Idol mo pala si Medusa, bes?
Noon nakikita ko lang yung mga napapadalas mong papansin messages sa boyfriend ko na "Hello Jared! Musta? Miss na kita" with kilig emojis. Hindi ko pinapansin yun. Walang malisya. Bestfriend kita e. At naiintindihan kong gusto mo lang din maging friendly sa boyfriend ko kahit nakukulitan na siya sayo.
Nung nag-away kami bes, naalala mo? Pinipilit mo akong makipaghiwalay sa kaniya kahit napakaliit lang nung pinagawayan namin. At dahil bestfriend kita at feeling ko concern ka talaga sakin, nakipag-break ako. Sabi mo pa, aawayin mo ko kapag nakipagbalikan ako, dumadrama ka pang papiliin ako kung siya o ikaw na bestfriend ko. Dami mong sinasabi nun bes pero nakipagbalikan pa rin ako kay Jared kasi mahal ko siya at mahal niya ako. Inisip kong kung bestfriend talaga kita, maiintindihan mo ako at magiging masaya ka nalang sa desisyon ko.
Nung inopen ko yung facebook account ni Jared after naming magkaayos, boom! Kinukulit mo na naman daw siya. Ikaw pa ang nagyayayang ilabas ang boyfriend ko bes. "Busy ka Jared? Tara Morato tayo" reply ng boyfriend ko sayo, "Sorry busy ako e saka ayaw na akong umiinom ni Ara" tas sabi mo, "Di naman malalaman ni Ara e. Saka break na naman kayo diba? Nagpapaligaw na yun sa iba. Haha"
Wow bes! Akala ko ba "Gago" si Jared? Grabe yung pantatrashtalk mo sa kaniya nung kinocomfort mo ko. Galit na galit ka kuno sa kaniya, tapos bigla mong yayayain sa gimik? Ano ba talaga bes? Siniraan mo pa akong nagpapaligaw na sa iba kahit hindi naman? Wow ha! Then nung nalaman mong okay kami ulit ni Jared nagtatampo ka pa kuno. Galit ka ba na nagpapakatanga ako sa lalaki o galit ka kasi hindi ka na makakalandi sa kaniya? May black propaganda ka rin pala bes ano? Pero di ka nakatiis, pinansin mo ko. Ilang buwan kaming hindi na nagaaway ni Jared. Walang problema. Wala rin tayong problema. Pero isang araw nangutang ka nalang sa boyfriend ko ng singkwenta pesos nung magkakasama tayo. Nagtataka ako kasi ang rich kid mo pero mangungutang ka ng singkwenta pesos? At sa boyfriend ko pa? Pwede namang sakin o kay Nina at Grace, magkakasama naman tayo nun. Talagang kay Jared pa? Pero sige, pera lang naman eh. Pinalagpas ko pa rin.
July 12, magkakasama tayong barkada sa condo ni Jared. Nasa kusina siya tapos nasa kwarto kami. Nagpaalam kang CCR pero nakita ko sa kusina ka dumiretso. Ginulat mo si Jared sa kusina tapos bigla mong niyakap. Hindi mo alam, sinundan kita. Para kang nakakita ng multo nung nakita mo akong nakatingin sayo, bes. Napayuko ka bigla at sinabing "magbabayad lang ako ng fifty pesos"
Ako: Magbabayad ka lang ng fifty pesos may kasama pang yakap?
Bes hindi kita natansya bes! Nanginig ang lamang loob ko sa kalandian mong ahas ka! Gigil na gigil ako sayo! Para akong sinaniban ng demonyo. Sorry kung nasampal-sampal kita ng beri hard bes! Sorry rin kung nakaladkad kita palabas ng condo! Punyeta ka gusto pa nga kitang ihulog sa Fire Exit eh kung di lang ako naawat. Bes bakit ka ganiyan? Ilang taon tayong bestfriend pero di ako aware na idol mo pala si Medusa? Bestfriend tayo bes pero bakit ganun? Dahil sa lalaki binaba mo ang pagkatao mo ng ganiyan? Anyare sayo bes? Ganun na ba nangangati ang clittoris mo kapag nakikita mo si Jared kaya naisakripisyo mo lahat pati pagkakaibigan natin? Pfffft. Poor you. See you around bes. Be proud, nag effort akong ikwento rito ang adventure mo! Mission failed ka nga lang. 🙊
Ara
2010
ITHM
FEU Manila
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST
