Suicide Guardian
Nasa rooftop ako ng BGPOP building. Maggagabi. Nakalimutan yatang ikandado ng mga construction worker yung pinto. Kaya nakapasok ako.
Nakaupo na ko sa pinakagilid ng yero ng roof. Yung legs ko, sumasayad na sa ere. Nalulula ako 'pag tumitingin sa baba. 12 floors ang layo ng kalsada.
Ayoko na kasi. Nalaman ni mama na nagcheat si papa sa kanya. Kaya sinubukan niyang magpakamatay.
Iniwanan ako ng bf ko. Kasi may kabet pala siya. Na lalaki rin.
Ayaw na sa'kin ng mga blockmate ko, kasi kumalat yung sex vid namin ng ex ko sa isang 'tanginang website.
Naiiyak na ko, kasi desidido na talaga kong tumalon. Nagpapalpitate na ko sa kaba.
"Talon." sabi ng boses ng isang lalaki.
Lumingon ako, at nakita ko ang isang AB guy na nakangisi sa'kin. May itsura, pero mukhang gagong maangas. Kita niyang may pagkabasa na mata ko. Nairita ako, kasi parang natutuwa pa siya sa'kin.
"Problema mo?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Bawal kang magpakamatay." nakangiti niyang sinabi. "Ako ang main suspect 'pag tumalon ka."
May punto naman siya. Kaya 'di ko na nasagot ng pabara.
Lumalamig na yung hangin.
"Para kasing rollercoaster ang buhay." nanginginig sa iyak kong sinabi. "Minsan, nasa tuktok ka. Ta's biglang sagad na mahuhulog ka pababa."
"Ganun talaga." pagkoconsole niyang sinabi. "Pero 'pag tumalon ka d'yan. 'Di na ulit aangat ang coaster."
Tahimik na lang kami. 'Di ko na alam kung saan pupunta yung usapan.
"Tingnan mo yung main building 'dun." nakaturo niyang sinabi. "10 years ago, tumalon ako d'yan. Akala ko, matatahimik na ko. Pero hindi. Ayaw akong tanggapin ng Langit o Impyerno. Pagala-gala lang ako dito sa lupa."
'Di ko magawang tingnan siya. Gabi na. Natakpan na ng dilim ng ulap ang araw. Takot na takot ako. Pero nagpumilit pa rin akong lumingon. At pagkatingin ko, wala na siya.
Agad-agad akong bumaba ng BGPOP, iyak ng iyak. Nagtataka yung mga tao kung bakit.
Sumugod agad ako sa chapel, at lumuhod lang. Nagdasal lang ng nagdasal habang humahagulgol ako sa luha.
"Lord," binulong ko. "Tanggapin n'yo na po siya d'yan. Bigyan n'yo na siya ng katahimikan. Niligtas niya ko."
Saved
2014
AB
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
NonfiksiFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST