah korni ko pweeee. Hahahaha.

schedulegirl
201*
COLLEGE OF EDUCATION

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon